Isaias 10
Ang Biblia (1978)
Ang galit ng Panginoon ay ginanap ng Asiria, na sa huli ay parurusahan din.
10 Sa aba nila na (A)nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan:
2 Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng (B)dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila!
3 At ano ang inyong gagawin sa (C)araw ng pagdalaw, at sa kagibaan na manggagaling sa malayo? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo'y tulungan? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian?
4 Sila'y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo, at mangabubuwal sa bunton ng mga patay. Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi (D)napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
5 Hoy, taga Asiria, na (E)pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pagiinit.
6 Aking susuguin siya (F)laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, (G)upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7 Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, (H)o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti.
8 Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang (I)aking mga pangulo ay hari silang lahat?
9 Hindi baga ang (J)calno ay (K)gaya ng Carchemis? hindi ba ang (L)Hamath ay gaya ng (M)Arphad? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10 (N)Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan, na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria;
11 Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga (O)diosdiosan?
12 Kaya't mangyayari, na (P)pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, (Q)aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.
13 (R)Sapagka't kaniyang sinabi, Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan; sapagka't ako'y mabait: at aking binago ang mga hangganan ng mga tao, at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan:
14 At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao; at ako'y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan: at walang magkilos ng pakpak, o magbuka ng bibig o sumiyap.
15 Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon, o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy.
16 Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy.
17 At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy, at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab: at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag (S)sa isang araw.
18 At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat, at ng kaniyang pinakikinabangang bukid, ang kaluluwa at gayon din ang katawan: at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat.
19 At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti, na anopat mabibilang ng bata.
Ang mga nalabi ay babalik.
20 At mangyayari (T)sa araw na yaon, na ang nalabi sa Israel, at (U)ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob, (V)hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila; kundi titiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.
21 (W)Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios.
22 Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, (X)ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.
23 Sapagka't ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.
Sumama rin ang Asiria.
24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.
25 Sapagka't (Y)sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay.
26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa (Z)Madian sa bato ng Oreb: at ang (AA)kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari (AB)sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa (AC)pinahiran.
28 Siya'y dumating sa Ajad, siya'y nagdaan sa (AD)Migron; sa (AE)Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan:
29 Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na (AF)nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas.
30 Humiyaw kang malakas ng iyong tinig, Oh anak na babae (AG)ng Galim! duminig ka, Oh Lais! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth!
31 Madmena ay palaboy; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas.
32 Sa araw ding ito ay titigil siya sa (AH)Nob: kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion, na burol ng Jerusalem.
33 Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa.
34 (AI)At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal, at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan.
Isaias 10
Ang Biblia, 2001
10 Kahabag-habag sila na nag-uutos ng masasamang utos,
at ang mga manunulat na sumusulat ng mga pang-aapi.
2 Upang ilayo sa katarungan ang nangangailangan,
at upang alisin ang karapatan ng dukha ng aking bayan,
upang ang mga babaing balo ay maging kanilang samsam,
at upang kanilang gawing mga biktima ang mga ulila!
3 Ano ang inyong gagawin sa araw ng pagpaparusa,
sa bagyo na darating mula sa malayo?
Kanino kayo tatakas upang kayo'y tulungan,
at saan ninyo iiwan ang inyong kayamanan?
4 Walang nalabi kundi ang mamaluktot na kasama ng mga bilanggo,
o mabubuwal na kasama ng mga napatay.
Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi napawi,
kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.
5 Hoy,(A) taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit,
siyang tungkod ng aking poot!
6 Aking susuguin siya laban sa isang masamang bansa,
at laban sa bayan na aking kinapopootan ay inuutusan ko siya,
upang manamsam at manunggab,
at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7 Gayunma'y hindi niya inaakalang gayon,
at hindi gayon ang iniisip ng kanyang puso;
ngunit ang nasa kanyang puso ang mangwasak,
at lipulin ang mga bansa na hindi kakaunti.
