Add parallel Print Page Options

Ang Labis na Kasamaan sa Sodoma

19 Nang gabing dumating sa Sodoma ang dalawang anghel, nakaupo si Lot sa may pintuan ng lunsod. Pagkakita sa kanila'y tumayo si Lot at sinalubong sila. Nagpatirapa siya sa harapan ng mga anghel. “Mga ginoo,” wika niya, “inaanyayahan ko po kayo sa amin. Doon na kayo maghugas ng paa at magpalipas ng gabi. Bukas na ng umaga kayo magpatuloy ng paglalakbay.”

Ngunit sumagot sila, “Huwag na, dito na lang kami sa lansangan magpapalipas ng gabi.”

Ngunit pinilit niya ang mga ito kaya sumama na rin sila sa kanya. Nagluto si Lot ng tinapay na walang pampaalsa, naghanda ng masarap na hapunan at kumain sila.

Nang matutulog na sila, pinaligiran ng mga lalaking taga-Sodoma ang kanyang bahay. Lahat ng kalalakihan sa lunsod, bata at matanda ay naroon. Pasigaw(A) nilang tinanong si Lot, “Nasaan ang mga panauhin mong lalaki? Ilabas mo't makikipagtalik kami sa kanila!”

Lumabas si Lot at isinara ang pinto. Sinabi niya sa mga tao, “Huwag, mga kaibigan, napakasama ng gagawin ninyong iyan. Ako'y may dalawang anak na dalaga, sila na lang ang ibibigay ko sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang gusto ninyo, huwag lamang ninyong galawin ang mga lalaking ito. Mga panauhin ko sila at dapat ko silang ingatan.”

Ngunit sumigaw sila, “Huwag kang makialam, dayuhan! Sino kang magtuturo sa amin ng aming gagawin? Tumabi ka kung ayaw mong masaktan nang higit kaysa kanila!” Itinulak nila si Lot at tinangkang wasakin ang pinto. 10 Ngunit hinaltak siya ng kanyang mga panauhin, at isinara ang pinto. 11 Pagkatapos,(B) binulag nila ang mga tao sa labas kaya't hindi makita ng mga ito ang pinto.

Iniwan ni Lot ang Sodoma

12 Sinabi ng dalawang panauhin kay Lot, “Magmadali ka! Isama mong lahat ang iyong mga anak at iba pang kamag-anak na nakatira sa lunsod na ito. Umalis na kayo rito, 13 sapagkat gugunawin na namin ang lunsod na ito! Pinakinggan ni Yahweh ang mabibigat na sumbong laban sa mga taga-Sodoma at pinapunta kami ni Yahweh upang wasakin ang lunsod na ito.”

14 Kaya't pinuntahan ni Lot ang mga mapapangasawa ng kanyang mga anak na babae at sinabi sa kanila, “Umalis na kayo agad sapagkat wawasakin ni Yahweh ang lunsod na ito.” Ngunit akala nila'y nagbibiro lamang si Lot.

15 Nang magbubukang-liwayway na, inapura ng mga anghel si Lot, “Magmadali ka! Umalis na kayo ng iyong asawa't mga anak nang hindi kayo madamay sa pagkawasak ng lunsod.” 16 Nag-aatubili(C) pa si Lot ngunit sa habag ni Yahweh, halos kaladkarin na sila ng mga lalaki palabas ng lunsod. 17 Pagkatapos, isa sa mga anghel ay nagsabi, “Iligtas ninyo ang inyong sarili! Huwag kayong lilingon o hihinto sa libis! Magtago kayo sa kaburulan para hindi kayo mamatay!”

18 Ngunit sumagot si Lot, “Huwag na po roon, Ginoo. 19 Napakalaki na ng utang na loob ko sa inyo; napakabuti ninyo at iniligtas ninyo ako. Ngunit napakalayo ng mga kaburulan. Baka hindi na ako makarating doon nang buháy. 20 Hindi ba maaaring doon na lamang sa maliit na bayang iyon?”

21 “Oo, sige, doon na kayo magpunta, at hindi ko wawasakin ang bayang iyon. 22 Ngunit magmadali kayo! Hindi ko maitutuloy ang gagawin ko hangga't wala kayo roon.”

