Filipos 2
Magandang Balita Biblia
Ang Halimbawa ni Cristo
2 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. 5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.
6 Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos,
at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.
At nang siya'y maging tao,
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
9 Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10 Sa(A) gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.[a]
11 At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon,
sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Maging Ulirang Anak ng Diyos
12 Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, 13 sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo, 15 upang(B) kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng sanlibutang baluktot at masama. Sa gayon, magsisilbi kayong mga ilaw sa kanila, tulad ng mga bituing nagniningning sa kalangitan, 16 habang ipinapahayag ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa Araw ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang mga hirap at pagod ko sa inyo.
17 Kung ang buhay ko ma'y ibuhos bilang handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. 18 Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan.
Sina Timoteo at Epafrodito
19 Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. 20 Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. 21 Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. 22 Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama. 23 Kaya, binabalak kong papuntahin siya riyan pagkatapos kong matiyak ang magiging kalagayan ko rito. 24 Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon.
25 Inisip kong kailangan nang papuntahin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong sa akin. 26 Sabik na sabik na siya sa inyong lahat.[b] Nag-aalala siya dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. 27 Totoong siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan.
28 Kaya nga, nais kong makapunta na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. 29 Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. 30 Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan.
Footnotes
- Filipos 2:10 ILALIM NG LUPA: Ipinapalagay nila noon na ang mga patay ay namamalagi pa sa madilim na dako sa ilalim ng lupa.
- Filipos 2:26 siya sa inyong lahat: Sa ibang manuskrito'y siyang makita kayo .
Filipos 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagpapakumbaba ni Cristo
2 Kaya't kung may anumang pampalakas ng loob na nagmumula kay Cristo, kung may anumang pampasiglang dulot ng pag-ibig, kung may anumang pagsasamahang mula sa Espiritu, kung may anumang pagmamalasakit at habag, 2 lubusin ninyo ang aking kagalakan. Magkaisa kayo sa pag-iisip, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa diwa at layunin. 3 Huwag ninyong gawin ang anuman dahil sa pansariling hangarin o dahil sa kayabangan. Sa halip, magpakumbaba kayo at ituring ang iba na mas mahalaga kaysa inyong sarili. 4 Pahalagahan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang kapakanan ng inyong sarili. 5 Taglayin ninyo ang pag-iisip na tulad ng kay Cristo Jesus;
6 kahit siya'y nasa kalikasan ng Diyos,
ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan
ang pagiging kapantay ng Diyos,
7 sa halip ay itinuring niyang walang halaga ang sarili,
kinuha ang kalikasan ng alipin,
at naging katulad ng mga tao.
At nang natagpuan sa kaanyuan ng tao,
8 ibinaba niya ang kanyang sarili,
at naging masunurin hanggang sa kamatayan,
maging kamatayan sa krus.
9 Kaya naman siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan;
10 upang (A) sa pangalan ni Jesus
ang bawat tuhod ay lumuhod,
ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa,
11 at ipahayag ng bawat bibig
na si Jesu-Cristo ay Panginoon,
sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Magsilbing Ilaw sa Sanlibutan
12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod, hindi lamang kung ako'y kaharap ninyo, kundi lalo ngayong ako'y wala riyan sa inyo, magpatuloy kayo sa gawain nang may takot at lubos na pag-iingat upang maunawaan ninyo ang kahulugan ng inyong kaligtasan, 13 sapagkat ang Diyos ang gumagawa sa inyo, upang naisin ninyo at gawin ang kanyang mabuting layunin. 14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang angal at pagtatalo, 15 upang (B) kayo'y maging mga walang kapintasan at dalisay na mga anak ng Diyos. Hindi kayo dapat maparatangan ng anuman sa pamumuhay ninyo sa gitna ng isang salinlahing baluktot at masama. Magningning kayong tulad ng mga tanglaw sa sanlibutan. 16 Patuloy ninyong panghawakan ang salita ng buhay upang sa araw ni Cristo ay maipagmalaki ko na hindi nasayang ang aking pagtakbo at hindi nauwi sa wala ang aking pagpapagal. 17 At kahit ibinubuhos pa ako na parang inuming handog sa ibabaw ng alay at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y natutuwa at nakikiisa sa kagalakan ninyong lahat. 18 Sa gayunding paraan, dapat kayong matuwa at makiisa sa aking kagalakan.
Sina Timoteo at Epafrodito
19 Umaasa ako sa Panginoong Jesus na maisugo agad sa inyo si Timoteo, upang mapanatag din ang isip ko kapag nalaman ko na ang kalagayan ninyo. 20 Wala akong ibang maitutulad sa kanya na totoong magmamalasakit sa inyong kapakanan, 21 sapagkat ang hinahanap lamang ng lahat ay ang sarili nilang kapakanan, hindi ang mga nauukol kay Jesu-Cristo. 22 Ngunit alam ninyong napatunayan na ni Timoteo[a] ang kanyang sarili; sapagkat gaya ng paglilingkod ng anak sa kanyang ama ay naglingkod siyang kasama ko sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. 23 Kaya umaasa ako na isusugo ko siya kaagad, kapag nalaman ko na kung ano ang mangyayari sa akin. 24 Nagtitiwala rin ako sa Panginoon na malapit na akong makapunta riyan.
