Taming the Tongue

(A)Not many of you should become teachers, my brothers, for you know that we who teach will be judged with greater strictness. For (B)we all stumble in many ways. And if anyone does not stumble in what he says, (C)he is a perfect man, (D)able also to bridle his whole body. If we put (E)bits into the mouths of horses so that they obey us, we guide their whole bodies as well. Look at the ships also: though they are so large and are driven by strong winds, they are guided by a very small rudder wherever the will of the pilot directs. So also the tongue is a small member, yet (F)it boasts of great things.

How great a forest is set ablaze by such a small fire! And (G)the tongue is a fire, a world of unrighteousness. The tongue is set among our members, (H)staining the whole body, setting on fire the entire course of life,[a] and set on fire by hell.[b] For every kind of beast and bird, of reptile and sea creature, can be tamed and has been tamed by mankind, but no human being can tame the tongue. It is a restless evil, (I)full of deadly poison. With it we bless our Lord and Father, and with it we curse people (J)who are made in the likeness of God. 10 From the same mouth come blessing and cursing. My brothers,[c] these things ought not to be so. 11 Does a spring pour forth from the same opening both fresh and salt water? 12 Can a fig tree, my brothers, bear olives, or a grapevine produce figs? Neither can a salt pond yield fresh water.

Wisdom from Above

13 Who is wise and understanding among you? (K)By his good conduct let him show his works (L)in the meekness of wisdom. 14 But if you have bitter (M)jealousy and selfish ambition in your hearts, do not boast and be false to the truth. 15 This is not (N)the wisdom that comes down from above, but is earthly, unspiritual, (O)demonic. 16 For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice. 17 But (P)the wisdom from above is first pure, then (Q)peaceable, gentle, open to reason, (R)full of mercy and good fruits, (S)impartial and (T)sincere. 18 And (U)a harvest of righteousness (V)is sown in peace by those who make peace.

Footnotes

  1. James 3:6 Or wheel of birth
  2. James 3:6 Greek Gehenna
  3. James 3:10 Or brothers and sisters; also verse 12

Ang Dila

Mga kapatid ko, huwag magnais maging guro ang marami sa inyo sapagkat alam ninyo na mas mahigpit ang gagawing paghatol sa ating mga nagtuturo. Sapagkat tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pagsasalita ay taong ganap at kayang rendahan ang kanyang sarili. Kapag nilagyan ng renda[a] ang bibig ng kabayo, ito'y napasusunod natin at napababaling saanman natin ibigin. Tingnan ninyo ang mga barko, bagama't malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ito'y naibabaling sa pamamagitan ng napakaliit na timon saanman ibigin ng piloto. Ganyan din ang dila ng tao; napakaliit na bahagi ng katawan ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lang ninyo na “gaano kalaking mga gubat ang napaglalagablab ng isang maliit na apoy!” Ang dila'y parang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kasama ng ibang bahagi ng ating katawan. Pinarurumi nito ang ating buong pagkatao at tinutupok ang landas na tinatahak ng tao sa pamamagitan ng apoy mula sa impiyerno. Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad o gumagapang, at ng mga nilalang sa dagat ay napaaamo at napaamo na ng tao. Ngunit walang taong nakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng lasong nakakamatay. Dila (A) ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at dila din ang ginagamit natin sa panlalait sa ating kapwa na nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig lumalabas ang pagpupuri at panlalait. Hindi dapat mangyari ito, mga kapatid. 11 Maaari bang magmula sa iisang bukal ang tubig na matamis at ang tubig na mapait? 12 Mga kapatid, namumunga ba ng olibo ang puno ng igos? Mamumunga ba ng igos ang puno ng ubas? Bumubukal ba ng tubig-tabang ang balon ng maalat na tubig?

Karunungan Mula sa Itaas

13 Sino sa inyo ang marunong at may pang-unawa? Ipakita niya sa pamamagitan ng wastong pamumuhay ang mga gawa na bunga ng kaamuan at karunungan. 14 Ngunit kung nasa inyong puso ang inggit at makasariling hangarin, huwag ninyong ipagmalaki iyan at huwag ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi buhat sa langit kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. 16 Sapagkat saanman naroon ang inggit at makasariling hangarin, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. 17 Ngunit ang karunungang buhat sa itaas, una'y malinis, saka mapagpayapa, banayad, maunawain, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang pagtatangi, walang pagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng mga nagtataguyod ng kapayapaan.

Footnotes

  1. Santiago 3:3 pakagat: Isang bakal na inilalagay sa bibig ng kabayo na karugtong ng renda.