Add parallel Print Page Options

Pinarangalan si Mordecai

Nang gabing iyon, hindi hinayaan ng Panginoon na makatulog si Haring Xerxes. Kaya't pinakuha niya ang aklat ng mahahalagang pangyayari sa kaharian at ipinabasa ito sa kanyang personal na kalihim habang siya'y nakikinig. Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkatuklas ni Mordecai sa masamang balak ng mga eunukong sina Gabata at Tara na patayin ang Haring Xerxes. Dahil dito, itinanong ng hari, “Anong gantimpala o pagpaparangal ang ginawa kay Mordecai dahil sa kabutihang ginawa niya sa akin?”

Sumagot ang mga tagapaglingkod, “Wala po, Kamahalan.”

Nagtanong ang hari, “Sino ba ang pumapasok sa bulwagan?” Samantala, noon ay papasok sa bulwagan si Haman upang sabihin sa hari na maaari nang bitayin si Mordecai sa pinagawa niyang bitayan.

Sinabi ng mga tagapaglingkod ng hari, “Si Haman po.”

At sinabi ng hari, “Palapitin ninyo siya rito.”

Lumapit naman si Haman. Itinanong sa kanya ng hari, “Ano ang dapat gawin sa sinumang ibig parangalan ng hari?”

Akala ni Haman ay siya ang tinutukoy ng hari, kaya sinabi niya, “Ganito po: Ipakuha ninyo ang damit na inyong isinuot at ang kabayong inyong sinakyan nang kayo'y koronahan bilang hari. Ang damit ay ibigay sa isa sa mga pangunahing pinuno ng kaharian para isuot sa pararangalan. Pagkatapos, isakay sa kabayo at ilibot sa buong lunsod habang isinisigaw ang: ‘Ito ang ginagawa sa taong pinaparangalan ng hari!’”

10 Sinabi ng hari kay Haman, “Magaling! Kung gayon, kunin mo ang aking damit at ang aking kabayo. Lahat ng sinabi mo'y gawin mo kay Mordecai, ang Judiong nakaupo sa may pasukan ng palasyo.”

11 Kinuha nga ni Haman ang damit at ang kabayo ng hari. Binihisan niya si Mordecai, isinakay sa kabayo at inilibot sa buong lunsod habang isinisigaw niyang, “Ito ang ginagawa sa taong pinaparangalan ng hari.”

12 Pagkatapos nito, nagbalik si Mordecai sa may pintuan ng palasyo. Nagmamadali namang umuwi si Haman, at pagdating sa bahay ay nanangis at nagtalukbong dahil sa inabot na kahihiyan. 13 Ang nangyari'y isinalaysay ni Haman sa asawa niyang si Zeres at sa kanyang mga kaibigan. Kaya sinabi nila sa kanya, “Kung Judio nga si Mordecai, na siyang dahilan ng iyong panghihina, hindi mo siya madadaig, kundi ikaw pa ang dadaigin niya. Hindi mo siya madadaig sapagkat ang buháy na Diyos ay sumasakanya.”

14 Nag-uusap pa sila nang dumating ang mga sugo ng hari at nagmamadaling isinama si Haman sa handaan ni Ester.

'Ester 6 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mordecai Honored by the King

That night sleep escaped(A) the king, so he ordered the book recording daily events to be brought and read to the king. They found the written report of how Mordecai had informed on Bigthana and Teresh, two of the king’s eunuchs who guarded the entrance, when they planned to assassinate King Ahasuerus.(B) The king inquired, “What honor and special recognition have been given to Mordecai for this act?” (C)

The king’s personal attendants replied, “Nothing has been done for him.”

The king asked, “Who is in the court?” Now Haman was just entering the outer court of the palace to ask the king to hang Mordecai on the gallows he had prepared for him.(D)

The king’s attendants answered him, “Haman is there, standing in the court.”

“Have him enter,” the king ordered. Haman entered, and the king asked him, “What should be done for the man the king wants to honor?” (E)

Haman thought to himself, “Who is it the king would want to honor more than me?” Haman told the king, “For the man the king wants to honor: Have them bring a royal garment that the king himself has worn(F) and a horse the king himself has ridden,(G) which has a royal crown on its head. Put the garment and the horse under the charge of one of the king’s most noble officials.(H) Have them clothe the man the king wants to honor, parade him on the horse through the city square, and call out before him, ‘This is what is done for the man the king wants to honor.’”

10 The king told Haman, “Hurry, and do just as you proposed. Take a garment and a horse for Mordecai the Jew,(I) who is sitting at the King’s Gate. Do not leave out anything you have suggested.”

11 So Haman took the garment and the horse. He clothed Mordecai and paraded him through the city square, calling out before him, “This is what is done for the man the king wants to honor.”

12 Then Mordecai returned to the King’s Gate,(J) but Haman hurried off for home, mournful and with his head covered.(K) 13 Haman told his wife Zeresh and all his friends(L) everything that had happened. His advisers and his wife Zeresh said to him, “Since Mordecai is Jewish, and you have begun to fall before him, you won’t overcome him, because your downfall is certain.”(M) 14 While they were still speaking with him, the king’s eunuchs(N) arrived and rushed Haman to the banquet Esther had prepared.(O)