Mga Gawa 26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Agripa
26 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita para sa iyong sarili.” Iniunat ni Pablo ang kanyang kamay at sinimulan ang kanyang pagtatanggol: 2 “Haring Agripa, itinuturing kong mapalad ako na gagawin ko sa inyong harapan ang pagtatanggol na ito laban sa mga paratang sa akin ng mga Judio, 3 sapagkat bihasa kayo sa lahat ng mga kaugalian at mga usapin ng mga Judio, kaya ipinapakiusap ko sa inyo na matiyaga ninyo akong pakinggan. 4 “Nalalaman ng lahat ng mga Judio ang aking pamumuhay mula sa aking pagkabata sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. 5 Alam (A) nila mula pa nang una, kung handa silang magpatunay, na namuhay ako bilang Fariseo, ang pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon. 6 At ngayo'y nakatayo ako rito upang litisin dahil sa aking pag-asa sa pangakong binitawan ng Diyos sa aming mga ninuno. 7 Ito ang pangakong inaasahang matamo ng aming labindalawang lipi kaya't sila'y masigasig na naglilingkod sa Diyos gabi at araw. At dahil sa pag-asang ito, O Haring Agripa, ako'y isinasakdal ng mga Judio! 8 Bakit hindi makapaniwala ang sinuman sa inyo na binubuhay muli ng Diyos ang mga patay? 9 Ako (B) man ay nag-akala noong una na marami akong dapat gawin laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazareth. 10 At iyan nga ang aking ginawa sa Jerusalem. Batay sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng mga punong pari, hindi ko lamang ikinulong sa mga bilangguan ang marami sa mga hinirang, kundi sumang-ayon pa ako nang sila'y ipapatay. 11 Madalas kong ginagalugad ang mga sinagoga, at sinuman sa kanila ang abutan ko roon ay aking pinarurusahan at pinipilit ko silang lumapastangan. Sa tindi ng galit ko sa kanila'y pinag-usig ko sila maging sa mga lungsod sa ibang lupain.
Ang Salaysay ni Pablo tungkol sa Kanyang Pagbabagong-loob(C)
12 “Sa layuning ito, ako'y naglakbay patungo sa Damasco taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari. 13 Nang katanghalian, habang kami ay nasa daan, nakita ko, Haring Agripa, ang isang liwanag mula sa langit na mas maliwanag pa kaysa araw. Nagningning ang liwanag sa palibot ko at ng aking mga kasamahan. 14 Bumagsak kaming lahat sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Masasaktan ka sa pagsipa mo sa tulis.’ 15 At itinanong ko, ‘Sino po ba kayo, Panginoon?’ At kanyang sinabi, ‘Ako si Jesus na iyong inuusig. 16 Ngayo'y bumangon ka at tumindig. Nagpakita ako sa iyo sapagkat itinalaga kitang maging lingkod at maging saksi sa mga nakita mo sa akin at sa mga ipapakita ko pa sa iyo. 17 Ililigtas kita sa mga kababayan mo at sa mga Hentil, na sa kanila ay isinusugo kita, 18 upang buksan mo ang kanilang mga mata, ibalik sila mula sa kadiliman tungo sa liwanag, mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Diyos, upang tumanggap sila ng kapatawaran ng mga kasalanan at mapabilang sa piling ng mga ginawang banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.’
Ang Patotoo ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod
19 “Pagkalipas noon, O Haring Agripa, hindi ako naging suwail sa pangitain mula sa langit. 20 Nangaral ako, (D) una sa Damasco, pagkatapos ay sa Jerusalem, at sa buong lupain ng Judea, gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat nilang talikuran ang kanilang kasalanan at magbalik-loob sa Diyos at patunayan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ang kanilang pagsisisi. 21 Dahil dito, dinakip ako ng mga Judio sa Templo at pinagsikapang ako'y patayin. 22 Hanggang ngayon ay hindi ako pinababayaan ng Diyos. Kaya't nakatayo ako ngayon sa inyong harapan at nagpapatotoo sa lahat ng tao maging dakila o hamak. Wala akong itinuturo kundi ang mangyayari na sinabi ng mga propeta at ni Moises: 23 na (E) ang Cristo ay dapat magdusa, at bilang unang muling nabuhay mula sa kamatayan, ay ihayag ang liwanag sa Judio at sa mga Hentil.” 24 Habang sinasabi pa niya ang mga ito, malakas na sinabi ni Festo, “Nababaliw ka, Pablo! Ang labis mong karunungan ang nagpapabaliw sa iyo!” 25 Ngunit sinabi ni Pablo, “Hindi ako baliw, kagalang-galang na Festo. Ang ipinapahayag ko'y mga salita ng katinuan at katotohanan. 26 Alam ng hari ang mga ito, kaya sa harap niya'y nagsasalita ako nang buong laya. Tiyak kong walang nalilingid sa kanya sapagkat hindi sa isang sulok lamang ito nangyari. 27 Haring Agripa, naniniwala ba kayo sa mga propeta? Alam ko pong naniniwala kayo.” 28 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Sa maikling panahon ay hinihikayat mo akong maging Cristiano!” 29 Ngunit sinabi ni Pablo, “Loobin nawa ng Diyos! At maging sa maikli o sa mahabang panahon dalangin kong hindi lamang ikaw, kundi maging ang lahat ng mga nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko, maliban sa mga tanikalang ito.” 30 Tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at lahat ng mga kasama nila. 31 Lumayo sila at nag-usap, “Walang ginagawa ang taong ito na dapat hatulan ng kamatayan o pagkabilanggo.” 32 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Maaari na sanang palayain ang taong ito kung hindi niya hiniling na idulog ang kanyang kaso sa Emperador.”
