Add parallel Print Page Options

Si Jose at ang Asawa ni Potifar

39 Noon ay dinala si Jose sa Ehipto, at binili siya ni Potifar sa mga Ismaelita na nagdala sa kanya roon. Si Potifar ay pinuno ni Faraon, na kapitan ng bantay at isang taga-Ehipto.

Ang(A) Panginoon ay naging kasama ni Jose, at siya'y naging lalaking maunlad. Siya'y nasa bahay ng kanyang among taga-Ehipto.

Nakita ng kanyang amo na ang Panginoon ay kasama niya, at ang lahat ng ginagawa ni Jose ay umuunlad sa kanyang kamay.

Kaya't nakatagpo si Jose ng biyaya sa paningin niya at ginawa niyang kanyang katulong.[a] Ipinamahala niya kay Jose ang bahay niya at ang lahat niyang pag-aari ay inilagay sa kanyang pangangasiwa.

Mula nang panahon na si Jose ay pamahalain sa kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pag-aari, pinagpala ng Panginoon ang bahay ng taga-Ehipto. Ang pagpapala ng Panginoon ay dumating sa lahat ng kanyang pag-aari, sa bahay at sa parang.

Kaya't ipinamahala niya ang lahat niyang pag-aari sa kamay ni Jose, at hindi siya nakikialam sa anumang bagay maliban sa tinapay na kanyang kinakain. Si Jose ay matipuno at makisig na lalaki.

Pagkatapos ng mga bagay na ito, tinitigan si Jose ng asawa ng kanyang panginoon at sinabi, “Sipingan mo ako.”

Subalit siya'y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kanyang panginoon, “Tingnan mo, ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa anumang bagay na nasa bahay, at lahat ng kanyang pag-aari ay ipinamahala sa aking kamay.

Walang sinumang dakila kaysa akin sa bahay na ito; walang anumang bagay ang ipinagkait sa akin, maliban sa iyo, sapagkat ikaw ay kanyang asawa. Paano ngang magagawa ko itong malaking kasamaan at kasalanan laban sa Diyos?”

10 Kahit nakikiusap siya kay Jose araw-araw, ay hindi siya pumayag na siya'y sumiping o makisama sa kanya.

11 Subalit isang araw, nang siya'y pumasok sa bahay upang gawin ang kanyang gawain at walang sinumang tao sa bahay,

12 siya'y pinigilan niya sa pamamagitan ng kanyang suot, na sinasabi, “Sipingan mo ako!” Subalit naiwan ni Jose[b] ang kanyang suot sa kamay niya, at siya'y tumakas papalabas ng bahay.

13 Nang makita niyang naiwan ang kanyang suot sa kamay niya at tumakas sa labas ng bahay,

14 siya'y tumawag ng mga tao sa kanyang bahay, at sinabi sa kanila, “Tingnan ninyo, ang aking asawa[c] ay nagdala sa atin ng isang Hebreo upang tayo'y tuyain. Pinasok niya ako upang ako'y sipingan, at ako'y nagsisigaw nang malakas.

15 Nang marinig niyang ako'y nagtaas ng tinig at nagsisigaw, naiwan niya ang kanyang suot sa aking tabi at tumakas, at lumabas ng bahay.”

16 Pagkatapos ay iningatan niya ang kasuotan ni Jose[d] hanggang sa pagdating ng kanyang amo sa kanyang bahay.

17 Sinabi niya sa kanya ang mga salita ring ito, na sinasabi, “Pinasok ako ng aliping Hebreo na iyong dinala sa atin, upang tuyain ako.

18 Nang nagtaas ako ng aking tinig at ako'y nagsisigaw, kanyang naiwan ang suot niya sa aking tabi at tumakas na papalabas.”

19 Nang marinig ng kanyang amo ang mga sinabi ng kanyang asawa, na sinasabi, “Ganito ang ginawa sa akin ng iyong alipin;” ay nag-alab ang kanyang galit.