8 Sapagkat kanyang sinasabi,
“Hindi ba ang aking mga punong-kawal ay haring lahat?
9 Hindi ba ang Calno ay gaya ng Carquemis?
Hindi ba ang Hamat ay gaya ng Arpad?
Hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10 Kung paanong nakaabot ang aking kamay hanggang sa mga kaharian ng mga diyus-diyosan,
na ang mga larawan nilang inanyuan ay mas marami kaysa Jerusalem at sa Samaria;
11 hindi ko ba gagawin sa Jerusalem at sa kanyang mga diyus-diyosan,
ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kanyang mga diyus-diyosan?”
12 Kaya't kapag naisagawa ng Panginoon ang lahat niyang gawain sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, kanyang parurusahan ang palalong paghahambog ng hari ng Asiria, at ang kanyang mga mapagmataas na kapalaluan.
13 Sapagkat kanyang sinabi:
“Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay
at sa aking karunungan, sapagkat ako'y may pang-unawa;
aking inalis ang mga hangganan ng mga tao,
at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan,
at parang matapang na toro na ibinaba ko ang mga nakaupo sa mga trono.
14 At natagpuan ng aking kamay na parang pugad
ang mga kayamanan ng mga tao;
kaya't aking pinulot ang buong lupa
na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan,
at walang nagkilos ng pakpak,
o nagbuka man ng bibig o sumiyap.”
15 Magmamapuri ba ang palakol laban sa gumagamit niyon?
O magmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyon?
Na parang dapat itaas ng pamalo ang nagtataas niyon,
o na parang dapat itaas ng tungkod siya na hindi kahoy.
16 Kaya't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo,
ay magpaparating ng nakapanghihinang karamdaman sa kanyang matatabang mandirigma
at sa ilalim ng kanyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas
na gaya ng ningas ng apoy.
17 At ang liwanag ng Israel ay magiging apoy,
at ang kanyang Banal ay pinakaliyab;
at susunugin at lalamunin nito
ang kanyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw.
18 At kanyang wawasakin ang kaluwalhatian ng kanyang gubat,
at ng kanyang mabungang lupain,
ang kaluluwa at gayundin ang katawan; at magiging gaya ng maysakit na nanghihina.
19 At ang nalabi sa mga punungkahoy ng kanyang gubat ay mangangaunti,
na ang mga iyon ay kayang bilangin ng bata.
20 At sa araw na iyon, ang nalabi sa Israel at ang nakatakas sa sambahayan ni Jacob, hindi na magtitiwala pa uli sa kanya na nanakit sa kanila; kundi magtitiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.
21 Ang isang nalabi ay babalik, ang nalabi ng Jacob, sa makapangyarihang Diyos.
22 Sapagkat(B) bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, tanging ang nalabi lamang sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naiutos na, na inaapawan ng katuwiran.
23 Sapagkat ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay gagawa ng lubos na kawakasan, gaya ng inuutos, sa gitna ng buong lupa.
Sumama rin ang Asiria
24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, “O bayan kong tumatahan sa Zion, huwag kayong matakot sa taga-Asiria kapag kayo ay sinaktan ng pamalo at itaas ang kanyang tungkod laban sa iyo, gaya ng ginawa ng mga Ehipcio.
25 Sapagkat kaunting panahon na lamang at ang aking pagkagalit ay matatapos na, at ang aking galit ay matutuon sa kanilang ikawawasak.
26 Ang Panginoon ng mga hukbo ay hahawak ng panghampas laban sa kanila, gaya nang kanyang paluin ang Midian sa bato ng Oreb. At ang kanyang panghampas ay aabot sa dagat, at kanyang itataas na gaya ng kanyang ginawa sa Ehipto.
27 At sa araw na iyon, ang pasan niya ay mawawala sa iyong balikat, at ang kanyang pamatok ay mawawasak mula sa iyong leeg.”
Siya ay umahon mula sa Rimon.
