Jonas 2
Ang Biblia, 2001
Ang Panalangin ni Jonas
2 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Diyos mula sa tiyan ng isda,
2 at kanyang sinabi,
“Tinawagan ko ang Panginoon mula sa aking pagdadalamhati,
at siya'y sumagot sa akin;
mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
at iyong dininig ang aking tinig.
3 Sapagkat inihagis mo ako sa kalaliman,
sa pusod ng dagat,
at ang tubig ay nasa palibot ko;
ang lahat ng iyong alon at iyong mga daluyong
ay umaapaw sa akin.
4 Kaya't aking sinabi, ‘Ako'y inihagis
mula sa iyong harapan;
gayunma'y muli akong titingin
sa iyong banal na templo.’
5 Kinukulong ako ng tubig sa palibot.
Ang kalaliman ay nasa palibot ko.
Ang mga damong dagat ay bumalot sa aking ulo.
6 Ako'y bumaba sa mga ugat ng mga bundok.
Ang lupain at ang mga halang nito ay nagsara sa akin magpakailanman.
Gayunma'y iniahon mo ang aking buhay mula sa hukay,
O Panginoon kong Diyos.
7 Nang ang aking buhay ay nanlulupaypay,
naalala ko ang Panginoon;
at ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8 Ang mga nagpapahalaga sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan
ay nagtatakuwil ng kanilang tunay na katapatan.
9 Ngunit ako'y mag-aalay sa iyo
na may tinig ng pasasalamat.
Aking tutuparin ang aking ipinanata.
Ang pagliligtas ay mula sa Panginoon!”
10 At inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa tuyong lupa.
Jonas 2
Ang Dating Biblia (1905)
2 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2 At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.
3 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4 At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo.
5 Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6 Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7 Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan.
9 Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon.
10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Jonah 2
King James Version
2 Then Jonah prayed unto the Lord his God out of the fish's belly,
2 And said, I cried by reason of mine affliction unto the Lord, and he heard me; out of the belly of hell cried I, and thou heardest my voice.
3 For thou hadst cast me into the deep, in the midst of the seas; and the floods compassed me about: all thy billows and thy waves passed over me.
4 Then I said, I am cast out of thy sight; yet I will look again toward thy holy temple.
5 The waters compassed me about, even to the soul: the depth closed me round about, the weeds were wrapped about my head.
6 I went down to the bottoms of the mountains; the earth with her bars was about me for ever: yet hast thou brought up my life from corruption, O Lord my God.
7 When my soul fainted within me I remembered the Lord: and my prayer came in unto thee, into thine holy temple.
8 They that observe lying vanities forsake their own mercy.
9 But I will sacrifice unto thee with the voice of thanksgiving; I will pay that that I have vowed. Salvation is of the Lord.
10 And the Lord spake unto the fish, and it vomited out Jonah upon the dry land.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