Maliit ang bayang iyon kaya ito'y tinawag na Zoar.[a]

Ginunaw ang Sodoma at Gomorra

23 Mataas na ang araw nang makarating si Lot sa Zoar. 24 Saka(D) pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra. 25 Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. 26 Ngunit(E) lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.

27 Kinabukasan, maagang nagtungo si Abraham sa dakong pinagtagpuan nila ni Yahweh. 28 Mula roon, tinanaw niya ang Sodoma at Gomorra, at ang buong libis. Nakita niyang tumataas ang makapal na usok na parang nagmumula sa malaking hurno. 29 Nang gunawin ng Diyos ang mga lunsod na iyon, hindi nawaglit sa kanyang isipan si Abraham kaya iniligtas niya si Lot.

Ang Pinagmulan ng mga Moabita at Ammonita

30 Sa takot ni Lot na manatili sa Zoar, sila ng dalawa niyang anak na babae ay umakyat sa kaburulan at nanirahan sa isang yungib doon. 31 Minsan, nag-usap ang magkapatid. Sinabi ng nakatatanda, “Wala nang natitirang lalaki sa daigdig. Matanda na ang ating ama at maaaring hindi na tayo magkaanak. 32 Mabuti pa'y lasingin natin siya at ating sipingan para magkaanak tayo.” 33 Nilasing nga nila ang kanilang ama nang gabing iyon. Sa kalasingan ni Lot, hindi niya namalayang nakipagtalik siya sa anak niyang panganay.

34 Kinabukasa'y sinabi ng panganay sa bunso, “Kagabi'y sumiping ako sa ating ama; lasingin natin siya uli mamaya, at ikaw naman ang sumiping nang pareho tayong magkaanak.” 35 Nilasing nga nila uli si Lot nang gabing iyon, at ang bunso naman ang sumiping. Tulad ng dati, hindi namalayan ni Lot ang kanyang pakikipagtalik dahil sa kalasingan. 36 Bunga nito, kapwa nagdalang-tao ang magkapatid. 37 Nagkaanak ng lalaki ang panganay at tinawag niyang Moab.[b] Siya ang ninuno ng mga Moabita ngayon. 38 Lalaki rin ang naging anak ng bunso at tinawag naman niya itong Ben-ammi.[c] Siya naman ang ninuno ng mga Ammonita ngayon.

Footnotes

  1. Genesis 19:22 ZOAR: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Zoar” at “maliit” ay magkasintunog.
  2. Genesis 19:37 MOAB: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Moab” at “mula sa aking ama” ay magkasintunog.
  3. Genesis 19:38 BEN-AMMI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “Anak ng aking kamag-anak.”

Dinalaw ng Anghel ang Sodoma.

19 At nagsidating ang (A)dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y (B)nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa;

At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo (C)na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, (D)at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, (E)Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.

At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain.

Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;

(F)At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? (G)ilabas mo sila sa amin (H)upang kilalanin namin sila.

At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya.

At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan.

(I)Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; (J)yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.

At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y (K)naparito upang makipamayan, (L)at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.

10 Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan.

11 At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, (M)ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.

Iniligtas si Lot.

12 At sinabi ng mga lalake kay Lot, Mayroon ka pa ritong kamaganakan? Ang iyong mga manugang, at ang iyong mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan: ay (N)ipagaalis mo sa dakong ito:

13 Sapagka't aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang (O)sigaw sa harap ng Panginoon; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin.

14 At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, (P)Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.

15 At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot, na sinasabi, (Q)Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan.

16 Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; (R)sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan.

17 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang (S)lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay.

18 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko:

19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay.

20 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako.

21 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay (T)pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita.

22 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. (U)Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar.

Ang mga Ciudad sa kapatagan ay giniba.

23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.

24 (V)Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;

25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.

26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, (W)at naging haliging asin.

27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan (X)sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.

28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang (Y)usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.

29 At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na (Z)naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot.

Ipinanganak si Moab at Ben-ammi.

30 At sumampa si Lot mula sa Zoar (AA)at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae.

31 At sinabi ng panganay sa bunso: Ang ating ama ay matanda, at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin, ayon sa ugali ng sangkalupaan:

32 Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

33 At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama; at hindi naalaman, ng ama nang siya'y mahiga ni nang siya'y magbangon.