Si Jose ay Ibinilanggo

20 Kinuha si Jose ng kanyang panginoon at inilagay sa bilangguan, sa lugar na pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari.

21 Subalit(B) kasama ni Jose ang Panginoon at nagpakita sa kanya ng tapat na pag-ibig, at pinagkalooban siya ng biyaya sa paningin ng bantay sa bilangguan.

22 Ipinamahala ng bantay sa bilangguan sa pangangalaga ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan; at anumang ginagawa nila roon ay siya ang gumagawa.

23 Hindi pinakialaman ng bantay sa bilangguan ang anumang bagay na nasa pamamahala ni Jose sapagkat ang Panginoon ay kasama niya. Anumang kanyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon.

Footnotes

  1. Genesis 39:4 Sa Hebreo ay pinaglingkuran siya .
  2. Genesis 39:12 Sa Hebreo ay niya .
  3. Genesis 39:14 Sa Hebreo ay siya .
  4. Genesis 39:16 Sa Hebreo ay niya .

Si Jose at ang Asawa ni Potifar

39 Nang dinala na si Jose ng mga Ishmaelita sa Egipto, binili siya ni Potifar na isa sa mga opisyal ng Faraon.[a] (Si Potifar ay kapitan ng mga guwardya sa palasyo.)

Ginagabayan ng Panginoon si Jose, kaya naging matagumpay siya. Doon siya nakatira sa bahay ng amo niyang Egipcio na si Potifar. Nakita ni Potifar na ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya, kayaʼt panatag ang kalooban niya kay Jose. Ginawa niya ito na sarili niyang alipin at tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian. Mula nang panahong si Jose ang namamahala, binasbasan ng Panginoon ang sambahayan ni Potifar na Egipcio at ang lahat ng ari-arian niya sa kanyang bahay at bukirin. Ginawa ito ng Panginoon dahil kay Jose. Ipinagkatiwala ni Potifar ang lahat kay Jose at wala na siyang ibang iniintindi maliban na lang sa pagpili ng kakainin niya.

Gwapo si Jose at matipuno ang katawan. Hindi nagtagal, nagkagusto sa kanya ang asawa ng kanyang amo. Inakit niya si Jose para sumiping sa kanya.

Pero tumanggi si Jose. Sinabi niya sa babae, “Pakinggan nʼyo po ako! Ipinagkatiwala po sa akin ng amo ko ang lahat ng kanyang ari-arian kaya hindi na po siya nag-aalaa sa mga gamit dito sa kanyang sambahayan. Wala na pong hihigit sa akin sa sambahayang ito. Ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat maliban lang sa inyo dahil asawa niya kayo. Kaya hindi ko po magagawang pagtaksilan ang amo ko at magkasala sa Dios.” 10 Kahit araw-araw ang pang-aakit ng babae kay Jose na sumiping sa kanya, hindi pa rin siya pumayag.

11 Isang araw, pumasok si Jose sa bahay para magtrabaho. Nagkataon na wala kahit isang alipin sa loob ng bahay. 12 Hinawakan siya sa damit ng asawa ng amo niya at sinabi, “Sipingan mo ako!” Pero tumakbong palabas ng bahay si Jose, at naiwan ang balabal niya na hawak ng babae.

13 Nang makita ng babae na nakalabas si Jose at hawak niya ang balabal nito, 14 tinawag niya ang kanyang mga alipin at sinabi, “Tingnan ninyo! Dinalhan tayo rito ng asawa ko ng isang Hebreo para hamakin tayo. Alam nʼyo ba na pumasok siya sa silid ko para pagsamantalahan ako, pero sumigaw ako. 15 Kaya tumakbo siya palabas, at naiwan niya ang kanyang balabal.”

