Isaias 25:8
Ang Biblia (1978)
8 Sinakmal niya ang kamatayan (A)magpakailan man; at (B)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.
Read full chapter
Isaias 65:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (B)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
Read full chapter
Apocalipsis 7:17
Ang Biblia (1978)
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (A)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (B)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
Read full chapter
Apocalipsis 21:4
Ang Biblia (1978)
4 At papahirin niya ang bawa't luha (A)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (B)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (C)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978