Habacuc 3 - Zefanias 2
Ang Biblia (1978)
Ang pagliligtas ng Panginoon sa kaniyang bayan.
3 Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
2 Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot:
Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon;
Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid;
Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
3 Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema,
At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah)
Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit.
At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
4 At ang kaniyang ningning ay parang liwanag;
Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay;
At (A)doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
5 Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot,
At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
6 Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa;
Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa;
(B)At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
(C)Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod;
Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
7 Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati;
Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
8 Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog?
Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog,
O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat,
(D)Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo,
Sa iyong mga karo ng kaligasan?
9 Ang iyong busog ay nahubarang lubos;
Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah)
Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
10 Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at (E)nangatakot;
Ang unos ng tubig ay dumaan:
Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig,
At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
11 Ang araw at buwan ay (F)tumigil sa kanilang tahanan,
Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon,
Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit;
Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
13 Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan,
Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis;
(G)Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama,
(H)Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
14 Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma:
Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako;
Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo.
Sa bunton ng makapangyarihang tubig.
Ang propeta ay nagtitiwala sa Panginoon.
16 Aking narinig, at ang aking katawan ay (I)nanginginig,
Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig;
kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako;
Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan,
Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
17 Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak,
Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas;
Ang bunga ng olibo ay maglilikat.
At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain;
Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan,
At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
18 Gayon ma'y magagalak (J)ako sa Panginoon,
Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
19 Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas;
At ginagawa niya ang aking mga paa na (K)gaya ng sa mga usa.
At ako'y palalakarin niya (L)sa aking mga mataas na dako.
Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.
Ang araw ng kagalitan ng Panginoon ay darating sa Juda.
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.
2 Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
3 Aking lilipulin ang tao (M)at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at (N)ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
4 At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at (O)aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga (P)Chemarim sangpu ng mga saserdote;
5 At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na (Q)nanunumpa sa Panginoon at (R)nanunumpa sa pangalan ni Malcam;
6 At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya.
7 Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; (S)sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng (T)Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.
8 At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa.
9 At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat (U)na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya.
10 At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na (V)mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa (W)ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.
11 Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay.
12 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na (X)nagsisiupo sa kanilang mga latak, na (Y)nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.
13 At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't (Z)hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon (AA)ay malapit na, (AB)malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay (AC)sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan (AD)ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.
17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na (AE)parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at (AF)ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain (AG)ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't (AH)wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.
Ang bayan ay pinagsabihan na hanapin ang Panginoon.
2 Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh (AI)bansang walang kahihiyan;
2 (AJ)Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon.
3 Hanapin ninyo (AK)ang Panginoon, ninyong (AL)lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: (AM)kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon.
4 Sapagka't ang (AN)Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot.
5 Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng (AO)dagat, (AP)bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan.
6 At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan.
7 (AQ)At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't (AR)dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at (AS)ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag.
8 Aking narinig (AT)ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at (AU)nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan.
9 Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, (AV)pagaari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng (AW)nalabi sa aking bansa.
10 Ito ang kanilang mapapala dahil (AX)sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.
11 Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't (AY)kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; (AZ)at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa.
12 Kayong mga (BA)taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.
13 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at (BB)gigibain ang Asiria, at ang (BC)Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang.
14 At mga bakaha'y (BD)hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira (BE)ang mga yaring kahoy na cedro.
15 Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, (BF)Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! (BG)lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978