Add parallel Print Page Options

17 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.

At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.

At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,

Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.

At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.

At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila.

At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.

10 Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.

11 At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.

12 At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.

13 Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.

14 At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.

15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan.

16 At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.

17 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?

18 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!

19 At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

20 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa.

21 Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

22 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.

23 At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.

24 At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.

27 At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.

上帝再次與亞伯蘭立約

17 亞伯蘭九十九歲那年,耶和華向他顯現說:「我是全能的上帝。你要遵行我的旨意,做純全無過的人。 我要與你立約,我要使你子孫極其興旺。」 亞伯蘭就俯伏在地,上帝又對他說: 「我要與你立約,你必成為許多民族的始祖。 以後你的名字不再叫亞伯蘭,要改為亞伯拉罕[a],因為我要立你為萬族之父。 我要使你的子孫極其興旺,許多民族和君王必從你而出。 我要和你並你的子子孫孫立永恆的約,我要做你和你子孫的上帝。 我要把你現在寄居的整個迦南賜給你和你的後裔永遠作產業,我也必做他們的上帝。」

上帝又對亞伯拉罕說:「你和你的子孫世世代代都要遵守我的約。 10 你們所有的男子都要受割禮,這是我與你和你的子孫所立的約,你們要遵守。 11 你們都要割包皮,作為我與你們立約的記號。 12 你們世世代代的男子在出生後的第八日都要接受割禮。在你家裡出生的和用錢從外族人那裡買來的奴僕也要受割禮。 13 不論是在你家裡生的,還是你用錢買來的男子,都要接受割禮,這樣你們的肉體上就有我永恆之約的記號。 14 任何沒有接受割禮的男子,要將他從民中剷除,因為他違背了我的約。」

15 上帝對亞伯拉罕說:「你的妻子以後不要叫撒萊,她的名字要叫撒拉。 16 我必賜福給她,讓她為你生一個兒子。她必成為萬族的母親,萬民的君王必從她而出。」 17 亞伯拉罕就俯伏在地,笑了起來,心想:「我一百歲了,還能有孩子嗎?撒拉已經九十歲了,還能生養嗎?」 18 亞伯拉罕對上帝說:「願以實瑪利蒙你賜福。」 19 上帝說:「不,你妻子撒拉必為你生一個兒子,你要給他取名叫以撒,我必向他和他的後代堅守我的約,直到永遠。 20 至於以實瑪利,我已聽見你的祈求,我必賜福給他,使他的後代極其興旺昌盛。他必做十二個族長的父親,我必使他成為大國。 21 撒拉必在明年這時候給你生以撒,我必向他堅守我的約。」 22 上帝說完以後,便離開亞伯拉罕上升而去。

23 亞伯拉罕就在那天照著上帝的吩咐,為兒子以實瑪利和家中所有的男子,不論是在家中出生的,還是買回來的,都行了割禮。 24 亞伯拉罕接受割禮的時候九十九歲。 25 他的兒子以實瑪利接受割禮的時候十三歲。 26 他們父子二人就在那天接受了割禮。 27 亞伯拉罕家裡所有的男子,包括家中出生的和買回來的,都一起接受了割禮。

Footnotes

  1. 17·5 亞伯拉罕」意思是「萬族之父」。
'Genesis 17 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.