Eclesiastes 1:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: (B)mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan.
Read full chapter
Eclesiastes 2:3
Ang Biblia (1978)
3 Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, (A)pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.
Read full chapter
Eclesiastes 2:12
Ang Biblia (1978)
12 At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, (A)at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan.
Read full chapter
Eclesiastes 7:23
Ang Biblia (1978)
23 Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, (A)Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin.
Read full chapter
Eclesiastes 7:25
Ang Biblia (1978)
25 Ako'y pumihit at inilagak (A)ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978