Add parallel Print Page Options

10 Ang(A) lahat ng nagtitiwala sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi sumusunod sa lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.” 11 Malinaw(B) na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”[a] 12 Ang(C) Kautusan ay hindi nakabatay sa pananampalataya, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang tumutupad sa lahat ng itinatakda ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay: o kaya'y Ang itinuring ng Diyos na matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya .

10 Nasa ilalim ng sumpa ang lahat na umaasa sa mga gawa ng Kautusan, (A) sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.” 11 Maliwanag (B) na walang sinumang itinuturing na matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan. Ang kasulatan ay nagsabi, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”[a] 12 Subalit (C) ang Kautusan ay hindi nakasalig sa pananampalataya. Sa halip, sabi nga ng kasulatan, “Ang tumutupad sa mga hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 3:11 o Ang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.

10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan (A)ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, (B)Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.

11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap (C)sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, (D)Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.

12 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, (E)Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.

Read full chapter