Deuteronomio 23:14
Ang Biblia (1978)
14 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay (A)lumalakad sa gitna ng iyong kampamento, upang iligtas ka, at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo; kaya't ang iyong kampamento ay magiging banal: upang huwag siyang makakita ng anomang maruming bagay sa iyo, at baka humiwalay sa iyo.
Read full chapter
Isaias 12:6
Ang Biblia (1978)
6 Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel (A)sa gitna mo.
Read full chapter
Joel 2:27
Ang Biblia (1978)
27 At inyong malalaman na ako'y (A)nasa (B)gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
Read full chapter
Zefanias 3:15
Ang Biblia (1978)
15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978