Print Page Options

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.

At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?

At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.

At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.

At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi.

At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.

At sinabi sa kaniya, Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.

At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?

At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.

10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.

11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.

12 At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.

13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.

14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari.

15 Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo.

17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,

20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,

21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.

Ang Tipan ng Diyos kay Abram

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito, dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila.”

Ngunit sinabi ni Abram, “O Panginoong Diyos, anong ibibigay mo sa akin, yamang ako'y patuloy na walang anak at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damasco?”

At sinabi ni Abram, “Hindi mo ako binigyan ng anak at isang alipin na ipinanganak sa aking bahay ang magiging tagapagmana ko.”

Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya, “Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; ang iyong sariling anak ang magiging tagapagmana mo.”

Siya'y(A) dinala niya sa labas at sinabi, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.” At sinabi sa kanya, “Magiging ganyan ang iyong binhi.”

Sumampalataya(B) siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kanya.

At sinabi niya sa kanya, “Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito para angkinin.”

Sinabi niya, “O Panginoong Diyos, paano ko malalaman na mamanahin ko iyon?”

At sinabi sa kanya, “Magdala ka rito ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, isang inakay na batu-bato, at isang inakay na kalapati.”

10 Dinala niya ang lahat ng ito sa kanya at hinati niya sa gitna, at kanyang inihanay na magkakatapat ang isa't isa subalit hindi niya hinati ang mga ibon.

11 Nang bumaba ang mga ibong mandaragit sa mga bangkay, ang mga iyon ay binugaw ni Abram.

12 Nang(C) lulubog na ang araw, nakatulog si Abram nang mahimbing; isang makapal at nakakatakot na kadiliman ang dumating sa kanya.

13 Sinabi(D) ng Panginoon kay Abram, “Tunay na dapat mong malaman na ang iyong binhi ay magiging taga-ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at sila'y magiging mga alipin doon, at sila'y pahihirapan sa loob ng apatnaraang taon;

14 ngunit(E) ang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan; at pagkatapos ay aalis sila na may malaking ari-arian.

15 Subalit ikaw ay payapang tutungo sa iyong mga ninuno, at ikaw ay malilibing sa panahong lubos na ang iyong katandaan.

16 Sa ikaapat na salin ng iyong binhi, muli silang babalik rito sapagkat hindi pa nalulubos ang kasamaan ng mga Amoreo.”

17 Nang lumubog na ang araw at madilim na, isang hurnong umuusok at ang isang tanglaw na nagniningas ang dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang(F) araw na iyon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na sinasabi, “Ibinigay ko ang lupaing ito sa iyong binhi, mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, ang Ilog Eufrates,

19 ang lupain ng mga Kineo, Kenizeo, at ng mga Cadmoneo,

20 ng mga Heteo, Perezeo, at Refaim,

21 at ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at ng mga Jebuseo.”

'Genesis 15 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Kasunduan ng Dios at ni Abram

15 Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangitain. Sinabi niya, “Abram, huwag kang matakot dahil ako ang magiging kalasag mo at gagantimpalaan kita.”

Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, ano po ang halaga ng gantimpala nʼyo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong anak. Ang magiging tagapagmana ko po ay si Eliezer na taga-Damascus. Dahil hindi nʼyo po ako binigyan ng anak, kaya isa sa mga alipin ng sambahayan ko ang magmamana ng mga ari-arian ko.”

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hindi siya ang magmamana ng mga ari-arian mo kundi ang sarili mong anak.” Pagkatapos, dinala siya ng Panginoon sa labas at sinabi, “Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang lahi mo.”

Nanalig si Abram sa Panginoon. At dahil dito, itinuring siyang matuwid.

Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang Panginoon na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo[a] para ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.”

Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, paano ko po malalaman na magiging akin ito?”

Sumagot ang Panginoon, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.”

10 Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa Panginoon. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kabiyak. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati. 11 Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, pero binubugaw ito ni Abram.

12 Nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram at matinding takot ang dumating sa kanya. 13 Pagkatapos, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Siguradong ang iyong mga lahi ay maninirahan sa ibang bansa, at gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon. 14 Ngunit parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, aalis sila sa bansang iyon na dala ang maraming kayamanan. 15 Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan. 16 Lilipas muna ang apat na henerasyon bago makabalik dito ang mga lahi mo, dahil hindi pa umaabot sa sukdulan ang pagkakasala ng mga Amoreo para parusahan sila at paalisin sa lupaing ito.”

