Add parallel Print Page Options

41 Iyan ang naranasan ko sa loob ng dalawampung taóng kasama ninyo. Labing-apat na taon akong naglingkod sa inyo dahil sa dalawa ninyong anak na babae, at anim na taon pa para sa inyong mga kawan. Sa kabila noon, sampung beses ninyong binago ang ating partihan. 42 Mabuti na lamang at kasama ko ang Diyos ng aking mga magulang, ang Diyos ni Abraham na sinamba ni Isaac. Kung hindi, marahil ay pinalayas ninyo ako nang walang kadala-dala. Alam ng Diyos ang aking hirap at pagod, kaya, kagabi'y pinagsabihan niya kayo.”

Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban

43 Sinabi ni Laban kay Jacob, “Ang lahat ng dala mo'y akin: aking mga anak, aking mga apo at aking mga kawan. Ngunit ano pa ang magagawa ko?

Read full chapter
'Genesis 31:41-43' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

41 Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang (A)labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at (B)binago mo ang aking kaupahan na makasangpu.

42 (C)Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, (D)at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. (E)Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, (F)at sinaway ka niya kagabi.

Tipan sa Galaad.

43 At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila?

Read full chapter