Add parallel Print Page Options

Ililigtas ng Diyos ang Jerusalem

52 Gumising(A) ka Jerusalem, magpanibagong-lakas ka!
    O banal na lunsod, muli mong isuot ang mamahalin mong kasuotan,
sapagkat mula ngayon ay hindi na makakapasok diyan ang mga hindi kumikilala sa Diyos.
Malaya ka na, Jerusalem!
    Tumindig ka mula sa kinauupuang alabok, at umupo sa iyong trono.
Kalagin mo ang taling nakagapos sa iyo!

Ito ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Ipinagbili kayo nang walang bayad, kaya tutubusin din kayo nang walang bayad.” Ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh: “Sa simula, ang mga hinirang ko'y nanirahan sa Egipto bilang mga dayuhan. Pagkatapos, inalipin kayo ng mga taga-Asiria na hindi man lamang binayaran. Ganyan(B) din ang nangyari sa inyo nang kayo'y bihagin sa Babilonia. Binihag kayo at hindi binayaran. Nagmamayabang ang mga bumihag sa inyo. Walang humpay ang kanilang paglait sa aking pangalan. Kaya darating ang araw, malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo.”

O(C) kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan,
    ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan,
    at nagdadala ng Magandang Balita.
Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin:
    “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”
Narito! Sisigaw ang nagbabantay,
    dahil sa galak, sama-sama silang aawit;
makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion.
Magsiawit kayo,
    mga guhong pader nitong Jerusalem;
sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan;
    iniligtas na niya itong Jerusalem.
10 Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang,
    ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan;
    at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag.
11 Lisanin(D) ninyo ang Babilonia,
    mga tagapagdala ng kasangkapan ng Templo.
Huwag kayong hihipo ng anumang bagay na ipinagbabawal.
    Manatili kayong malinis at kayo ay mag-alisan.
12 Ngayon ay lalakad kayong hindi na nagmamadali.
    Hindi na kayo magtatangkang tumakas.
Papatnubayan kayo ni Yahweh;
    at iingatan sa lahat ng saglit ng Diyos ng Israel.

Ang Nagdurusang Lingkod

13 Sinabi ni Yahweh,
“Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain;
    mababantog siya at dadakilain.
14 Marami ang nagulat nang siya'y makita,
    dahil sa pagkabugbog sa kanya,
    halos hindi makilala kung siya ay tao.
15 Ngayo'y(E) marami rin ang mga bansang magugulantang;
    pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan.
Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan,
    at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”

52 Awake, awake; put on thy strength, O Zion; put on thy beautiful garments, O Jerusalem, the holy city: for henceforth there shall no more come into thee the uncircumcised and the unclean.

Shake thyself from the dust; arise, and sit down, O Jerusalem: loose thyself from the bands of thy neck, O captive daughter of Zion.

For thus saith the Lord, Ye have sold yourselves for nought; and ye shall be redeemed without money.

For thus saith the Lord God, My people went down aforetime into Egypt to sojourn there; and the Assyrian oppressed them without cause.

Now therefore, what have I here, saith the Lord, that my people is taken away for nought? they that rule over them make them to howl, saith the Lord; and my name continually every day is blasphemed.

Therefore my people shall know my name: therefore they shall know in that day that I am he that doth speak: behold, it is I.

How beautiful upon the mountains are the feet of him that bringeth good tidings, that publisheth peace; that bringeth good tidings of good, that publisheth salvation; that saith unto Zion, Thy God reigneth!

Thy watchmen shall lift up the voice; with the voice together shall they sing: for they shall see eye to eye, when the Lord shall bring again Zion.

Break forth into joy, sing together, ye waste places of Jerusalem: for the Lord hath comforted his people, he hath redeemed Jerusalem.

10 The Lord hath made bare his holy arm in the eyes of all the nations; and all the ends of the earth shall see the salvation of our God.

11 Depart ye, depart ye, go ye out from thence, touch no unclean thing; go ye out of the midst of her; be ye clean, that bear the vessels of the Lord.

12 For ye shall not go out with haste, nor go by flight: for the Lord will go before you; and the God of Israel will be your reward.

13 Behold, my servant shall deal prudently, he shall be exalted and extolled, and be very high.

14 As many were astonied at thee; his visage was so marred more than any man, and his form more than the sons of men:

15 So shall he sprinkle many nations; the kings shall shut their mouths at him: for that which had not been told them shall they see; and that which they had not heard shall they consider.

'Isaias 52 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.