Exodo 22:21
Magandang Balita Biblia
21 “Huwag(A) ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto.
Read full chapter
Levitico 19:33-34
Magandang Balita Biblia
33 “Huwag(A) ninyong aapihin ang mga dayuhang kasama ninyo. 34 Ibigin ninyo sila at ituring na kapatid. Alalahanin ninyong naging mga dayuhan din kayo sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
Read full chapter
Deuteronomio 24:17-18
Magandang Balita Biblia
17 “Huwag(A) ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mga dayuhan o ang mga ulila. Huwag din ninyong kukuning sangla ang balabal ng babaing balo. 18 Iniuutos ko ito sa inyo sapagkat dapat ninyong alalahaning naging alipin din kayo sa Egipto at iniligtas kayo roon ng Diyos ninyong si Yahweh.
Read full chapter
Deuteronomio 27:19
Magandang Balita Biblia
19 “‘Sumpain(A) ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’
“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.