Add parallel Print Page Options

Ang mga Nagmula sa Lahi ni Esau(A)

36 Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau na tinatawag ding Edom. Ang(B) napangasawa niya ay mga Cananea: si Ada, anak ni Elon na Heteo, si Aholibama, anak ni Ana at apo ni Zibeon na Hivita, at(C) si Basemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebayot. Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz; kay Basemat ay si Reuel; at kay Aholibama ay sina Jeus, Jalam at Korah. Silang lahat ay ipinanganak sa Canaan.

Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala. Iniwan niya si Jacob sa Canaan, sapagkat ang lupaing ito'y hindi na sapat sa kanilang mga kawan. Sa Seir nanirahan si Esau.

Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau, ang pinagmulan ng mga Edomita sa kaburulan ng Seir: 10 si Elifaz, anak kay Ada; at si Reuel, kay Basemat. 11 Ang mga anak naman ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz. 12 At si Amalek ang naging anak ni Elifaz kay Timna. Sila ang mga apo ni Esau kay Ada.

13 Ito naman ang mga apo ni Esau kay Reuel na anak ni Basemat: Nahat, Zera, Shammah at Miza.

14 Ang mga anak ni Esau kay Aholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon, ay sina Jeus, Jalam at Korah.

15-16 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau: Teman, Omar, Zefo at Kenaz, Korah, Gatam at Amalek, mga anak ni Elifaz na kanyang panganay at apo ni Ada. Sila'y naging pinuno sa lupain ng Edom.

17 Naging mga pinuno rin sa lupain ng Edom sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza na mga anak ni Reuel. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.

18 Sina Jeus, Jalam at Korah ang naging pinuno sa mga anak ni Esau kay Aholibama na anak ni Ana. 19 Ang lahat ng mga liping ito'y nagmula sa lahi ni Esau.

Ang Lahi ni Seir(D)

20 Ito ang mga anak ni Seir, ang Horeo: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 21 Dishon, Ezer at Disan. Sila ang mga pinuno ng mga Horeo na unang nanirahan sa lupain ng Edom.

22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.

23 Ito naman ang mga anak ni Sobal: Alvan, Manahat, Ebal, Zefo at Onam.

24 Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana. Si Ana ang siyang nakatuklas ng mainit na bukal sa ilang samantalang inaalagaan ang mga asno ng kanyang ama. 25 Ang mga anak ni Ana ay si Dishon at ang kapatid nitong babae na si Aholibama. 26 Ang mga anak naman ni Dishon ay sina Hemdan, Esban, Itran at Keran.

27 Sina Bilhan, Zaavan at Acan ang mga anak naman ni Ezer.

28 At ang kay Disan ay sina Hus at Aran.

29 Ito ang mga pinuno ng mga Horeo sa lupain ng Seir ayon sa kanilang angkan: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 30 Dishon, Ezer at Disan.

Ang mga Hari ng Edom(E)

31 Ito naman ang mga naging hari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng haring Israelita. 32 Si Bela, ang anak ni Beor, ay naghari sa Lunsod ng Dinaba. 33 Pagkamatay niya, pumalit si Jobab na anak ni Zerah, na taga-Bosra. 34 Nang mamatay naman si Jobab, pumalit si Husam na Temaneo. 35 Namatay si Husam, at humalili naman si Hadad, anak ni Bedad na tumalo sa mga Midianita sa lupain ng Moab. Avit ang tawag sa kanyang lunsod. 36 Pagkamatay ni Hadad, siya'y pinalitan ni Samla na taga-Masreca. 37 Si Saul namang taga-Rehobot sa Eufrates ang sumunod na namahala pagkamatay ni Samla. 38 Pagkamatay ni Saul, ang naghari ay si Baal-hanan na anak ni Acbor. 39 Pagkamatay ni Baal-hanan, pumalit si Hadar. Ang pangalan ng lunsod niya ay Pau. Si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab ang kanyang asawa.

40 Ito ang mga liping nagmula kay Esau ayon sa kanilang tirahan: Timna, Alva, Jetet, 41 Aholibama, Ela, Pinon, 42 Kenaz, Teman, Mibzar, 43 Magdiel at Iram. Ito ang mga bansa ng Edom ayon sa kani-kanilang tirahan. Si Esau ang ninuno ng mga Edomita.

'Genesis 36 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga Inanak ni Esau.

36 Ito nga ang mga lahi ni Esau ((A)na siyang Edom).

(B)Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, (C)at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.

(D)At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.

(E)At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;

At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.

At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.

(F)Sapagka't ang kanilang pagaari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama (G)at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.

(H)At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si (I)Esau ay siyang Edom.

At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:

10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

11 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.

12 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si (J)Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

13 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.

14 At ito ang mga anak ni (K)Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.

15 Ito ang mga (L)pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga (M)anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

16 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

17 At ito ang mga anak ni (N)Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

18 At ito ang mga anak ni (O)Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.

Mga anak ni Seir.

20 (P)Ito ang mga anak ni Seir na (Q)Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,

21 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

22 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.

24 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.

25 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.

26 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.

27 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.

28 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.

29 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong (R)Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,

30 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.

Mga Hari ng Edom.

31 (S)At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

32 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

33 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

34 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

35 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

36 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

37 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga (T)Rehoboth na tabi ng Ilog.

38 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

39 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, (U)at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

40 (V)At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;

41 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.

42 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.

43 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pagaari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.