17 Nang lumubog na ang araw at dumilim na, biglang may nakita si Abram na palayok na umuusok at nakasinding sulo, na dumaraan sa gitna ng mga hinating hayop. 18 Sa araw na iyon, gumawa ng kasunduan ang Panginoon kay Abram. Sinabi niya, “Ibibigay ko sa mga lahi mo ang lupaing ito mula sa dulo ng ilog na hangganan ng Egipto hanggang sa malaking ilog na Eufrates. 19 Ito ang lupain ng mga Keneo, Kenizeo, Kadmoneo, 20 Heteo, Perezeo, Refaimeo, 21 Amoreo, Cananeo, Gergaseo, at mga Jebuseo.”

Footnotes

  1. 15:7 Caldeo: Mga tao na nakatira noon sa timog ng Babilonia. Nang bandang huli, naging Caldeo ang tawag sa mga taga-Babilonia.

15 And so when these things were done, the word of the Lord was made to Abram by a vision, and said, Abram, do not thou dread, I am thy defender, and thy meed is full great (Abram, do not thou fear, for I am thy defender, and thy reward shall be very great).

And Abram said, Lord God, what shalt thou give to me? I shall go without free children, and this Damascus, son of Eliezer, the procurator of mine house, shall be mine heir. (And Abram said, Lord God, what shalt thou give me? for I have no children, and this Eliezer of Damascus, the procurator of my household, shall be my heir.)

And Abram added, Soothly thou hast not given seed to me, and, lo! my born servant shall be mine heir. (And Abram said again, Yea, thou hast not given me any children, or any descendants, and so this slave, born in my house, must be my heir.)

And anon the word of the Lord was made to him, and said, This shall not be thine heir, but thou shalt have him heir, that shall go out of thy womb. (And at once the word of the Lord came to him, saying, Nay, he shall not be thy heir, but thou shalt have an heir who shall come from thy womb.)

And the Lord led out Abram, and said to him, Behold thou (the) heaven(s), and number the stars, if thou mayest. And the Lord said to Abram, So thy seed shall be. (And the Lord led Abram outside, and said to him, Look thou up at the night sky, and count the stars, if thou mayest. And then the Lord said to Abram, So shall be thy descendants.)

Abram believed to God, and it was reckoned to him to rightwiseness. (And Abram believed God, and it was reckoned to him as righteousness.)

And God said to him, I am the Lord, that led thee out of Ur of Chaldees, (so) that I should give this land to thee, and (that) thou shouldest have it in possession.

And Abram said, Lord God, whereby shall I know that I shall wield it?

And the Lord answered, and said, Take thou to me a cow of three years, and a goat of three years, and a ram of three years, and a turtle, and a culver. (And the Lord answered, Bring thou to me a cow of three years, and a goat of three years, and a ram of three years, and a turtledove, and a pigeon.)

10 Which took all these things, and parted those by the midst (And he brought him all these things, and divided them in half), and setted ever either part each against (the) other; but he parted not the birds.

11 And fowls came down on the carrions, and Abram drove them away. (And when birds came down onto the carcasses, Abram drove them away.)

12 And when the sun was gone down, dread felled on Abram, and a great hideousness and dark assailed him. (And as the sun went down, fear fell upon Abram, and a great dark hideousness assailed him.)

13 And it was said to him, Know thou (a) before-knowing, that thy seed shall be [a] pilgrim four hundred years in a land not his own, and they shall make them subject to servage, and they shall torment them; (And the Lord said to him, Know thou a fore-knowing, that thy descendants shall be foreigners in a land not their own, and they shall make them subject to servitude, or to slavery, and they shall torment them for four hundred years;)

14 nevertheless I shall deem the folk to whom they shall serve; and after these things they shall go out with great chattel. (nevertheless I shall judge the nation for whom they shall be slaves; and after these things they shall go out with many possessions.)

15 Forsooth thou shalt go to thy fathers in peace, and shalt be buried in (a) good [eld] age.

16 Soothly in the fourth generation they shall turn again hither, for the wickedness of [the] Amorites be not yet [full-]filled, till to (this) present time (until now).

17 Therefore when the sun was gone down, a dark mist was made, and a furnace smoking appeared, and a lamp of fire, and (it) passed through those partings. (And when the sun had gone down, a dark mist came, and a smoking furnace appeared, and a lamp of fire which passed between the pieces of the animals.)

18 In that day the Lord made a covenant of peace with Abram, and said, I shall give to thy seed this land, from the river of Egypt till to the great river Euphrates; (And on that day, the Lord made a covenant of peace with Abram, and said, I shall give this land to thy descendants, from the River of Egypt, that is, the Nile, or the Shihor River, unto the great Euphrates River;)

19 (yea, the lands of the) Kenites, and Kenizzites, and Kadmonites,

20 and Hittites, and Perizzites, and Rephaims,

21 and Amorites, and Canaanites, and Girgashites, and Jebusites.