Hebreo 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Salita ng Dios sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1 Noong una, nangusap ang Dios sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2 Ngunit nitong mga huling araw, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya, nilikha ng Dios ang sanlibutan, at siya rin ang pinili niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. 3 Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios, at kung ano ang Dios ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kanan ng Makapangyarihang Dios doon sa langit.
Mas Dakila ang Anak ng Dios Kaysa sa Mga Anghel
4 Kaya naging mas dakila ang Anak ng Dios kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila. 5 Sapagkat kailanman, wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Dios ng ganito:
“Ikaw ang Anak ko,
at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.”[a]
At wala ring sinabihan ang Dios nang ganito sa sinumang anghel:
“Akoʼy magiging Ama niya,
at siyaʼy magiging Anak ko.”[b]
6 At nang isusugo na ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa mundo, sinabi niya,
“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Dios.”[c]
7 Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:
“Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.
Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”[d]
8 Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:
“O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.
9 Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama.
Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”[e]
10 At sinabi pa niya sa kanyang Anak,
“Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan.
11 Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman.
Maluluma itong lahat tulad ng damit.
12 Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit.
Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”[f]
13 Kailanmaʼy hindi sinabi ng Dios sa sinumang anghel:
14 Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Dios, at sinusugo niya para tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.
Evrei 1
Nouă Traducere În Limba Română
Fiul, superior îngerilor
1 În trecut, Dumnezeu le-a vorbit strămoşilor noştri prin profeţi de multe ori şi în multe feluri, 2 însă în aceste zile de pe urmă El ne-a vorbit prin Fiul, pe Care L-a pus moştenitor al tuturor lucrurilor şi prin Care a făcut veacurile. 3 El, Care este oglindirea Slavei şi reprezentarea exactă a naturii Lui şi Care susţine toate lucrurile prin Cuvântul puterii Lui, a realizat curăţirea de păcate şi S-a aşezat la dreapta Măreţiei, în înălţimi, 4 devenind cu atât mai superior decât îngerii, cu cât Numele pe care l-a moştenit este mai minunat decât al lor.
5 Căci căruia dintre îngeri i-a zis vreodată:
„Tu eşti Fiul Meu!
Astăzi Te-am născut!“[a]?
Şi, din nou:
„Eu voi fi Tatăl Lui,
iar El va fi Fiul Meu.“[b]
6 Şi, din nou, când Îl aduce în lume pe întâiul născut[c], spune:
„Toţi îngerii lui Dumnezeu să I se închine!“[d]
7 Iar despre îngeri spune:
„Din vânturi El Îşi face îngeri
şi din flăcări de foc – slujitori.“[e]
8 Însă despre Fiul zice:
„Tronul Tău, Dumnezeule, este pentru veci de veci,
iar sceptrul Împărăţiei Tale este un sceptru al dreptăţii!
9 Tu ai iubit dreptatea şi ai urât răutatea;
de aceea, Dumnezeule, Dumnezeul Tău Te-a uns
cu untdelemn de bucurie, mai presus decât pe tovarăşii Tăi.“[f]
10 Şi:
„Tu, Doamne, ai întemeiat la început pământul,
iar cerurile sunt lucrarea mâinilor Tale.
11 Ele vor pieri, dar Tu rămâi.
Toate se vor învechi ca o haină.
12 Le vei înfăşura ca pe un veşmânt
şi vor fi schimbate ca pe o haină.
Tu însă rămâi Acelaşi
şi anii Tăi nu se vor sfârşi.“[g]
13 Dar căruia dintre îngeri i-a zis vreodată:
„Şezi la dreapta Mea
până voi face din duşmanii Tăi
aşternut al picioarelor Tale!“[h]?
14 Nu sunt ei toţi duhuri slujitoare, trimise să-i slujească pe cei ce urmează să moştenească mântuirea?
Footnotes
- Evrei 1:5 Vezi Ps. 2:7
- Evrei 1:5 Vezi 2 Sa 7:14; 1 Cron. 17:13
- Evrei 1:6 Gr.: prototokos. Termenul înseamnă fie întâiul în ordine cronologică, putând fi tradus întâiul născut, fie întâiul în rang, acelaşi termen grecesc fiind folosit în LXX, Ps. 88:28 (89:27 în versiunea aceasta, precum şi în altele) cu acest sens: Îl voi face întâiul Meu născut, cel mai mare dintre regii pământului. Modul în care este folosit termenul în acest psalm mesianic indică mai degrabă prioritatea în rang, nu doar prioritatea în timp. Aşadar, în unele contexte sensul primar al termenului tokos (a da naştere la) s-a pierdut. Aici accentul este pe prioritatea în rang pe care Isus o are peste întreaga creaţie
- Evrei 1:6 Vezi LXX, Deut. 32:43
- Evrei 1:7 Vezi Ps. 104:4
- Evrei 1:9 Vezi Ps. 45:6,7
- Evrei 1:12 Vezi Ps. 102:25-27
- Evrei 1:13 Vezi Ps. 110:1
Mga Hebreo 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1 Noong unang panahon, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan. 2 Ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak. Siya ang hinirang ng Diyos na maging tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya'y ginawa ng Diyos ang buong sanlibutan. 3 Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. 4 Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.
Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel
5 Sinabi (A) ba ito ng Diyos kailanman kahit kaninong anghel,
“Ikaw ang aking Anak,
naging Ama mo ako ngayon”?
o kaya nama'y,
“Ako'y magiging Ama niya,
at siya'y magiging Anak ko”?
6 At muli, (B) nang kanyang isinugo sa daigdig ang kanyang panganay na Anak ay sinabi niya,
“Sumamba kayo sa kanya, kayong mga anghel ng Diyos.”
7 Tungkol (C) naman sa mga anghel ay sinabi niya,
“Ang mga anghel ay ginagawa niyang hangin,
at ang kanyang mga lingkod ay ningas ng apoy.”
8 Ngunit, (D) tungkol naman sa Anak ay sinabi niya,
“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman;
at ang setro ng katarunga'y ang setro ng iyong kaharian.
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan;
kaya't ang Diyos, na iyong Diyos, ang humirang sa iyo na may langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan.”
10 Sinabi (E) rin niya,
“Ikaw, Panginoon, ang sa simula pa'y nagtatag ng sandigan ng sanlibutan,
at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
11 Ang mga ito'y mawawalang lahat, ngunit mananatili ka kailanman.
Maluluma silang lahat gaya ng kasuotan;
12 ibabalumbon mo silang parang balabal,
at papalitan silang tulad ng kasuotan.
Ngunit ikaw ay hindi nagbabago,
at hindi magwawakas ang mga taon mo.”
13 Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa kahit sinong anghel,
“Maupo ka sa aking kanan,
hanggang maipailalim ko sa iyong mga paa ang iyong mga kaaway.”
14 Hindi ba ang lahat ng anghel ay mga espiritung naglilingkod at sinugo upang tumulong sa mga magmamana ng kaligtasan?
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Nouă Traducere În Limba Română (Holy Bible, New Romanian Translation) Copyright © 2006 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
