Print Page Options

Ang Pangako ng Diyos sa Israel

41 Sinabi ni Yahweh,
“Tumahimik kayo at makinig, kayo na nasa malalayong lupain!
Pag-ibayuhin ninyo ang inyong lakas,
    at dalhin sa hukuman ang inyong usapin.
Doon ang panig ninyo ay papakinggan upang malaman kung sino ang may katuwiran.

“Sino ang nagdala sa isang mananakop mula sa silangan,
    at nagbigay ng tagumpay sa lahat ng kanyang pakikipaglaban?
Ang mga hari't mga bansa ay parang alikabok na lumilipad
    sa bawat hataw ng kanyang tabak;
    at parang dayaming tinatangay dahil sa kanyang pana.
Buong bilis na tinutugis niya ang mga kaaway,
    ang kanyang mga paa'y hindi halos sumayad sa lupa.
Sinong nasa likod ng lahat ng ito?
    Sinong nagpapagalaw sa takbo ng kasaysayan mula sa pasimula?
Akong si Yahweh, na naroon na noon pa man,
    at mananatili hanggang sa katapusan.

“Ito'y nasaksihan ng mga tao sa malalayong lupain,
    at nanginginig sila sa takot;
    kaya silang lahat ay lumapit sa akin at sumamba.
Sila-sila ay nagtutulungan at nagpapayuhan, ‘Huwag kayong matakot.’
Sinabi ng mga karpintero sa mga panday-ginto, ‘Magandang trabaho!’
    Hinangaan ng mga gumagawa ng rebulto ang mga nagkabit-kabit nito,
at ang sabi, ‘Mahusay ang pagkahinang’;
    pagkatapos ay ipinako ang rebulto sa patungan nito.

“Ngunit(A) ikaw, Israel, na aking lingkod
    lahi ni Abraham na aking kaibigan.
    Ikaw ang bayang aking hinirang.
Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig;
    sa pinakamalalayong sulok nito,
    sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’
Pinili kita at hindi itinakwil.
10 Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot,
    ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba.
Palalakasin kita at tutulungan,
    iingatan at ililigtas.

11 “Lahat ng may galit sa iyo
    ay mapapahiya,
at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo.
12 Hahanapin ninyo sila ngunit hindi makikita,
    mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa.
13 Ako si Yahweh na inyong Diyos,
    ang magpapalakas sa inyo.
Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”

14 Sinabi pa ni Yahweh,
“Israel, mahina ka man at maliit,
    huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita.
Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel.
15 Gagawin kitang tulad ng panggiik,
    na may bago at matatalim na ngipin.
Iyong gigiikin ang mga bundok at burol,
    at dudurugin hanggang maging alabok.
16 Ihahagis mo sila at tatangayin ng hangin;
    pagdating ng bagyo ay pakakalatin.
Magdiriwang kayo sa pangalan ni Yahweh,
    at pararangalan ang Banal na Diyos ng Israel.

17 “Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan,
    na halos matuyo ang kanilang lalamunan,
akong si Yahweh ang gagawa ng paraan;
    akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya.
18 Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol,
    aagos ang masaganang tubig sa mga libis;
gagawin kong lawa ang disyerto,
    may mga batis na bubukal sa tuyong lupain.
19 Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar,
    kahoy na olibo at saka ng mirto;
    kahoy na sipres, alerses at pino.
20 At kung magkagayon,
    makikita nila at mauunawaan
na akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel,
    ang gumawa at lumikha nito.”

Walang Kabuluhang mga Diyus-diyosan

21 Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Hari ni Jacob:
    “Kayo ay lumapit, mga diyus-diyosan, ang panig ninyo ay ipaglaban.
22 Lumapit kayo at inyong hulaan
    ang mga mangyayari sa kinabukasan.
Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman,
    upang pagtuunan ng aming isipan,
    ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan.
23 Maniniwala kaming kayo nga ay diyos
    kapag ang hinaharap inyong mahulaan.
Kayo'y magpakita ng anumang gawang mabuti, o kahit masama,
    nang kami'y masindak o kaya'y manghina.
24 Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan;
    ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam.

