Add parallel Print Page Options

Mamuhay Ayon sa Liwanag

Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay(A) kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot. Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag.[a] 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.[b] Kaya't sinasabi,

“Gumising ka, ikaw na natutulog,
    bumangon ka mula sa libingan,
at liliwanagan ka ni Cristo.”

15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa(B) inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Tagubilin sa Mag-asawa

21 Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.

22 Mga(C) babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. 23 Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya ang Tagapagligtas nito. 24 Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang sariling asawa.

25 Mga(D) lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26 upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. 28 Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. 29 Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. 30 Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. 31 Gaya(E) ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.” 32 Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. 33 Subalit ito'y para din sa inyo: kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

Footnotes

  1. Efeso 5:9 liwanag: Sa ibang manuskrito'y Espiritu .
  2. Efeso 5:14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag: o kaya'y ang nalalantad ay nagiging liwanag .

Chapter 5

Hence, be imitators of God, as beloved children, and walk in love, as Christ loved us and gave himself up for us as a sacrificial offering whose fragrance is pleasing to God.

Sins To Avoid. Indeed, fornication and impurity of any kind, as well as greed, should not even be mentioned among you. Such talk is not fitting for saints. You should never engage in any obscene or foolish or suggestive conversation. All this is completely out of place. Instead, you should rather be engaged in offering thanks to God.

You can be absolutely certain that no immoral or impure person or one who is greedy—that is, an idolater—will have any inheritance in the kingdom of Christ and of God.

Let no one deceive you with worthless arguments. These are the very things that bring down the wrath of God on those who are disobedient. Do not associate with them.

Christians Are Children of Light. Once you were darkness, but now you are light in the Lord. Live as children of light, for light produces all goodness and righteousness and truth. 10 Discern what the Lord finds pleasing. 11 Take no part in the fruitless deeds of darkness, but rather seek to expose them.

12 For it is shameful even to speak of what deeds people do in secret. 13 However, everything that is exposed by the light is made visible, 14 and whatever is made visible is light. Therefore, it is said,[a]

“Awake, O sleeper!
    Rise from the dead,
    and Christ will shine on you.”

15 Therefore, take care to live as intelligent people, and do not be like those who are senseless. 16 Make the most of the present time, for this is a wicked age. 17 Do not be foolish, but recognize what is the will of the Lord. 18 Do not get drunk on wine, which can lead to debauchery.

Rather, be filled with the Spirit, 19 as you sing psalms and hymns and spiritual songs with one another. Sing and chant to the Lord in your hearts, 20 giving thanks to God the Father at all times and for everything in the name of our Lord Jesus Christ.

Christ and Christian Spouses[b]

Be Subject to One Another in Christ. Be subject to one another out of reverence for Christ. 22 Wives, be subject to your husbands as you are to the Lord. 23 For the husband is the head of the wife, just as Christ is the head of the Church, the body of which he is the Savior. 24 Just as the Church is subject to Christ, so also wives must be subject to their husbands in everything.

25 Love One Another in Christ. Husbands, love your wives, just as Christ loved the Church and gave himself up for her 26 in order to sanctify her by cleansing her with water and the word,[c] 27 in order to present the Church to himself in splendor, without spot or wrinkle or any such flaw, but holy and without the slightest blemish.

28 In the same way, husbands should love their wives as they do their own bodies. The man who loves his wife loves himself. 29 For no one ever hates his own body; rather, he nourishes it and cares for it, even as Christ does for the Church, 30 because we are members of his body.

31 For this reason
    a man shall leave his father and mother
    and be joined to his wife,
and the two shall become one flesh.

32 This is a great mystery. Here I am applying it to Christ and the Church. 33 However, each one of you should love his wife as he loves himself, and the wife should respect her husband.

Footnotes

  1. Ephesians 5:14 It is said: the text cited was probably taken from an early Christian liturgical hymn (see also Isa 26:19; 60:1).
  2. Ephesians 5:21 Christianity promotes, in community and in family, a new kind of relationship that is marked by humility and mutual submission. Here is a practical essay on the subject. The Old Testament had a lofty idea of marriage and liked to use the image of spouses to suggest God’s faithful love for his people (Ps 45; Song 1:3; Isa 54:4, 8; 62:4-5; Ezek 16; Hos 1:3).

    21 
    In the same tradition, Christians compare the relationship of Christ and the Church with a marriage (Mt 9:15; 22:2-4; 25:1-13; Jn 3:29; 2 Cor 11:2; Rev 19:7; 21:2-9). Here Paul goes even further: marriage as such is related to the mystery of Christ and the Church; the reciprocal love of Christ and the Church becomes the foundation and model for the life of spouses, who ought to be a sign and manifestation of that reciprocal love. There is a profound connection between the oneness of marriage and the oneness of Christ with the Church; the former reveals the ultimate intention of the creator when he created the human couple: an intention that the first generation of Christians saw in the text of Gen 2:24 (see Mt 19:5; Mk 10:8; 1 Cor 6:16-17). Chapter 5 of the Letter to the Ephesians, following the same theological line of thought, gives us one of the finest passages on the mystery of the Church and the spirituality of marriage. Paul’s ideas on marriage may be completed by a reading of 1 Cor 7:1-14 and Col 3:18-19.

  3. Ephesians 5:26 Cleansing her with water and the word: a reference to Baptism (pouring of water and sacramental formula). Perhaps Paul had in mind the Oriental practice in the purification of a wife.