28 Siya'y dumating sa Ajad,
siya'y nagdaan sa Migron;
itinabi niya sa Micmash ang kanyang mga dala-dalahan.
29 Sila'y nakatawid sa landas;
sila'y nagpalipas ng gabi sa Geba.
Ang Rama ay nanginginig;
ang Gibea ni Saul ay tumakas.
30 Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Galim!
Makinig ka, O Lais!
Sagutin mo siya, O Anatot!
31 Ang Madmena ay nasa pagtakas,
ang mga nananahan sa Gebim ay nagsisitakas upang maligtas.
32 Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob;
kanyang kakalugin ang kanyang kamao
sa bundok ng anak na babae ng Zion,
na burol ng Jerusalem.
33 Tingnan mo, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo,
ang mga sanga sa pamamagitan ng kakilakilabot na kapangyarihan,
at ang napakataas ay ibubuwal
at ang matatayog ay ibababa.
34 Kanyang puputulin ang mga sukal ng gubat sa pamamagitan ng palakol,
at ang Lebanon at ang maharlika nitong mga puno ay babagsak.
Isaias 10
Ang Dating Biblia (1905)
10 Sa aba nila na nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan:
2 Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila!
3 At ano ang inyong gagawin sa araw ng pagdalaw, at sa kagibaan na manggagaling sa malayo? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo'y tulungan? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian?
4 Sila'y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo, at mangabubuwal sa bunton ng mga patay. Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
5 Hoy, taga Asiria, na pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit.
6 Aking susuguin siya laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7 Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti.
8 Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang aking mga pangulo ay hari silang lahat?
9 Hindi baga ang calno ay gaya ng Carchemis? hindi ba ang Hamath ay gaya ng Arphad? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10 Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan, na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria;
11 Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga diosdiosan?
12 Kaya't mangyayari, na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.
13 Sapagka't kaniyang sinabi, Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan; sapagka't ako'y mabait: at aking binago ang mga hangganan ng mga tao, at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan:
14 At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao; at ako'y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan: at walang magkilos ng pakpak, o magbuka ng bibig o sumiyap.
15 Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon, o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy.
16 Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy.
17 At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy, at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab: at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw.
18 At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat, at ng kaniyang pinakikinabangang bukid, ang kaluluwa at gayon din ang katawan: at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat.
19 At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti, na anopat mabibilang ng bata.
20 At mangyayari sa araw na yaon, na ang nalabi sa Israel, at ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob, hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila; kundi titiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.
21 Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios.
22 Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.
23 Sapagka't ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.
24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.
25 Sapagka't sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay.
26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb: at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran.
28 Siya'y dumating sa Ajad, siya'y nagdaan sa Migron; sa Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan:
29 Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas.
30 Humiyaw kang malakas ng iyong tinig, Oh anak na babae ng Galim! duminig ka, Oh Lais! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth!
31 Madmena ay palaboy; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas.
32 Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob: kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion, na burol ng Jerusalem.
33 Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa.
34 At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal, at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan.
以赛亚书 10
Revised Chinese Union Version (Simplified Script) Shen Edition
10 祸哉!那些设立不义之律例的,
和记录奸诈之判词的,
2 为要扭曲贫寒人的案件,
夺去我民中困苦人的理,
以寡妇当作掳物,
以孤儿当作掠物。
3 到降罚的日子,灾祸从远方临到,
那时,你们要怎么办呢?
你们要向谁逃奔求救呢?
你们的财宝要存放何处呢?
4 他们只得屈身在被掳的人之下,
仆倒在被杀的人中间[a]。
虽然如此,耶和华的怒气并未转消;
他的手依然伸出。
神用亚述王为工具
5 祸哉!亚述,我怒气的棍!
他们手中的杖是我的恼恨。
6 我要差遣他攻击亵渎的国,
吩咐他对付我所恼怒的民,
抢走掳物,夺取掠物,
将他们践踏,如同街上的泥土一般。
7 然而,这并非他的意念,
他的心不是这样打算;
他的心要摧毁,
要剪除不少的国家。
8 他说:“我的官长岂不都是君王吗?
