Galacia 1:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng sinumang tao. Si Jesu-Cristo mismo ang naghayag nito sa akin.
13 Hindi(A) kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin. 14 Sa(B) relihiyon ng mga Judio, nahigitan ko ang maraming kasing-edad ko at ako'y lubhang masugid sa kaugalian ng aming mga ninuno.
Read full chapter
Galacia 1:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo. 13 Hindi naman (A) kaila sa inyo kung paano ako nabuhay noon bilang masugid na kaanib ng Judaismo. Masugid kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito. 14 Tinupad ko ang kaugaliang Judio (B) nang higit pa kaysa ginawa ng maraming Judiong kasing-edad ko. Ito'y dahil sa aking maalab na malasakit sa kaugalian ng aking mga ninuno.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
