Genesis 42
Ang Biblia, 2001
Bumili ng Pagkain ang mga Kapatid ni Jose sa Ehipto
42 Nabalitaan ni Jacob na may trigo sa Ehipto, kaya't sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Bakit kayo nagtitinginan?”
2 Kanyang(A) sinabi, “Aking narinig na may trigo sa Ehipto. Bumaba kayo roon, at bumili kayo ng para sa atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay.”
3 Kaya't ang sampung kapatid ni Jose ay bumaba upang bumili ng trigo sa Ehipto.
4 Subalit si Benjamin na kapatid ni Jose ay hindi pinasama ni Jacob sa kanyang mga kapatid, sapagkat sabi niya, “Baka may mangyaring kapahamakan sa kanya.”
5 Kaya't ang mga anak ni Israel ay kasama ng iba pang nagsidating upang bumili ng trigo, sapagkat ang taggutom ay nakarating na sa lupain ng Canaan.
6 Si Jose noon ang tagapamahala sa lupain. Siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain. At dumating ang mga kapatid ni Jose at sila'y yumuko sa kanya na ang kanilang mga mukha ay nakasubsob sa lupa.
7 Nakita ni Jose ang kanyang mga kapatid at nakilala sila, subalit siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at nagsalita ng marahas na mga bagay sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Saan kayo nanggaling?” Sinabi nila, “Mula sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain.”
8 Nakilala ni Jose ang kanyang mga kapatid, subalit siya'y hindi nila nakilala.
9 Naalala(B) ni Jose ang kanyang napanaginip tungkol sa kanila; at sinabi sa kanila, “Kayo'y mga espiya, naparito kayo upang tingnan ang kahubaran[a] ng lupain.”
10 Kanilang sinabi sa kanya, “Hindi, panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain.
11 Kaming lahat ay mga anak ng isa lamang lalaki. Kami ay mga taong tapat; ang iyong mga lingkod ay hindi mga espiya.”
12 Kanyang sinabi sa kanila, “Hindi! Pumarito kayo upang tingnan ang kahubaran[b] ng lupain.”
13 Ngunit kanilang sinabi, “Kaming iyong mga lingkod ay labindalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang lalaki sa lupain ng Canaan. Ang bunso ay nasa aming ama ngayon, at ang isa ay wala na.”
14 Sinabi sa kanila ni Jose, “Iyan ang sinabi ko sa inyo, ‘Kayo'y mga espiya!’
15 Sa pamamagitan nito ay masusubok kayo: Kung paanong nabubuhay si Faraon, hindi kayo aalis dito malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso.
16 Suguin ninyo ang isa sa inyo at dalhin dito ang inyong kapatid, habang kayo ay nasa bilangguan upang masubok ang inyong mga salita, kung may katotohanan sa inyo; at kung wala, kung paanong nabubuhay ang Faraon, ay tunay na mga espiya nga kayo.”
17 Silang lahat ay kanyang inilagay na magkakasama sa bilangguan sa loob ng tatlong araw.
18 Nang ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Gawin ninyo ito at kayo'y mabubuhay; sapagkat may takot ako sa Diyos.
19 Kung kayo'y mga taong tapat, maiwan ang isa sa inyong magkakapatid kung saan kayo nakabilanggo; at ang iba ay humayo upang magdala ng trigo dahil sa taggutom sa inyong mga sambahayan.
20 Dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y mapapatotohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo mamamatay.” At kanilang ginawa ang gayon.
21 Sinabi nila sa isa't isa, “Talagang tayo ay nagkasala dahil sa ating kapatid, sapagkat nakita natin ang kanyang pighati nang siya'y makiusap sa atin, ngunit hindi natin siya pinakinggan. Dahil dito'y dumating sa atin ang pighating ito.”
22 Si(C) Ruben ay sumagot sa kanila, “Hindi ba sinabi ko sa inyo, huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? Kaya ngayon ay dumating ang pagtutuos para sa kanyang dugo.”
23 Hindi nila nalalaman na naiintindihan sila ni Jose, yamang siya ay nakipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng isang tagapagsalin.