9 迦勒挪岂不像迦基米施吗?
哈马岂不像亚珥拔吗?
撒玛利亚岂不像大马士革吗?
10 既然我的手已伸到了这些有偶像的国,
他们所雕刻的偶像
过于耶路撒冷和撒玛利亚的偶像,
11 我岂不照样待耶路撒冷和其中的偶像,
如同我待撒玛利亚和其中的偶像吗?”
12 主在锡安山和耶路撒冷成就他一切工作的时候,说:“我必惩罚亚述王自大的心和他高傲尊贵的眼目。” 13 因为他说:
“我所成就的事是靠我手的能力
和我的智慧,
因为我本有聪明。
我挪移列国的地界,
抢夺他们所积蓄的财宝,
并且像勇士,使坐宝座的降为卑。
14 我的手夺取列国的财宝,
好像人夺取鸟窝;
我得了全地,
好像人拾起被弃的鸟蛋;
没有振动翅膀的,
没有张嘴的,也没有鸣叫的。”
15 斧岂可向用斧砍伐的自夸呢?
锯岂可向拉锯的自大呢?
这好比棍挥动那举棍的,
好比杖举起那不是木头的人。
16 因此,主—万军之耶和华
必使亚述王的壮士变为瘦弱,
在他的荣华之下必有火点燃,
如同火在燃烧一般。
17 以色列的光必变成火,
它的圣者必成为火焰;
一日之间,将亚述王的荆棘和蒺藜焚烧净尽,
18 又毁灭树林和田园的荣华,
连魂带体,好像病重的人消逝[b]一样。
19 他林中只剩下稀少的树木,
连孩童也能写其数目。
残存之民归回
20 到那日,以色列所剩下的和雅各家所逃脱的,必不再倚靠那击打他们的,却要诚心仰赖耶和华—以色列的圣者。 21 所剩下的,就是雅各家的余民,必归回全能的 神。 22 以色列啊,你的百姓虽多如海沙,惟有剩下的归回。灭绝之事已成定局,公义必如水涨溢。 23 因为万军之主耶和华在全地必成就所定的灭绝之事。
耶和华要惩罚亚述
24 所以,万军之主耶和华如此说:“住锡安我的百姓啊,亚述王虽然用棍击打你,又如埃及举杖攻击你,你不要怕他。 25 因为还有一点点时候,我向你们发的愤怒就要结束,我的怒气要使他们灭亡。 26 万军之耶和华要举起鞭子来攻击他,好像在俄立磐石那里击打米甸人一样。他的杖向海伸出,他必把杖举起,如在埃及一般。 27 到那日,亚述王的重担必离开你的肩头,他的轭必离开你的颈项;那轭必因肥壮而撑断[c]。”
侵略者进攻
28 亚述王来到亚叶,
经过米矶仑,
在密抹安放辎重。
29 他们过了隘口,
要在迦巴住宿。
拉玛战兢,
扫罗的基比亚逃命。
30 迦琳[d]哪,要高声呼喊!
注意听,莱煞啊!
困苦的亚拿突啊[e]!
31 玛得米那躲避,
基柄的居民逃遁。
32 当那日,亚述王要在挪伯停留,
挥手攻击锡安[f]的山,
就是耶路撒冷的山。
33 看哪,主—万军之耶和华
以猛撞削断树枝;
巨木必被砍下,
高大的树必降为低。
34 稠密的树林,他要用铁器砍下,
黎巴嫩必被大能者伐倒[g]。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
和合本修訂版經文 © 2006, 2010, 2017 香港聖經公會。蒙允許使用。 Scripture Text of Revised Chinese Union Version © 2006, 2010, 2017 Hong Kong Bible Society. www.hkbs.org.hk/en/ Used by permission.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