Acts 26
New International Version
26 Then Agrippa said to Paul, “You have permission to speak for yourself.”(A)
So Paul motioned with his hand(B) and began his defense: 2 “King Agrippa, I consider myself fortunate to stand before you(C) today as I make my defense against all the accusations of the Jews,(D) 3 and especially so because you are well acquainted with all the Jewish customs(E) and controversies.(F) Therefore, I beg you to listen to me patiently.
4 “The Jewish people all know the way I have lived ever since I was a child,(G) from the beginning of my life in my own country, and also in Jerusalem. 5 They have known me for a long time(H) and can testify, if they are willing, that I conformed to the strictest sect(I) of our religion, living as a Pharisee.(J) 6 And now it is because of my hope(K) in what God has promised our ancestors(L) that I am on trial today. 7 This is the promise our twelve tribes(M) are hoping to see fulfilled as they earnestly serve God day and night.(N) King Agrippa, it is because of this hope that these Jews are accusing me.(O) 8 Why should any of you consider it incredible that God raises the dead?(P)
9 “I too was convinced(Q) that I ought to do all that was possible to oppose(R) the name of Jesus of Nazareth.(S) 10 And that is just what I did in Jerusalem. On the authority of the chief priests I put many of the Lord’s people(T) in prison,(U) and when they were put to death, I cast my vote against them.(V) 11 Many a time I went from one synagogue to another to have them punished,(W) and I tried to force them to blaspheme. I was so obsessed with persecuting them that I even hunted them down in foreign cities.
12 “On one of these journeys I was going to Damascus with the authority and commission of the chief priests. 13 About noon, King Agrippa, as I was on the road, I saw a light from heaven, brighter than the sun, blazing around me and my companions. 14 We all fell to the ground, and I heard a voice(X) saying to me in Aramaic,[a](Y) ‘Saul, Saul, why do you persecute me? It is hard for you to kick against the goads.’
15 “Then I asked, ‘Who are you, Lord?’
“ ‘I am Jesus, whom you are persecuting,’ the Lord replied. 16 ‘Now get up and stand on your feet.(Z) I have appeared to you to appoint you as a servant and as a witness of what you have seen and will see of me.(AA) 17 I will rescue you(AB) from your own people and from the Gentiles.(AC) I am sending you to them 18 to open their eyes(AD) and turn them from darkness to light,(AE) and from the power of Satan to God, so that they may receive forgiveness of sins(AF) and a place among those who are sanctified by faith in me.’(AG)
19 “So then, King Agrippa, I was not disobedient(AH) to the vision from heaven. 20 First to those in Damascus,(AI) then to those in Jerusalem(AJ) and in all Judea, and then to the Gentiles,(AK) I preached that they should repent(AL) and turn to God and demonstrate their repentance by their deeds.(AM) 21 That is why some Jews seized me(AN) in the temple courts and tried to kill me.(AO) 22 But God has helped me to this very day; so I stand here and testify to small and great alike. I am saying nothing beyond what the prophets and Moses said would happen(AP)— 23 that the Messiah would suffer(AQ) and, as the first to rise from the dead,(AR) would bring the message of light to his own people and to the Gentiles.”(AS)
24 At this point Festus interrupted Paul’s defense. “You are out of your mind,(AT) Paul!” he shouted. “Your great learning(AU) is driving you insane.”
25 “I am not insane, most excellent(AV) Festus,” Paul replied. “What I am saying is true and reasonable. 26 The king is familiar with these things,(AW) and I can speak freely to him. I am convinced that none of this has escaped his notice, because it was not done in a corner. 27 King Agrippa, do you believe the prophets? I know you do.”
28 Then Agrippa said to Paul, “Do you think that in such a short time you can persuade me to be a Christian?”(AX)
29 Paul replied, “Short time or long—I pray to God that not only you but all who are listening to me today may become what I am, except for these chains.”(AY)
30 The king rose, and with him the governor and Bernice(AZ) and those sitting with them. 31 After they left the room, they began saying to one another, “This man is not doing anything that deserves death or imprisonment.”(BA)
32 Agrippa said to Festus, “This man could have been set free(BB) if he had not appealed to Caesar.”(BC)
Footnotes
- Acts 26:14 Or Hebrew
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.