25 Bukod dito, iniisip kong kailangang papuntahin diyan si Epafrodito, na aking kapatid, kamanggagawa, at kapwa kawal, na isinugo ninyo upang maglingkod para sa aking pangangailangan. 26 Sabik na sabik na siyang makita kayo. Nalulungkot siya sapagkat nabalitaan ninyo na siya'y nagkasakit. 27 Totoo ngang siya'y nagkasakit at halos mamatay na. Ngunit naawa sa kanya ang Diyos; at hindi lamang sa kanya kundi pati sa akin, kung hindi'y nagkapatung-patong sana ang aking kalungkutan. 28 Kaya't lalo kong sinikap na isugo siya, upang kapag makita ninyo siyang muli, matutuwa kayo at ako naman ay mababawasan ng pangamba. 29 Kaya't buong kagalakan ninyo siyang tanggapin bilang lingkod ng Panginoon. Parangalan ninyo ang mga taong katulad niya. 30 Nabingit siya sa kamatayan dahil sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay upang punan ang kakulangan ng inyong paglilingkod sa akin.
Footnotes
- Filipos 2:22 Sa Griyego, siya.
Philippians 2
New International Version
Imitating Christ’s Humility
2 Therefore if you have any encouragement from being united with Christ, if any comfort from his love, if any common sharing in the Spirit,(A) if any tenderness and compassion,(B) 2 then make my joy complete(C) by being like-minded,(D) having the same love, being one(E) in spirit and of one mind. 3 Do nothing out of selfish ambition or vain conceit.(F) Rather, in humility value others above yourselves,(G) 4 not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.(H)
5 In your relationships with one another, have the same mindset as Christ Jesus:(I)
6 Who, being in very nature[a] God,(J)
did not consider equality with God(K) something to be used to his own advantage;
7 rather, he made himself nothing(L)
by taking the very nature[b] of a servant,(M)
being made in human likeness.(N)
8 And being found in appearance as a man,
he humbled himself
by becoming obedient to death(O)—
even death on a cross!(P)
9 Therefore God exalted him(Q) to the highest place
and gave him the name that is above every name,(R)
10 that at the name of Jesus every knee should bow,(S)
in heaven and on earth and under the earth,(T)
11 and every tongue acknowledge that Jesus Christ is Lord,(U)
to the glory of God the Father.
Do Everything Without Grumbling
12 Therefore, my dear friends, as you have always obeyed—not only in my presence, but now much more in my absence—continue to work out your salvation with fear and trembling,(V) 13 for it is God who works in you(W) to will and to act in order to fulfill his good purpose.(X)
14 Do everything without grumbling(Y) or arguing, 15 so that you may become blameless(Z) and pure, “children of God(AA) without fault in a warped and crooked generation.”[c](AB) Then you will shine among them like stars in the sky 16 as you hold firmly to the word of life. And then I will be able to boast on the day of Christ(AC) that I did not run(AD) or labor in vain.(AE) 17 But even if I am being poured out like a drink offering(AF) on the sacrifice(AG) and service coming from your faith, I am glad and rejoice with all of you.(AH) 18 So you too should be glad and rejoice with me.
Timothy and Epaphroditus
19 I hope in the Lord Jesus to send Timothy(AI) to you soon,(AJ) that I also may be cheered when I receive news about you. 20 I have no one else like him,(AK) who will show genuine concern for your welfare. 21 For everyone looks out for their own interests,(AL) not those of Jesus Christ. 22 But you know that Timothy has proved himself, because as a son with his father(AM) he has served with me in the work of the gospel. 23 I hope, therefore, to send him as soon as I see how things go with me.(AN) 24 And I am confident(AO) in the Lord that I myself will come soon.
25 But I think it is necessary to send back to you Epaphroditus, my brother, co-worker(AP) and fellow soldier,(AQ) who is also your messenger, whom you sent to take care of my needs.(AR) 26 For he longs for all of you(AS) and is distressed because you heard he was ill. 27 Indeed he was ill, and almost died. But God had mercy on him, and not on him only but also on me, to spare me sorrow upon sorrow. 28 Therefore I am all the more eager to send him,(AT) so that when you see him again you may be glad and I may have less anxiety. 29 So then, welcome him in the Lord with great joy, and honor people like him,(AU) 30 because he almost died for the work of Christ. He risked his life to make up for the help you yourselves could not give me.(AV)
Footnotes
- Philippians 2:6 Or in the form of
- Philippians 2:7 Or the form
- Philippians 2:15 Deut. 32:5
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.