25 “Mayroon akong isang taong pinili mula sa silangan,
    at aking pinasasalakay mula sa hilaga.
Parang lupang kanyang tatapakan ang mga hari,
    tulad ng pagmamasa sa putik na ginagawang palayok.
26 Mula sa simula sino sa inyo ang nakahula na ito'y mangyayari,
    para masabi naming siya ay tama?
Walang sinabing anuman tungkol dito ang isa man sa inyo.
27 Akong si Yahweh ang unang nagbalita nito sa Jerusalem,
    nang ipasabi ko sa aking sugo ang ganito:
    “Ang aking bayan ay uuwi na.”
28 Nang ako'y maghanap
    wala akong nasumpungang tagapayo,
    na handang sumagot sa sandaling magtanong ako.
29 Lahat ng diyus-diyosan ay walang kabuluhan.
    Wala silang magagawang anuman
    dahil sila'y mahihina at walang kapangyarihan.”

'Isaias 41 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

41 Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan.

Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.

Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa.

Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,

Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito.

Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang.

Sa gayo'y pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos.

Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;

Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;

10 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

11 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.

12 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.

13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.

14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.

16 Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.

17 Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.

18 Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan, at mga bukal sa gitna ng mga libis: aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig, at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig.

19 Aking itatanim sa ilang ang cedro, ang puno ng acacia, at ang arayan, at ang olivo; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto, at ang pino, at ang boj na magkakasama:

20 Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel.

21 Iharap ninyo ang inyong usap, sabi ng Panginoon; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid, sabi ng Hari ng Jacob.

22 Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating.

23 Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos, upang aming maalaman na kayo'y mga dios; oo, kayo'y magsigawa ng mabuti, o magsigawa ng kasamaan, upang kami ay mangawalan ng loob, at mamasdan naming magkakasama.

24 Narito, kayo'y sa wala, at ang inyong gawa ay sa wala: kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo.

25 May ibinangon ako mula sa hilagaan, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan: at siya'y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento, at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit.

26 Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman? at nang una, upang aming masabi, Siya'y matuwid? oo, walang magpahayag, oo, walang magpakita, oo, walang duminig ng inyong mga salita.

27 Ako'y unang magsasabi sa Sion, Narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita.

28 At pagka ako'y tumitingin, walang tao; sa gitna nila ay walang tagapayo, na makasagot ng isang salita, pagka ako'y tumatanong sa kanila.

29 Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan.

Ang Pangako ng Diyos sa Israel

41 Tahimik kayong makinig sa akin, O mga lupain sa baybayin;
    hayaang magpanibagong lakas ang mga bayan;
hayaang lumapit sila, at hayaang magsalita sila;
    tayo'y sama-samang lumapit para sa kahatulan.

Sinong nagbangon ng matuwid sa silangan,
    na kaniyang tinawag sa kanyang paanan?
Siya'y nagbibigay ng mga bansa sa harap niya,
    pinasusuko niya ang mga hari;
kanyang ginagawa silang parang alabok sa kanyang tabak,
    na parang pinaspas na dayami ng kanyang busog.
Kanyang hinahabol sila at lumalampas na payapa
    sa mga daang hindi dinaanan ng kanyang mga paa.
Sinong nagbalak at nagsagawa nito,
    na tumawag ng mga salinlahi mula nang pasimula?
Akong Panginoon, ang una,
    at kasama ng huli, Ako nga.
Nakita ng mga pulo, at natakot,
    ang mga dulo ng lupa ay nanginig;
    sila'y lumapit, at pumarito.
Bawat tao'y tumutulong sa kanyang kapwa,
    at sinasabi sa kanyang kapatid, “Ikaw ay magpakatapang!”
Pinasisigla ng karpintero ang platero,
    at pinasisigla ng gumagamit ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan,
na sinasabi tungkol sa paghinang, “Mabuti”;
    at kanyang inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos.