24 Kaya't siya'y lumayo sa kanila at umiyak; at siya'y bumalik at nakipag-usap sa kanila. Kinuha niya sa kanila si Simeon, at siya'y tinalian sa harapan ng kanilang mga paningin.
25 Ipinag-utos ni Jose na punuin ng trigo ang kanilang mga sisidlan at ibalik ang salapi ng bawat isa sa kanya-kanyang sako at sila'y bigyan ng mababaon sa daan. At ito ay ginawa para sa kanila.
26 Pagkatapos ay kanilang ipinapasan ang trigo sa kanilang mga asno at umalis mula roon.
27 Sa pagbubukas ng isa sa kanyang sako upang bigyan ng pagkain ang kanyang asno sa tuluyan, nakita niya ang kanyang salapi, at nakita niya na ito ay nasa ibabaw ng kanyang sako.
28 Sinabi niya sa kanyang mga kapatid, “Ang salapi ko ay isinauli at tingnan din ninyo ang aking sako.” Sila'y nanlupaypay at bawat isa ay takot na nagsasabi sa kanyang kapatid, “Ano itong ginawa ng Diyos sa atin?”
29 Nang sila'y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan, isinalaysay nila sa kanya ang lahat ng nangyari sa kanila, na sinasabi;
30 “Ang lalaking pinuno sa lupaing iyon ay marahas na kinausap kami at itinuring kaming mga espiya sa lupain.
31 Ngunit aming sinabi sa kanya, ‘Kami ay mga tapat, hindi kami mga espiya.
32 Kami ay labindalawang magkakapatid, mga anak ng aming ama; ang isa'y wala na, at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan.’
33 Sinabi sa amin ng lalaking iyon na pinuno ng lupain, ‘Sa pamamagitan nito ay makikilala ko kung kayo'y mga tapat. Iwan ninyo sa akin ang isa sa inyong mga kapatid; umalis kayo at magdala ng butil para sa taggutom sa inyong mga sambahayan.
34 Dalhin ninyo rito sa akin ang inyong bunsong kapatid upang aking malaman na kayo'y hindi mga espiya, kundi kayo'y mga tapat. Saka ko isasauli sa inyo ang inyong kapatid at kayo'y makakapangalakal sa lupain.’”
Nakita ang Salapi sa Kanilang Sisidlan
35 Nang inaalisan nila ng laman ang kanilang mga sako, sa sako ng bawat isa ay nakalagay ang kanya-kanyang bungkos ng salapi. Nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga bungkos ng salapi, sila ay natakot.
36 Sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, “Pinangulila ninyo ako; si Jose ay wala na, at si Simeon ay wala na, at kukunin pa ninyo si Benjamin. Lahat ng ito ay nangyari sa akin!”
37 Nagsalita si Ruben sa kanyang ama, “Maaari mong ipapatay ang aking dalawang anak kung hindi ko siya maibabalik sa iyo. Ibigay mo siya sa akin at siya'y ibabalik ko sa iyo.”
38 Sinabi niya, “Hindi aalis ang aking anak na kasama ninyo sapagkat ang kanyang kapatid ay patay na, at siya na lamang ang natitira. Kung mangyari sa kanya ang anumang kapahamakan sa paglalakbay na inyong gagawin, ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban na may kapanglawan sa Sheol.”
Footnotes
- Genesis 42:9 o kahinaan .
- Genesis 42:12 o kahinaan .
Genesis 42
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pumunta sa Egipto ang mga Kapatid ni Jose
42 Nang malaman ni Jacob na may ipinagbibiling pagkain sa Egipto, sinabi niya sa mga anak niyang lalaki, “Ano pa ang hinihintay ninyo? 2 Nabalitaan ko na may ipinagbibili raw na pagkain sa Egipto kaya pumunta kayo roon at bumili para hindi tayo mamatay sa gutom.”
