Add parallel Print Page Options

Nagkasakit si Hezekias(A)

38 Nang panahong iyon, nagkasakit nang malubha si Hezekias at nasa bingit na ng kamatayan, kaya siya'y dinalaw ni Isaias na anak ni Amoz. Sinabi niya sa hari ang utos na ito ni Yahweh, “Ipatawag mo ang iyong sambahayan at gawin mo na ang iyong mga huling habilin, sapagkat hindi ka na gagaling; mamamatay ka na.” Pagkarinig nito, humarap siya sa dingding at nanalangin! “O Yahweh, alam mo kung paano ako namuhay sa iyong harapan. Naglingkod ako sa iyo nang tapat at ang ginawa ko'y pawang nakalulugod sa iyong paningin.” Pagkatapos, nanangis siya nang malakas.

Muling nagsalita si Yahweh kay Isaias. Ang sabi sa kanya, “Sabihin mo kay Hezekias ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng iyong ninunong si David: ‘Nakita ko ang iyong pagluha at narinig ko ang iyong dalangin; kaya dadagdagan ko pa ng labinlimang taon ang iyong buhay. Hindi lamang iyon, ikaw at ang lunsod na ito'y hindi mapapahamak, sapagkat ipagtatanggol ko kayo laban sa hari ng Asiria.’”

“Ito ang palatandaang ibibigay sa iyo ni Yahweh para patunayang tutuparin niya ang kanyang pangako. Ang anino sa orasan sa palasyo ni Haring Ahaz ay pababalikin niya ng sampung guhit.” At gayon nga ang nangyari.

Ito ang awit na isinulat ni Haring Hezekias ng Juda, matapos na siya'y gumaling:

10 “Minsa'y nasabi kong sa katanghalian ng buhay,
    ako ay papanaw!
Sa daigdig ng mga patay ako masasadlak,
    upang manatili doon sa buong panahon ng aking buhay.
11 At nasabi ko ring hindi ko na makikita si Yahweh
    at sinumang nabubuhay sa lupa.
12 Katulad ng toldang tirahan ng pastol,
    inalis na sa akin ang aking tahanan.
Ang abang buhay ko'y pinuputol mo
    tulad ng tela sa isang tahian;
ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
13 Ako'y lumuluha sa buong magdamag, hindi makatulog, parang nilalansag,
parang nilalamon ng leon ang aking buong katawan,
ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
14 Tumataghoy ako dahil sa hirap,
parang isang kalapating nakakaawa.
Ang mga mata ko ay pagod na rin dahil sa pagtitig doon sa itaas.
O Panginoon, sa kahirapang ito ako'y iyong iligtas.
15 Ano pa ang aking masasabi? Ang may gawa nito ay ikaw,
ngunit masakit ang aking kalooban, at hindi ako makatulog.

16 “O Panginoon, ang mga nilikha ay nabubuhay dahil sa iyo,
ako'y pagalingin at ang aking lakas sana'y ibalik mo.
17 Ang hirap na ito'y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang.
Iyong iniligtas[a] ang buhay na ito, hindi mo hinayaang mahulog sa hukay,
at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan.
18 Ang(B) patay ay hindi na makakapagpuri sa iyo,
o makakaasa sa iyong katapatan.
19 Mga buháy lamang ang makakapagpuri sa iyo,
tulad ng ginagawa ko ngayon,
at tulad din ng ama na itinuturo sa mga anak ang katapatan.
20 Si Yahweh ang magliligtas sa akin,
kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan.
Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay.”

21 Si Isaias ay nagpakuha ng pantapal na igos para sa bukol ni Hezekias, at gumaling naman ito. 22 At itinanong ni Hezekias, “Ano ang magiging palatandaan na ako'y maaari nang umakyat sa Templo ni Yahweh?”

Footnotes

  1. 17 iniligtas: Sa ibang manuskrito'y inibig .

38 Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong sangbahayan; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.

Nang magkagayo'y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig, at nanalangin sa Panginoon,

At nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo; Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa.

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias, na nagsasabi,

Ikaw ay yumaon, at sabihin mo kay Ezechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong magulang, Aking dininig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon.

At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria: at aking ipagsasanggalang ang bayang ito.

At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita,

Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo'y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.

Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda, nang siya'y magkasakit, at gumaling sa kaniyang sakit.

10 Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.

11 Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon sa lupain ng buhay: Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan.

12 Ang tirahan ko'y inaalis, at dinadala na gaya ng tolda ng pastor: Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

13 Ako'y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

14 Gaya ng langaylangayan o ng tagak, humihibik ako; Ako'y tumangis na parang kalapati: ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala; Oh Panginoon, ako'y napipighati, ikaw nawa'y maging tangulan sa akin.

15 Anong aking sasabihin? siya'y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa: Ako'y yayaong marahan lahat kong taon, dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.

16 Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao; At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa: Kaya't pagalingin mo ako, at ako'y iyong buhayin.

17 Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.

18 Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.

19 Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.

20 Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako: Kaya't aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad, Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.

21 Sinabi nga ni Isaias, Magsikuha sila ng isang binilong igos, at ilagay na pinakatapal sa bukol, at siya'y gagaling.

22 Sinabi rin ni Ezechias, Ano ang tanda na ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon?

38 In those days was Hezekiah sick unto death. And Isaiah the prophet the son of Amoz came unto him, and said unto him, Thus saith the Lord, Set thine house in order: for thou shalt die, and not live.

