Isaias 65:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan:
“Ang isang kumpol na ubas ay maaaring gawing alak,
kaya ang sabi ng mga tao, ‘Huwag ninyo itong sirain,
sapagkat mayroon itong pagpapala!’
Ganyan din ang gagawin ko alang-alang sa aking mga lingkod,
hindi ko sila ganap na wawasakin.
9 Pagpapalain ko ang mga salinlahi ni Jacob,
at kay Juda ibibigay ko ang aking mga bundok.
Mananahan doon ang aking mga bayan na naglingkod sa akin.
10 Ako(A) ay sasambahin ng aking mga lingkod, at kanilang pangungunahan ang kanilang mga tupa at baka
sa pastulan sa kapatagan ng Sharon sa kanluran
at sa Libis ng Kaguluhan sa gawing silangan.
Isaias 65:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, (A)sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.
9 At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking (B)pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod.
10 At ang Saron ay (C)magiging kulungan ng mga kawan, at (D)ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978