34 At nangyari nang kinabukasan, na sinabi ng panganay sa bunso. Narito, ako'y sumiping kagabi sa aking ama; painumin din natin ng alak sa gabing ito; at pumasok ka, at sumiping ka sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

35 At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at nagtindig ang bunso, at sumiping sa ama; at hindi naalaman ng ama nang siya'y mahiga, ni nang siya'y magbangon.

36 Sa ganito'y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.

37 At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: (AB)na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito.

38 At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalang Benammi: (AC)na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon, hanggang ngayon.

'Genesis 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Corrupción de Sodoma

19 Los dos ángeles llegaron a Sodoma(A) al caer la tarde, cuando Lot estaba sentado a la puerta de Sodoma. Al verlos, Lot se levantó para recibirlos y se postró rostro en tierra(B), y les dijo: «Señores míos, les ruego que entren en[a] la casa de su siervo y pasen en ella la noche y laven sus pies. Entonces se levantarán temprano y continuarán su camino». «No», dijeron ellos, «sino que pasaremos la noche en la plaza». Él, sin embargo, les rogó con insistencia, y ellos fueron con[b] él y entraron en su casa. Lot les preparó un banquete y coció pan sin levadura, y comieron(C).

Aún no se habían acostado, cuando los hombres de la ciudad, los hombres de Sodoma(D), rodearon la casa, tanto jóvenes como viejos, todo el pueblo sin excepción[c]. Y llamaron a Lot, y le dijeron: «¿Dónde están los hombres que vinieron a ti esta noche? Sácalos[d] para que los conozcamos[e](E)».

Entonces Lot salió a ellos a la entrada, y cerró la puerta tras sí, «Hermanos míos, les ruego que no obren perversamente», les dijo Lot. «Miren, tengo dos hijas que no han conocido varón. Permítanme sacarlas a ustedes y hagan con ellas como mejor les parezca[f]. Pero no hagan nada a estos hombres(F), pues se han amparado bajo[g] mi techo».

«¡Hazte a un lado!», dijeron ellos. Y dijeron además: «Este ha venido como extranjero[h], y ya está actuando como juez(G); ahora te trataremos a ti peor que a ellos». Se lanzaron contra Lot[i] y estaban a punto de romper la puerta, 10 pero los dos hombres[j](H) extendieron la mano y metieron a Lot en la casa con[k] ellos, y cerraron la puerta.

11 Y a los hombres que estaban a la entrada de la casa los hirieron con ceguera(I) desde el menor hasta el mayor, de manera que se cansaban tratando de hallar la entrada.

Lot huye de Sodoma

12 Entonces los dos hombres dijeron a Lot: «¿A quién más tienes aquí? A tus yernos, a tus hijos, a tus hijas y quienquiera que tengas en la ciudad, sácalos de este lugar. 13 Porque vamos a destruir este lugar, pues su clamor ha llegado a ser tan grande delante del Señor(J), que el Señor nos ha enviado a destruirlo(K)».

14 Lot salió y habló a sus yernos que iban a casarse con[l] sus hijas, y dijo: «Levántense, salgan de este lugar porque el Señor destruirá la ciudad(L)». Pero a sus yernos les pareció que[m] bromeaba(M).

15 Al amanecer, los ángeles apremiaban a Lot, diciendo: «Levántate, toma a tu mujer y a tus dos hijas que están aquí, para que no sean destruidos en el castigo[n] de la ciudad». 16 Pero él titubeaba. Entonces los dos hombres los tomaron de la mano(N), a él, y a su mujer y a sus dos hijas, porque[o] la compasión del Señor estaba sobre él(O). Los sacaron y los pusieron fuera de la ciudad.

17 Cuando los habían llevado fuera, uno le dijo: «Huye por tu vida(P). No mires detrás de ti(Q) y no te detengas en ninguna parte del valle[p](R). Escapa al monte(S), no sea que perezcas[q]». 18 «No, por favor, señores míos», les dijo Lot. 19 «Ahora tu siervo ha hallado gracia ante tus ojos, y has engrandecido tu misericordia la cual me has mostrado salvándome la vida. Pero no puedo escapar al monte, no sea que el desastre me alcance, y muera. 20 Mira, esta ciudad está bastante cerca para huir a ella, y es pequeña. Te ruego que me dejes huir allá (¿acaso no es pequeña?) para salvar mi vida[r]». 21 Y él le respondió: «Bien, te concedo también esta petición[s] de no destruir la ciudad de que has hablado. 22 Date prisa, escapa allá, porque nada puedo hacer hasta que llegues allí». Por eso el nombre que se le puso a la ciudad fue Zoar[t](T).

