Isaias 4
Ang Dating Biblia (1905)
4 At pitong babae ay magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon, na mangagsasabi, Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay, at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan: tawagin lamang kami sa iyong pangalan; alisin mo ang aming kadustaan.
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:
4 Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.
5 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
6 At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.
Isaiah 4
Christian Standard Bible Anglicised
4 On that day seven women
will seize one man,(A) saying,
‘We will eat our own bread
and provide our own clothing.
Just let us bear your name.
Take away our disgrace.’(B)
Zion’s Future Glory
2 On that day the Branch[a] of the Lord will be beautiful and glorious,(C) and the fruit of the land(D) will be the pride and glory(E) of Israel’s survivors.(F) 3 Whoever remains in Zion and whoever is left in Jerusalem(G) will be called holy(H) – all in Jerusalem written in the book of life[b](I) – 4 when the Lord has washed away the filth(J) of the daughters of Zion and cleansed the bloodguilt(K) from the heart of Jerusalem by a spirit of judgement(L) and a spirit of burning.(M) 5 Then the Lord will create(N) a cloud of smoke by day(O) and a glowing flame of fire by night over the entire site of Mount Zion and over its assemblies. For there will be a canopy over all the glory,[c] 6 and there will be a shelter for shade from heat by day and a refuge and shelter from storm and rain.(P)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2024 by Holman Bible Publishers.