Then Hezekiah turned his face toward the wall, and prayed unto the Lord,

And said, Remember now, O Lord, I beseech thee, how I have walked before thee in truth and with a perfect heart, and have done that which is good in thy sight. And Hezekiah wept sore.

Then came the word of the Lord to Isaiah, saying,

Go, and say to Hezekiah, Thus saith the Lord, the God of David thy father, I have heard thy prayer, I have seen thy tears: behold, I will add unto thy days fifteen years.

And I will deliver thee and this city out of the hand of the king of Assyria: and I will defend this city.

And this shall be a sign unto thee from the Lord, that the Lord will do this thing that he hath spoken;

Behold, I will bring again the shadow of the degrees, which is gone down in the sun dial of Ahaz, ten degrees backward. So the sun returned ten degrees, by which degrees it was gone down.

The writing of Hezekiah king of Judah, when he had been sick, and was recovered of his sickness:

10 I said in the cutting off of my days, I shall go to the gates of the grave: I am deprived of the residue of my years.

11 I said, I shall not see the Lord, even the Lord, in the land of the living: I shall behold man no more with the inhabitants of the world.

12 Mine age is departed, and is removed from me as a shepherd's tent: I have cut off like a weaver my life: he will cut me off with pining sickness: from day even to night wilt thou make an end of me.

13 I reckoned till morning, that, as a lion, so will he break all my bones: from day even to night wilt thou make an end of me.

14 Like a crane or a swallow, so did I chatter: I did mourn as a dove: mine eyes fail with looking upward: O Lord, I am oppressed; undertake for me.

15 What shall I say? he hath both spoken unto me, and himself hath done it: I shall go softly all my years in the bitterness of my soul.

16 O Lord, by these things men live, and in all these things is the life of my spirit: so wilt thou recover me, and make me to live.

17 Behold, for peace I had great bitterness: but thou hast in love to my soul delivered it from the pit of corruption: for thou hast cast all my sins behind thy back.

18 For the grave cannot praise thee, death can not celebrate thee: they that go down into the pit cannot hope for thy truth.

19 The living, the living, he shall praise thee, as I do this day: the father to the children shall make known thy truth.

20 The Lord was ready to save me: therefore we will sing my songs to the stringed instruments all the days of our life in the house of the Lord.

21 For Isaiah had said, Let them take a lump of figs, and lay it for a plaister upon the boil, and he shall recover.

22 Hezekiah also had said, What is the sign that I shall go up to the house of the Lord?

Hezekiah’s Illness(A)

38 In those days Hezekiah became ill and was at the point of death. The prophet Isaiah son of Amoz(B) went to him and said, “This is what the Lord says: Put your house in order,(C) because you are going to die; you will not recover.”(D)

Hezekiah turned his face to the wall and prayed to the Lord, “Remember, Lord, how I have walked(E) before you faithfully and with wholehearted devotion(F) and have done what is good in your eyes.(G)” And Hezekiah wept(H) bitterly.

Then the word(I) of the Lord came to Isaiah: “Go and tell Hezekiah, ‘This is what the Lord, the God of your father David,(J) says: I have heard your prayer and seen your tears;(K) I will add fifteen years(L) to your life. And I will deliver you and this city from the hand of the king of Assyria. I will defend(M) this city.

“‘This is the Lord’s sign(N) to you that the Lord will do what he has promised: I will make the shadow cast by the sun go back the ten steps it has gone down on the stairway of Ahaz.’” So the sunlight went back the ten steps it had gone down.(O)

A writing of Hezekiah king of Judah after his illness and recovery:

10 I said, “In the prime of my life(P)
    must I go through the gates of death(Q)
    and be robbed of the rest of my years?(R)
11 I said, “I will not again see the Lord himself(S)
    in the land of the living;(T)
no longer will I look on my fellow man,
    or be with those who now dwell in this world.
12 Like a shepherd’s tent(U) my house
    has been pulled down(V) and taken from me.
Like a weaver I have rolled(W) up my life,
    and he has cut me off from the loom;(X)
    day and night(Y) you made an end of me.
13 I waited patiently(Z) till dawn,
    but like a lion he broke(AA) all my bones;(AB)
    day and night(AC) you made an end of me.
14 I cried like a swift or thrush,
    I moaned like a mourning dove.(AD)
My eyes grew weak(AE) as I looked to the heavens.
    I am being threatened; Lord, come to my aid!”(AF)

15 But what can I say?(AG)
    He has spoken to me, and he himself has done this.(AH)
I will walk humbly(AI) all my years
    because of this anguish of my soul.(AJ)
16 Lord, by such things people live;
    and my spirit finds life in them too.
You restored me to health
    and let me live.(AK)
17 Surely it was for my benefit(AL)
    that I suffered such anguish.(AM)
In your love you kept me
    from the pit(AN) of destruction;
you have put all my sins(AO)
    behind your back.(AP)
18 For the grave(AQ) cannot praise you,
    death cannot sing your praise;(AR)
those who go down to the pit(AS)
    cannot hope for your faithfulness.
19 The living, the living—they praise(AT) you,
    as I am doing today;
parents tell their children(AU)
    about your faithfulness.

20 The Lord will save me,
    and we will sing(AV) with stringed instruments(AW)
all the days of our lives(AX)
    in the temple(AY) of the Lord.

21 Isaiah had said, “Prepare a poultice of figs and apply it to the boil, and he will recover.”

22 Hezekiah had asked, “What will be the sign(AZ) that I will go up to the temple of the Lord?”