Print Page Options

Inireklamo ni Job ang Ginagawa ng Masama

24 “Bakit di nagtatakda ang Makapangyarihang Diyos ng araw ng paghuhukom,
    upang masaksihan ng mga matuwid ang kanyang paghatol?

“Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa,
    nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga.
Tinatangay nila ang asno ng mga ulila,
    kinakamkam sa mga biyuda ang bakang isinangla.
Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan;
    at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan.

“Kaya ang dukha, tulad ay asnong mailap,
    hinahalughog ang gubat,
    mapakain lang ang anak.
Gumagapas sila sa bukid na hindi kanila,
    natirang ubas ng mga masasama pinupulot nila.
Kanilang katawan ay walang saplot;
    sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot.
Nauulanan sila doon sa kabundukan;
    mga pagitan ng bato ang kanilang silungan.

“Inaalipin ng masasama ang mga ulila;
    mga anak ng may utang, kanilang kinukuha.
10 Hubad na pinaglalakad ang mga mahirap,
    labis ang gutom habang sila'y pinapagapas.
11 Sila ang nagkakatas ng ubas at olibo,
    ngunit di man lamang makatikim ng alak at langis nito.
12 Mga naghihingalo at mga sugatan, sa loob ng lunsod ay nagdadaingan,
    ngunit di pa rin pansin ng Diyos ang kanilang panawagan.

13 “May mga taong nagtatakwil sa liwanag;
    di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan.
14 Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw,
    at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang.
    Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw.
15 Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim,
    nagtatakip ng mukha upang walang makapansin.
16 Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw;
    ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw.
17 Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan,
    ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.”

18 Sinabi ni Zofar,
“Ang masamang tao'y tinatangay ng baha,
    sinumpa ng Diyos ang kanilang lupa;
    sa ubasan nila'y ni walang mangahas magsaka.
19 Kung paanong ang yelo ay natutunaw sa tag-init,
    gayundin ang masama, naglalaho sa daigdig.
20 Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot;
    parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok.
21 Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak,
    at ang mga biyuda ay kanyang hinamak.
22 Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas;
    kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas.
23 Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay,
    sa bawat sandali, siya'y nagbabantay.
24 Umunlad man ang masama, ngunit panandalian lamang,
    natutuyo ring tulad ng damo at halaman,
    parang bungkos ng inani na binunot sa taniman.
25 Kasinungalingan ba ang sinasabi ko?
Sinong makapagpapatunay na ito'y di totoo?”

'Job 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Sinasabi ni Job na ang makasalanan ay namamatay na tulad din ng karaniwang tao.

24 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat?
At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
May nagsisipagbago ng lindero;
Kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
Kanilang itinataboy ang asno ng ulila,
(A)Kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
(B)Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan:
(C)Ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang,
Sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain;
Ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain;
At kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot.
At walang kumot sa ginaw.
Sila'y basa ng ulan sa mga bundok,
At (D)niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso,
At nagsisikuha ng sangla ng dukha:
10 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit,
At palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
11 Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito;
Sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
12 Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao,
At ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw;
Gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
13 Ito'y sa mga (E)nangaghihimagsik laban sa liwanag;
Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon,
Ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
14 Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag,
Pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan;
At sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
15 Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay (F)ng pagtatakip-silim,
Na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin:
At nagiiba ng kaniyang mukha.
16 Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay:
Sila'y nagkukulong sa sarili kung araw;
Hindi nila nalalaman ang liwanag,
17 Sapagka't (G)ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman,
Sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
18 (H)Siya'y matulin (I)sa ibabaw ng tubig;
Ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa:
Siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
19 Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng (J)tubig:
Gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
20 Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod;
Siya'y hindi na maaalaala pa:
At ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
21 Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak;
At hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
22 Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan
Siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
23 Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon;
At ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
24 Sila'y nangataas, (K)gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na.
Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba,
At nangaputol na gaya ng mga uhay.
25 At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling,
At magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?

24 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?

May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.

Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.

Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.

Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.

Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.

Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw.

Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.

May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha:

10 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;

11 Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.

12 Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.

13 Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon.

14 Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.

15 Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha.

16 Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag,

17 Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.

18 Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.

19 Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.

20 Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.

21 Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.

22 Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.

23 Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.

24 Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay.

25 At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?

24 “Why does the Almighty not set times(A) for judgment?(B)
    Why must those who know him look in vain for such days?(C)
There are those who move boundary stones;(D)
    they pasture flocks they have stolen.(E)
They drive away the orphan’s donkey
    and take the widow’s ox in pledge.(F)
They thrust the needy(G) from the path
    and force all the poor(H) of the land into hiding.(I)
Like wild donkeys(J) in the desert,
    the poor go about their labor(K) of foraging food;
    the wasteland(L) provides food for their children.
They gather fodder(M) in the fields
    and glean in the vineyards(N) of the wicked.(O)
Lacking clothes, they spend the night naked;
    they have nothing to cover themselves in the cold.(P)
They are drenched(Q) by mountain rains
    and hug(R) the rocks for lack of shelter.(S)
The fatherless(T) child is snatched(U) from the breast;
    the infant of the poor is seized(V) for a debt.(W)
10 Lacking clothes, they go about naked;(X)
    they carry the sheaves,(Y) but still go hungry.
11 They crush olives among the terraces[a];
    they tread the winepresses,(Z) yet suffer thirst.(AA)
12 The groans of the dying rise from the city,
    and the souls of the wounded cry out for help.(AB)
    But God charges no one with wrongdoing.(AC)

13 “There are those who rebel against the light,(AD)
    who do not know its ways
    or stay in its paths.(AE)
14 When daylight is gone, the murderer rises up,
    kills(AF) the poor and needy,(AG)
    and in the night steals forth like a thief.(AH)
15 The eye of the adulterer(AI) watches for dusk;(AJ)
    he thinks, ‘No eye will see me,’(AK)
    and he keeps his face concealed.
16 In the dark, thieves break into houses,(AL)
    but by day they shut themselves in;
    they want nothing to do with the light.(AM)
17 For all of them, midnight is their morning;
    they make friends with the terrors(AN) of darkness.(AO)

18 “Yet they are foam(AP) on the surface of the water;(AQ)
    their portion of the land is cursed,(AR)
    so that no one goes to the vineyards.(AS)
19 As heat and drought snatch away the melted snow,(AT)
    so the grave(AU) snatches away those who have sinned.
20 The womb forgets them,
    the worm(AV) feasts on them;(AW)
the wicked are no longer remembered(AX)
    but are broken like a tree.(AY)
21 They prey on the barren and childless woman,
    and to the widow they show no kindness.(AZ)
22 But God drags away the mighty by his power;(BA)
    though they become established,(BB) they have no assurance of life.(BC)
23 He may let them rest in a feeling of security,(BD)
    but his eyes(BE) are on their ways.(BF)
24 For a little while they are exalted, and then they are gone;(BG)
    they are brought low and gathered up like all others;(BH)
    they are cut off like heads of grain.(BI)

25 “If this is not so, who can prove me false
    and reduce my words to nothing?”(BJ)

Footnotes

  1. Job 24:11 The meaning of the Hebrew for this word is uncertain.