3 Kaya lumakad ang sampung kapatid ni Jose sa Egipto para bumili ng pagkain. 4 Pero hindi ipinasama ni Jacob si Benjamin na nakababatang kapatid ni Jose dahil natatakot siya na baka may masamang mangyari sa kanya. 5 Kaya pumunta ang mga anak ni Jacob[a] sa Egipto kasama ng mga taga-ibang lugar para bumili ng pagkain, dahil laganap na ang taggutom sa buong Canaan.
6 Bilang gobernador ng Egipto, tungkulin ni Jose na pagbilhan ng pagkain ang lahat ng tao. Kaya pagdating ng mga kapatid niya, yumukod sila kay Jose bilang paggalang sa kanya. 7-9 Pagkakita ni Jose sa kanila, nakilala niya agad ang mga ito pero siyaʼy hindi nila nakilala. Hindi lang siya nagpahalata na siya si Jose. Nagtanong siya sa kanila kung taga-saan sila.
Sumagot sila, “Taga-Canaan po kami, at pumunta po kami rito para bumili ng pagkain.” Naalala agad ni Jose ang panaginip niya tungkol sa kanila na naging dahilan kung bakit sila nagalit sa kanya. Kaya nagsalita siya ng masasakit na salita sa kanila, “Mga espiya kayo! Pumunta kayo rito para tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.”
10 Sumagot sila, “Hindi po! Hindi po kami espiya. Pumunta po kami rito para bumili ng pagkain. 11 Magkakapatid po kaming lahat sa isang ama, at nagsasabi po kami ng totoo. Hindi po kami espiya.”
12 Pero sinabi ni Jose, “Hindi ako naniniwala! Pumunta kayo rito para tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.”
13 Sumagot sila, “12 po kaming magkakapatid, at isa lang po ang aming ama na naroon ngayon sa Canaan. Ang bunso po namin ay naiwan sa kanya. Ang isa po naming kapatid ay wala na.”
14 Sinabi ni Jose, “Kagaya ng sinabi ko, mga espiya talaga kayo! 15 Pero susubukan ko kayo kung totoo talaga ang mga sinasabi ninyo. Isinusumpa ko sa pangalan ng Faraon na hindi kayo makakaalis dito hanggaʼt hindi ninyo maisasama ang bunsong kapatid nʼyo rito. 16 Pauuwiin ang isa sa inyo para kunin ang kapatid ninyo. Ang maiiwan sa inyoʼy ikukulong hanggang sa mapatunayan ninyo ang sinasabi ninyo, dahil kung hindi, talagang mga espiya nga kayo!” 17 At ipinakulong niya ang mga ito sa loob ng tatlong araw.
18 Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Dios, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo. 19 Kung nagsasabi kayo ng totoo, magpaiwan dito ang isa sa inyo at makakauwi kayo, at makakapagdala kayo ng pagkain para sa nagugutom ninyong pamilya. 20 Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo para mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at para hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.
21 Habang hindi pa sila nakakaalis, sinabi nila sa isaʼt isa, “Mananagot tayo sa ginawa natin sa kapatid natin. Nakita natin ang paghihirap niya nang nagmamakaawa siya sa atin, pero hindi natin siya kinaawaan. Kaya ito ang dahilan kung bakit dumating ang mga paghihirap na ito sa atin.”
22 Sinabi ni Reuben, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyo noon na huwag ninyo siyang saktan? Pero hindi kayo nakinig sa akin! Kaya sinisingil na tayo ngayon sa kanyang pagkamatay.” 23 Hindi nila alam na nauunawaan ni Jose ang usapan nila dahil habang nakikipag-usap siya sa kanila ay may tagapagpaliwanag siya.
24 Lumayo muna si Jose sa kanila at umiyak. Pero hindi nagtagal, bumalik siya at nakipag-usap sa kanila. Hiniwalay niya si Simeon sa kanila at ipinagapos sa kanilang harapan.
Bumalik sa Canaan ang mga Kapatid ni Jose
25 Pagkatapos, iniutos ni Jose na punuin ng pagkain ang mga sako ng kanyang mga kapatid at ibalik sa mga sako nila ang kani-kanilang bayad, at pabaunan sila ng kanilang mga pangangailangan sa kanilang paglalakbay. Nasunod lahat ang iniutos ni Jose. 26 Isinakay agad ng mga kapatid ni Jose ang mga sako nila sa kanilang asno at umalis.
