Add parallel Print Page Options

40 Sinabi ni Yahweh kay Job,
“Ang mapaghanap ba ng mali ay mangangatwiran,
    at sa Makapangyarihan ay makikipaglaban?
Sinumang sa Diyos ay nakikipagtalo,
    ay dapat sumagot sa tanong na ito.”

Tumugon naman si Job,
“Narito, ako'y hamak at walang kabuluhan,
    wala akong maisasagot, bibig ay tatakpan.
Sa panig ko'y nasabi na ang lahat ng sasabihin,
    ako'y di na kikibo, nasabi'y di na uulitin.”

Ang Kapahayagan ng Kapangyarihan ng Diyos

Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job,

“Tumayo ka ngayon at magpakalalaki,
    tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.
Ako pa ba ang nais mong palabasing masama
    upang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama?
Ang iyong lakas ba ay katulad ng sa Diyos?
    Tinig mo ba'y dumadagundong, katulad ng kulog?
10 Kung gayon, balutin mo ang sarili ng dangal at kadakilaan,
    magbihis ka muna ng luwalhati't kaningningan.
11 Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot,
    at ang mga palalo'y iyong ilugmok.
12 Subukin mong pahiyain ang mga palalo,
    at ang masasama'y tapakan sa kanilang puwesto.
13 Ibaon mo silang lahat sa ilalim ng lupa,
    sa daigdig ng mga patay sila'y itanikala.
14 Kung iyan ay magawâ mo, maniniwala ako sa iyo
    na kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo.

15 “Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo,
    gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo.
Ito'y parang baka kung kumain ng damo.
16     Ang lakas niya'y naiipon sa kanyang katawan;
    ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang laman.
17 Ang tigas ng buntot niya ay sedar ang katulad,
    ang kanyang mga hita'y siksik at matatag.
18 Parang tanso ang kanyang mga buto,
    sintigas ng bakal ang kanyang mga braso.

19 “Siya ay pangunahin sa mga nilikha,
    ngunit magagapi nang sa kanya'y lumikha.
20 Siya'y nanginginain doon sa mga bundok,
    doon sa tirahan ng kapwa niya hayop.
21 Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan,
    nakatago sa gitna ng mga talahib sa putikan.
22 Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip,
    sa kanya'y nakapaligid sa tabi nitong batis.
23 Hindi siya natatakot lumakas man ang agos;
    ang Jordan man ay lumalim, mahinahon pa rin kung kumilos.
24 Siya kaya ay mahuli sa pamamagitan ng bingwit,
    makuha kaya siya sa ilong sa pamamagitan ng kawit?

40 Il Signore riprese e disse a Giobbe:
Il censore vorrà ancora contendere con l'Onnipotente?
L'accusatore di Dio risponda!
Giobbe rivolto al Signore disse:
Ecco, sono ben meschino: che ti posso rispondere?
Mi metto la mano sulla bocca.
Ho parlato una volta, ma non replicherò.
ho parlato due volte, ma non continuerò.

SECONDO DISCORSO

Dio controlla le forze del male

Allora il Signore rispose a Giobbe di mezzo al turbine e disse:
Cingiti i fianchi come un prode:
io t'interrogherò e tu mi istruirai.
Oseresti proprio cancellare il mio guidizio
e farmi torto per avere tu ragione?
Hai tu un braccio come quello di Dio
e puoi tuonare con voce pari alla sua?
10 Ornati pure di maestà e di sublimità,
rivestiti di splendore e di gloria;
11 diffondi i furori della tua collera,
mira ogni superbo e abbattilo,
12 mira ogni superbo e umilialo,
schiaccia i malvagi ovunque si trovino;
13 nascondili nella polvere tutti insieme,
rinchiudili nella polvere tutti insieme,
14 anch'io ti loderò,
perché hai trionfato con la destra.

Le bestie

15 Ecco, l'ippopotamo, che io ho creato al pari di te,
mangia l'erba come il bue.
16 Guarda, la sua forza è nei fianchi
e il suo vigore nel ventre.
17 Rizza la coda come un cedro,
i nervi delle sue cosce s'intrecciano saldi,
18 le sue vertebre, tubi di bronzo,
le sue ossa come spranghe di ferro.
19 Esso è la prima delle opere di Dio;
il suo creatore lo ha fornito di difesa.
20 I monti gli offrono i loro prodotti
e là tutte le bestie della campagna si trastullano.
21 Sotto le piante di loto si sdraia,
nel folto del canneto della palude.
22 Lo ricoprono d'ombra i loti selvatici,
lo circondano i salici del torrente.
23 Ecco, si gonfi pure il fiume: egli non trema,
è calmo, anche se il Giordano gli salisse fino alla bocca.
24 Chi potrà afferarlo per gli occhi,
prenderlo con lacci e forargli le narici?

Leviatan

25 Puoi tu pescare il Leviatan con l'amo
e tener ferma la sua lingua con una corda,
26 ficcargli un giunco nelle narici
e forargli la mascella con un uncino?
27 Ti farà forse molte suppliche
e ti rivolgerà dolci parole?
28 Stipulerà forse con te un'alleanza,
perché tu lo prenda come servo per sempre?
29 Scherzerai con lui come un passero,
legandolo per le tue fanciulle?
30 Lo metteranno in vendita le compagnie di pesca,
se lo divideranno i commercianti?
31 Crivellerai di dardi la sua pelle
e con la fiocina la sua testa?
32 Metti su di lui la mano:
al ricordo della lotta, non rimproverai!

'Job 40 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.