Genesis 31:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
41 Iyan ang naranasan ko sa loob ng dalawampung taóng kasama ninyo. Labing-apat na taon akong naglingkod sa inyo dahil sa dalawa ninyong anak na babae, at anim na taon pa para sa inyong mga kawan. Sa kabila noon, sampung beses ninyong binago ang ating partihan. 42 Mabuti na lamang at kasama ko ang Diyos ng aking mga magulang, ang Diyos ni Abraham na sinamba ni Isaac. Kung hindi, marahil ay pinalayas ninyo ako nang walang kadala-dala. Alam ng Diyos ang aking hirap at pagod, kaya, kagabi'y pinagsabihan niya kayo.”
Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban
43 Sinabi ni Laban kay Jacob, “Ang lahat ng dala mo'y akin: aking mga anak, aking mga apo at aking mga kawan. Ngunit ano pa ang magagawa ko?
Read full chapter
Genesis 31:41-43
Ang Biblia (1978)
41 Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang (A)labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at (B)binago mo ang aking kaupahan na makasangpu.
42 (C)Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, (D)at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. (E)Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, (F)at sinaway ka niya kagabi.
Tipan sa Galaad.
43 At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila?
Read full chapter
Genesis 31:41-43
New International Version
41 It was like this for the twenty years(A) I was in your household. I worked for you fourteen years for your two daughters(B) and six years for your flocks,(C) and you changed my wages(D) ten times.(E) 42 If the God of my father,(F) the God of Abraham(G) and the Fear of Isaac,(H) had not been with me,(I) you would surely have sent me away empty-handed. But God has seen my hardship and the toil of my hands,(J) and last night he rebuked you.(K)”
43 Laban answered Jacob, “The women are my daughters, the children are my children, and the flocks are my flocks.(L) All you see is mine. Yet what can I do today about these daughters of mine, or about the children they have borne?
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