Ang Israel ay Tiniyak na Tutulungan ng Panginoon

Ngunit(A) ikaw, Israel, lingkod ko,
    Jacob, na siyang aking pinili,
    na binhi ni Abraham na aking kaibigan;
ikaw na aking kinuha mula sa mga dulo ng lupa,
    at tinawag kita mula sa mga pinakamalayong sulok niyon,
na sinasabi sa iyo, “Ikaw ay aking lingkod,
    aking pinili ka at hindi kita itinakuwil”;
10 huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo,
    huwag kang mabalisa, sapagkat ako'y Diyos mo;
aking palalakasin ka, oo, ikaw ay aking tutulungan;
    oo, ikaw ay aking aalalayan ng kanang kamay ng aking katuwiran.

11 Narito, silang lahat na nagagalit sa iyo
    ay mapapahiya at malilito:
silang nakikipaglaban sa iyo
    ay mawawalan ng kabuluhan at mapapahamak.
12 Iyong hahanapin sila na nakikipaglaban sa iyo,
    ngunit hindi mo sila matatagpuan;
silang nakikipagdigma laban sa iyo
    ay matutulad sa wala.
13 Sapagkat ako, ang Panginoon mong Diyos,
    ang humahawak ng iyong kanang kamay;
ako na nagsasabi sa iyo, “Huwag kang matakot,
    ikaw ay aking tutulungan.”

14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob,
    at kayong mga lalaki ng Israel!
aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon,
    ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.
15 Narito, ginawa kitang bagong matalas na kasangkapang panggiik,
    na may mga ngipin;
iyong gigiikin ang mga bundok, at dudurugin ang mga iyon,
    at iyong gagawing parang ipa ang mga burol.
16 Iyong tatahipan sila, at tatangayin ng hangin,
    at pangangalatin ng ipu-ipo.
At ikaw ay magagalak sa Panginoon,
    at iyong luluwalhatiin ang Banal ng Israel.

17 Kapag ang dukha at nangangailangan ay humahanap ng tubig,
    at wala,
    at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw,
akong Panginoon ay sasagot sa kanila,
    akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.
18 Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga lantad na kaitaasan,
    at ng mga bukal sa gitna ng mga libis;
aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig,
    at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig.
19 Aking itatanim sa ilang ang sedro,
    ang puno ng akasya, at ang arayan, at ang olibo;
aking ilalagay na magkakasama sa ilang ang sipres na puno,
    ang alerses at pino;
20 upang makita at malaman ng mga tao,
    isaalang-alang at sama-samang unawain,
na ginawa ito ng kamay ng Panginoon,
    at nilikha ito ng Banal ng Israel.

Ang Hamon ng Diyos sa mga Huwad na Diyos

21 Iharap ninyo ang inyong usapin, sabi ng Panginoon;
    dalhin ninyo ang inyong mga matibay na dahilan, sabi ng Hari ni Jacob.
22 Hayaang dalhin nila, at ipahayag sa amin
    kung anong mangyayari.
Sabihin sa amin ang mga dating bagay, kung ano ang mga iyon,
upang aming malaman ang kalalabasan nila;
    o ipahayag ninyo sa amin ang mga bagay na darating.
23 Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos,
    upang aming malaman na kayo'y mga diyos;
oo, kayo'y gumawa ng mabuti, o gumawa ng kasamaan,
    upang kami ay mawalan ng loob at mamasdan naming sama-sama.
24 Narito, kayo'y bale-wala,
    at walang kabuluhan ang inyong gawa;
    kasuklamsuklam siya na pumipili sa inyo.
25 May ibinangon ako mula sa hilaga, at siya'y dumating;
    mula sa sikatan ng araw ay tatawag siya sa aking pangalan;
siya'y paroroon sa mga pinuno na parang pambayo,
    gaya ng magpapalayok na tumatapak sa luwad.
26 Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming malaman?
    At nang una, upang aming masabi, “Siya'y matuwid”?
Oo, walang nagpahayag, oo, walang nagsalita,
    oo, walang nakinig ng inyong mga salita.
27 Ako'y unang magsasabi sa Zion,
    narito, narito sila;
    at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita.
28 Ngunit nang ako'y tumingin ay walang tao,
    sa gitna nila ay walang tagapayo
    na makapagbibigay ng sagot, kapag nagtatanong ako.
29 Narito, silang lahat ay masama;
    ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan,
    ang kanilang mga larawang inanyuan ay hangin at walang laman.