16 Itinago ng babae ang balabal ni Jose hanggang sa dumating ang kanyang asawa. 17 Isinalaysay niya agad sa asawa niya ang nangyari. Sinabi niya, “Ang Hebreong alipin na dinala mo rito ay gusto akong hamakin dahil pumasok siya sa silid ko para pagsamantalahan ako. 18 Pero tumakbo siya palabas nang sumigaw ako, at naiwan pa nga ang kanyang balabal.”

19 Nang marinig ni Potifar ang salaysay ng kanyang asawa tungkol sa ginawa ni Jose, galit na galit siya. 20 Kaya ipinadakip niya si Jose at ipinasok sa bilangguan ng hari.

Pero kahit nasa bilangguan si Jose, 21 ginagabayan pa rin siya ng Panginoon. At dahil sa kabutihan ng Panginoon, panatag ang loob ng tagapamahala ng bilangguan kay Jose. 22 Kaya ipinagkatiwala niya kay Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo at ang lahat ng gawain sa bilangguan. 23 Hindi nag-aalala ang tagapamahala ng bilangguan sa mga bagay na ipinagkatiwala niya kay Jose, dahil ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya.

Footnotes

  1. 39:1 Faraon: o, hari ng Egipto.
'Genesis 39 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Joseph and Potiphar’s Wife

39 Now Joseph(A) had been taken down to Egypt. Potiphar, an Egyptian who was one of Pharaoh’s officials, the captain of the guard,(B) bought him from the Ishmaelites who had taken him there.(C)

The Lord was with Joseph(D) so that he prospered, and he lived in the house of his Egyptian master. When his master saw that the Lord was with him(E) and that the Lord gave him success in everything he did,(F) Joseph found favor in his eyes(G) and became his attendant. Potiphar put him in charge of his household,(H) and he entrusted to his care everything he owned.(I) From the time he put him in charge of his household and of all that he owned, the Lord blessed the household(J) of the Egyptian because of Joseph.(K) The blessing of the Lord was on everything Potiphar had, both in the house and in the field.(L) So Potiphar left everything he had in Joseph’s care;(M) with Joseph in charge, he did not concern himself with anything except the food he ate.

Now Joseph was well-built and handsome,(N) and after a while his master’s wife took notice of Joseph and said, “Come to bed with me!”(O)

But he refused.(P) “With me in charge,” he told her, “my master does not concern himself with anything in the house; everything he owns he has entrusted to my care.(Q) No one is greater in this house than I am.(R) My master has withheld nothing from me except you, because you are his wife. How then could I do such a wicked thing and sin against God?”(S) 10 And though she spoke to Joseph day after day, he refused(T) to go to bed with her or even be with her.

11 One day he went into the house to attend to his duties,(U) and none of the household servants(V) was inside. 12 She caught him by his cloak(W) and said, “Come to bed with me!”(X) But he left his cloak in her hand and ran out of the house.(Y)

13 When she saw that he had left his cloak in her hand and had run out of the house, 14 she called her household servants.(Z) “Look,” she said to them, “this Hebrew(AA) has been brought to us to make sport of us!(AB) He came in here to sleep with me, but I screamed.(AC) 15 When he heard me scream for help, he left his cloak beside me and ran out of the house.”(AD)

16 She kept his cloak beside her until his master came home. 17 Then she told him this story:(AE) “That Hebrew(AF) slave(AG) you brought us came to me to make sport of me. 18 But as soon as I screamed for help, he left his cloak beside me and ran out of the house.”

19 When his master heard the story his wife told him, saying, “This is how your slave treated me,” he burned with anger.(AH) 20 Joseph’s master took him and put him in prison,(AI) the place where the king’s prisoners were confined.

But while Joseph was there in the prison, 21 the Lord was with him;(AJ) he showed him kindness(AK) and granted him favor in the eyes of the prison warden.(AL) 22 So the warden put Joseph in charge of all those held in the prison, and he was made responsible for all that was done there.(AM) 23 The warden paid no attention to anything under Joseph’s(AN) care, because the Lord was with Joseph and gave him success in whatever he did.(AO)