Font Size
Ester 9:1-2
Magandang Balita Biblia
Ester 9:1-2
Magandang Balita Biblia
Ang Tagumpay ng mga Judio
9 Dumating ang ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan ng taon. Ito ang araw ng pagsasagawa ng utos ng hari, ang araw na inaasam-asam ng mga kaaway ng mga Judio, sapagkat inaasahan nilang sa araw na ito nila lilipulin ang mga Judio. Ngunit hindi nila alam na mababaligtad ang pangyayari, sapagkat sila ang lilipulin ng mga Judio. 2 Nang araw na iyon, nagsama-sama ang lahat ng Judio sa buong kaharian[a] upang labanan ang sinumang mananakit sa kanila. Ngunit wala namang nangahas magbuhat ng kamay sa kanila sapagkat natakot sa kanila ang lahat.
Read full chapterFootnotes
- Ester 9:2 sa buong kaharian: o kaya'y sa bawat lunsod na may mga nakatirang Judio .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.