27 Nang nagpalipas sila ng gabi sa isang lugar, isa sa kanila ang nagbukas ng sako niya para pakainin ang kanyang asno. Pagbukas niya, nakita niya roon ang perang ibinayad niya. 28 Sumigaw siya sa kanyang mga kapatid, “Ibinalik ang ibinayad ko! Nandito sa sako ko.”
Nanlupaypay silang lahat at kinabahan.[b] Nagtanungan sila, “Ano kaya itong ginawa ng Dios sa atin?”
29 Pagdating nila sa Canaan, sinabi nila sa kanilang amang si Jacob ang lahat ng nangyari sa kanila. 30 Sinabi nila kay Jacob, “Pinagsalitaan po kami ng masasakit ng gobernador ng Egipto at pinagbintangan na mga espiya raw po kami. 31 Pero sinagot po namin siya na hindi kami espiya at nagsasabi kami ng totoo. 32 Sinabi rin po namin na 12 kaming magkakapatid at isa lang ang aming ama. Sinabi rin namin na ang isa naming kapatid ay patay na at ang aming bunsong kapatid ay kasama po ninyo rito sa Canaan.
33 “Pero ito po ang sinabi niya sa amin, ‘Susubukan ko kayo kung totoo ang sinasabi ninyo. Magpaiwan dito ang isa sa inyo at umuwi kayo na may dalang pagkain para sa mga pamilya ninyong nagugutom. 34 Pero dalhin ninyo rito ang bunsong kapatid ninyo para malaman ko na mga tapat kayong tao at hindi kayo espiya. Pagkatapos, ibabalik ko sa inyo ang kapatid ninyong si Simeon, at papayagan ko kayo na pumarooʼt parito sa Egipto.’ ”
35 Nang ibinuhos na nila ang laman ng kanilang mga sako, nakita nila roon sa mga sako nila ang perang ibinayad nila. Nang makita ito ng kanilang ama, kinabahan silang lahat.
36 Sinabi ni Jacob sa kanila, “Gusto ba ninyong mawalan ako ng mga anak? Wala na si Jose, wala na si Simeon at ngayon gusto naman ninyong kunin si Benjamin. Hirap na hirap na ako!”
37 Sinabi ni Reuben, “Ama, ako po ang bahala sa kanya. Patayin po ninyo ang dalawa kong anak na lalaki kung hindi ko po siya maibabalik sa inyo.”
38 Pero sumagot si Jacob, “Hindi ako papayag na isama ninyo ang anak ko. Namatay na ang kapatid niya at siya na lang ang naiwan. Baka may masama pang mangyari sa kanya sa daan. At sa katandaan kong ito, ikamamatay ko ang sobrang kalungkutan.”