Destrucción de Sodoma y Gomorra

23 El sol había salido sobre la tierra cuando Lot llegó a Zoar. 24 Entonces el Señor hizo llover azufre y fuego sobre Sodoma y Gomorra, de parte del Señor desde los cielos(U). 25 Él destruyó aquellas ciudades(V) y todo el valle[u] y todos los habitantes de las ciudades y todo lo que crecía en la tierra. 26 Pero la mujer de Lot[v], que iba tras él, miró hacia atrás(W) y se convirtió en una columna de sal.

27 Abraham se levantó muy de mañana, y fue al sitio donde había estado delante del Señor(X). 28 Dirigió la vista hacia Sodoma y Gomorra y hacia toda la tierra del valle y miró; y el humo ascendía de la tierra como el humo de un horno(Y). 29 Pero cuando Dios destruyó las ciudades del valle, se acordó de Abraham(Z) e hizo salir[w] a Lot de en medio de la destrucción(AA), cuando destruyó las ciudades donde había habitado Lot.

Moab y Amón

30 Lot subió de Zoar y habitó en los montes[x](AB), y sus dos hijas con él, pues tenía miedo de quedarse[y] en Zoar. Y habitó en una cueva, él y sus dos hijas. 31 Entonces la mayor dijo a la menor: «Nuestro padre es viejo y no hay ningún hombre en el país que se llegue a nosotras(AC) según la costumbre de toda la tierra. 32 Ven, hagamos que beba vino nuestro padre(AD), y acostémonos con él para preservar nuestra familia por medio[z] de nuestro padre». 33 Aquella noche hicieron que su padre bebiera vino, y la mayor entró y se acostó con su padre, y él no supo cuando ella se acostó ni cuando se levantó.

34 Al día siguiente la mayor dijo a la menor: «Mira, anoche yo me acosté con mi padre. Hagamos que beba vino esta noche también, y entonces entra tú y acuéstate con él, para preservar nuestra familia por medio[aa] de nuestro padre». 35 De manera que también aquella noche hicieron que su padre bebiera vino, y la menor se levantó y se acostó con él, y él no supo cuando ella se acostó ni cuando se levantó. 36 Así las dos hijas de Lot concibieron de su padre.

37 Y la mayor dio a luz un hijo, y lo llamó Moab(AE). Él es el padre de los moabitas hasta hoy. 38 En cuanto a la menor, también ella dio a luz un hijo, y lo llamó Ben-Ammi. Él es el padre de los amonitas[ab](AF) hasta hoy.

Footnotes

  1. 19:2 Lit. se desvíen hacia.
  2. 19:3 Lit. se desviaron hacia.
  3. 19:4 Lit. desde los extremos.
  4. 19:5 Lit. Sácanoslos.
  5. 19:5 I.e. tengamos relaciones sexuales.
  6. 19:8 Lit. como sea bueno a sus ojos.
  7. 19:8 Lit. a la sombra de.
  8. 19:9 Lit. a peregrinar.
  9. 19:9 Lit. el hombre, contra Lot.
  10. 19:10 I.e. los ángeles.
  11. 19:10 Lit. hacia.
  12. 19:14 O se habían casado con; lit. estaban tomando.
  13. 19:14 Lit. como uno que.
  14. 19:15 O la iniquidad.
  15. 19:16 Lit. en.
  16. 19:17 Lit. en todo el círculo.
  17. 19:17 Lit. seas destruido.
  18. 19:20 Lit. y vivirá mi alma.
  19. 19:21 Lit. cosa.
  20. 19:22 I.e. Pequeña.
  21. 19:25 Lit. círculo, y así en los vers. 28 y 29.
  22. 19:26 Lit. su mujer.
  23. 19:29 Lit. y envió.
  24. 19:30 Lit. el monte.
  25. 19:30 Lit. habitar.
  26. 19:32 Lit. preservar simiente.
  27. 19:34 Lit. preservar simiente.
  28. 19:38 Lit. los hijos de Amón; heb. Bene-Ammon.