Isaias 8:14-15
Magandang Balita Biblia
14 Sa(A) dalawang kaharian ng Israel,
siya'y magiging isang santuwaryo, isang batong katitisuran;
bitag at patibong para sa mga naninirahan sa Jerusalem.
15 Dahil sa kanya, marami ang babagsak, mabubuwal at masusugatan;
marami rin ang masisilo at mahuhulog sa bitag.”
Isaias 8:14-15
Ang Biblia, 2001
14 At(A) siya'y magiging santuwaryo ninyo, isang batong katitisuran at malaking batong kabubuwalan ng dalawang sambahayan ng Israel, isang bitag at silo sa mga mamamayan ng Jerusalem.
15 At marami ang matitisod doon; sila'y mabubuwal at mababalian. Sila'y masisilo at mahuhuli.”
Read full chapter
Isaias 8:14-15
Ang Biblia (1978)
14 At (A)siya'y magiging pinakasantuario; nguni't (B)pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na (C)pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.
15 At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