创世记 42
Chinese New Version (Traditional)
雅各差遣眾子往埃及買糧
42 雅各見埃及有糧食,就對兒子們說:“你們為甚麼彼此對望呢?” 2 他又說:“我聽說埃及有糧食,你們下到那裡去,給我們買些糧食,使我們可以活下去,不至餓死。” 3 於是,約瑟的十個哥哥就下去了,要從埃及買五穀。 4 但雅各並沒有打發約瑟的弟弟便雅憫與哥哥們同去,因為雅各說:“恐怕他會遇到災害。” 5 以色列的眾子也在前來買糧的人群中,因為迦南地也有饑荒。 6 當時治理埃及地的官長是約瑟,賣糧給那地所有的人民的就是他。所以,約瑟的哥哥們來俯伏在地向他下拜。 7 約瑟看見他的哥哥們,就認得他們,可是他裝作陌生人,對他們說嚴厲的話,問他們:“你們是哪裡來的?”他們回答:“我們是迦南地來買糧食的。”
8 約瑟認得他的哥哥們,他們卻不認得他。 9 約瑟想起從前所作關於他們的兩個夢,就對他們說:“你們是間諜,是來偵察本地的虛實。” 10 他們對他說:“我主啊,不是這樣,僕人們實在是來買糧食的。 11 我們都是一個人的兒子,是誠實人;僕人們並不是間諜。” 12 約瑟對他們說:“不是的,你們實在是來偵察本地的虛實。” 13 他們說:“僕人們本是兄弟十二人,我們都是迦南地一個人的兒子。最小的現在與我們的父親在一起,還有一個不在了。” 14 約瑟對他們說:“我剛才對你們說:‘你們是間諜。’這話實在不錯。 15 我要這樣試試你們:我指著法老的性命起誓,如果你們最小的弟弟不到這裡來,你們就決不得離開這裡。 16 你們可以派你們中間一個人回去,把你們的弟弟帶來;其餘的人都要囚禁起來,好證明你們的話真實不真實。如果不真實,我指著法老的性命起誓,你們就是間諜。” 17 於是,約瑟把他們收在監房裡三天。
18 到了第三天,約瑟對他們說:“我是敬畏 神的,你們要這樣作,就可以活著; 19 如果你們是誠實人,就叫你們兄弟中一個人囚禁在監裡,你們其餘的人可以帶著糧食回去,解救你們家人的饑荒。 20 然後把你們最小的弟弟帶到我這裡來,這樣,就可以證明你們的話是真實的,你們就不必死了。”他們就照樣作了。 21 他們彼此說:“我們在對待弟弟的事上實在有罪。他向我們求情的時候,我們看見他心裡的痛苦,卻不肯聽他,所以這次苦難臨到我們身上了。” 22 流本回答他們,說:“我不是對你們說過:‘不要傷害那孩子’嗎?可是你們不肯聽,現在流他血的罪要向我們追討。” 23 他們不知道約瑟聽得明白,因為他們中間有人當傳譯。 24 約瑟轉身離開他們,哭了一陣,又回到他們那裡,與他們說話。然後從他們中間拉出西緬來,在他們眼前把他捆綁起來。
雅各的眾子返回迦南
25 約瑟吩咐人把五穀裝滿他們的袋,把他們的銀子放回各人的布袋裡;又給他們路上用的食物。一切就照樣辦了。 26 他們把糧食馱在他們的驢上,離開那裡去了。 27 到了住宿的地方,他們其中的一個人打開了布袋,要拿飼料餵驢的時候,才發現自己的銀子還在袋口那裡。 28 於是對兄弟們說:“我的銀子都歸還了。你們看,就在我的布袋裡。”他們就心裡驚慌,彼此戰戰兢兢地說:“ 神向我們作的是甚麼呢?”
29 他們回到迦南地他們的父親雅各那裡,把他們遭遇的一切事都告訴了他,說: 30 “那地的主人對我們說了一些嚴厲的話,把我們當作偵察那地的間諜。 31 我們對他說:‘我們是誠實人,並不是間諜。 32 我們本是兄弟十二人,都是一個父親的兒子;有一個不在了,最小的現在與我們的父親一起在迦南地。’ 33 那地的主人對我們說:‘我用這個辦法就可以知道你們是不是誠實人:你們兄弟中要留下一人在我這裡,其餘的人可以帶著糧食回去,解救你們家人的饑荒。 34 然後把你們最小的弟弟帶到我這裡來,我就知道你們不是間諜,而是誠實人了。這樣,我就把你們的兄弟交還給你們,你們也可以在這地自由來往。’”
35 後來他們倒布袋的時候,不料各人的銀包仍然在各人的布袋裡。他們和他們的父親看見了銀包,就都懼怕起來。 36 他們的父親雅各對他們說:“你們總是使我喪失兒子:約瑟沒有了,西緬也沒有了,你們還要把便雅憫帶走;每一件事都是針對我。” 37 流本對他父親說:“如果我不把他帶回來給你,你可以殺死我的兩個兒子;只管把他交給我吧,我必把他帶回來給你。” 38 雅各說:“我的兒子不可與你們一同下去,因為他的哥哥死了,只剩下他一個;如果他在你們所走的路上遇到不幸,你們就使我這白髮老人愁愁苦苦地下陰間去了。”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

