Add parallel Print Page Options

13 Tutubuan ng damo ang mga palasyo
    at ang mga napapaderang bayan,
ito ay titirhan ng mga asong-gubat
    at pamumugaran ng mga ostrits.
14 Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat,
    tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno;
doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga.
15 Ang mga kuwago, doon magpupugad,
    mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay.
Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre.

Read full chapter
'Isaias 34:13-15' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

13 At mga tinikan ay (A)tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, (B)looban ng mga avestruz.

14 At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan.

15 Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.

Read full chapter
'Izaija 34:13-15' not found for the version: Knijga O Kristu.