Israel Assured of God’s Help

41 Listen to me in silence, O coastlands;
    let the peoples renew their strength;
let them approach, then let them speak;
    let us together draw near for judgement.

Who has roused a victor from the east,
    summoned him to his service?
He delivers up nations to him,
    and tramples kings under foot;
he makes them like dust with his sword,
    like driven stubble with his bow.
He pursues them and passes on safely,
    scarcely touching the path with his feet.
Who has performed and done this,
    calling the generations from the beginning?
I, the Lord, am first,
    and will be with the last.
The coastlands have seen and are afraid,
    the ends of the earth tremble;
    they have drawn near and come.
Each one helps the other,
    saying to one another, ‘Take courage!’
The artisan encourages the goldsmith,
    and the one who smooths with the hammer encourages the one who strikes the anvil,
saying of the soldering, ‘It is good’;
    and they fasten it with nails so that it cannot be moved.
But you, Israel, my servant,
    Jacob, whom I have chosen,
    the offspring of Abraham, my friend;
you whom I took from the ends of the earth,
    and called from its farthest corners,
saying to you, ‘You are my servant,
    I have chosen you and not cast you off’;
10 do not fear, for I am with you,
    do not be afraid, for I am your God;
I will strengthen you, I will help you,
    I will uphold you with my victorious right hand.

11 Yes, all who are incensed against you
    shall be ashamed and disgraced;
those who strive against you
    shall be as nothing and shall perish.
12 You shall seek those who contend with you,
    but you shall not find them;
those who war against you
    shall be as nothing at all.
13 For I, the Lord your God,
    hold your right hand;
it is I who say to you, ‘Do not fear,
    I will help you.’

14 Do not fear, you worm Jacob,
    you insect[a] Israel!
I will help you, says the Lord;
    your Redeemer is the Holy One of Israel.
15 Now, I will make of you a threshing-sledge,
    sharp, new, and having teeth;
you shall thresh the mountains and crush them,
    and you shall make the hills like chaff.
16 You shall winnow them and the wind shall carry them away,
    and the tempest shall scatter them.
Then you shall rejoice in the Lord;
    in the Holy One of Israel you shall glory.

17 When the poor and needy seek water,
    and there is none,
    and their tongue is parched with thirst,
I the Lord will answer them,
    I the God of Israel will not forsake them.
18 I will open rivers on the bare heights,[b]
    and fountains in the midst of the valleys;
I will make the wilderness a pool of water,
    and the dry land springs of water.
19 I will put in the wilderness the cedar,
    the acacia, the myrtle, and the olive;
I will set in the desert the cypress,
    the plane and the pine together,
20 so that all may see and know,
    all may consider and understand,
that the hand of the Lord has done this,
    the Holy One of Israel has created it.

The Futility of Idols

21 Set forth your case, says the Lord;
    bring your proofs, says the King of Jacob.
22 Let them bring them, and tell us
    what is to happen.
Tell us the former things, what they are,
    so that we may consider them,
and that we may know their outcome;
    or declare to us the things to come.
23 Tell us what is to come hereafter,
    that we may know that you are gods;
do good, or do harm,
    that we may be afraid and terrified.
24 You, indeed, are nothing
    and your work is nothing at all;
    whoever chooses you is an abomination.

25 I stirred up one from the north, and he has come,
    from the rising of the sun he was summoned by name.[c]
He shall trample[d] on rulers as on mortar,
    as the potter treads clay.
26 Who declared it from the beginning, so that we might know,
    and beforehand, so that we might say, ‘He is right’?
There was no one who declared it, none who proclaimed,
    none who heard your words.
27 I first have declared it to Zion,[e]
    and I give to Jerusalem a herald of good tidings.
28 But when I look there is no one;
    among these there is no counsellor
    who, when I ask, gives an answer.
29 No, they are all a delusion;
    their works are nothing;
    their images are empty wind.

Footnotes

  1. Isaiah 41:14 Syr: Heb men of
  2. Isaiah 41:18 Or trails
  3. Isaiah 41:25 Cn Compare Q Ms Gk: MT and he shall call on my name
  4. Isaiah 41:25 Cn: Heb come
  5. Isaiah 41:27 Cn: Heb First to Zion—Behold, behold them