Font Size
                  
                
              
            
Isaias 25:1-3
Magandang Balita Biblia
Isaias 25:1-3
Magandang Balita Biblia
Awit ng Papuri kay Yahweh
25 O Yahweh, ikaw ang aking Diyos;
    pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan;
sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa;
    buong katapatan mong isinagawa
    ang iyong mga balak mula pa noong una.
2 Ang mga lunsod ay iyong iginuho,
    at winasak ang mga kuta;
ibinagsak ninyo ang mga palasyo ng mga dayuhan,
    at ang mga iyon ay hindi na muling maitatayo.
3 Kaya dadakilain ka ng taong malalakas,
    at matatakot sa iyo ang malulupit na lunsod.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 
    Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
