Add parallel Print Page Options

Si Daniel sa Yungib ng mga Leon

Minabuti ni Dario na magtalaga sa kaharian ng isandaan at dalawampung satrap, na mamamahala sa buong kaharian.

Ang namumuno sa kanila'y tatlong pangulo, na isa sa kanila ay si Daniel. Ang mga tagapamahalang ito ay magbibigay-sulit sa kanila upang ang hari ay huwag malagay sa panganib.

Hindi nagtagal, si Daniel ay nangibabaw sa lahat ng ibang mga pangulo at sa mga satrap, sapagkat taglay niya ang isang di-pangkaraniwang espiritu; at pinanukala ng hari na italaga siya upang mamuno sa buong kaharian.

Nang magkagayo'y sinikap ng mga pangulo at ng mga tagapamahala na makakita ng batayan upang makapagsumbong laban kay Daniel tungkol sa kaharian. Ngunit hindi sila makakita ng anumang batayan upang makapagsumbong o anumang pagkukulang sapagkat tapat siya, at walang kamalian ni pagkukulang na natagpuan sa kanya.

Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalaking ito, “Hindi tayo makakatagpo ng anumang batayan na maisusumbong laban sa Daniel na ito, malibang ito'y ating matagpuan na may kinalaman sa kautusan ng kanyang Diyos.”

Kaya't ang mga pangulo at mga tagapamahalang ito ay dumating na magkakasama sa hari, at sinabi sa kanya, “O Haring Dario, mabuhay ka magpakailanman!

Lahat ng mga pangulo ng kaharian, mga kinatawan, mga tagapamahala, mga tagapayo, at ang mga gobernador, ay nagkasundo na ang hari ay dapat gumawa ng isang batas at magpatupad ng isang pagbabawal, na sinumang manalangin sa sinumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, liban sa iyo, O hari ay ihahagis sa yungib ng mga leon.

Ngayon, O hari, pagtibayin mo ang pagbabawal, at lagdaan mo ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa batas ng mga taga-Media at mga taga-Persia na hindi maaaring pawalang-bisa.”

Kaya't nilagdaan ni Haring Dario ang kasulatan at ang pagbabawal.

10 Nang malaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan na, siya'y pumasok sa kanyang bahay na ang mga bintana ay bukas paharap sa Jerusalem. At siya'y nagpatuloy na lumuhod ng tatlong ulit sa loob ng isang araw, na nananalangin, at nagpapasalamat sa harap ng kanyang Diyos, gaya nang kanyang dating ginagawa.

11 Nang magkagayo'y nagkakaisang dumating ang mga lalaking ito at natagpuan si Daniel na nananalangin at sumasamo sa kanyang Diyos.

12 Kaya't lumapit sila at nagsalita sa harapan ng hari tungkol sa ipinagbabawal ng hari, “O hari! Hindi ba lumagda ka ng isang pagbabawal, na sinumang tao na humingi sa kanino mang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, liban sa iyo, O hari, ay ihahagis sa yungib ng mga leon?” Ang hari ay sumagot, “Ang pagbabawal ay matatag, ayon sa batas ng mga taga-Media at mga taga-Persia, na hindi maaaring pawalang-bisa.”

13 Nang magkagayo'y sumagot sila sa hari, “Ang Daniel na iyon na isa sa mga bihag mula sa Juda ay hindi nakikinig sa iyo, O hari, maging ang pagbabawal man na iyong nilagdaan, kundi nananalangin ng tatlong ulit sa loob ng isang araw.”

14 Nang marinig ng hari ang mga salitang ito, siya ay lubhang nabahala. Ipinasiya niyang iligtas si Daniel, at hanggang sa paglubog ng araw ay kanyang pinagsikapang iligtas siya.

15 At nagkakaisang dumating ang mga lalaking ito sa hari at sinabi sa kanya, “Alalahanin mo, O hari, na isang batas ng mga taga-Media at ng mga taga-Persia na walang pagbabawal o utos man na pinagtibay ng hari ang maaaring baguhin.”

16 Nang magkagayo'y nag-utos ang hari, at dinala si Daniel at inihagis sa yungib ng mga leon. Nagsalita ang hari at sinabi kay Daniel, “Ang iyo nawang Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran ang siyang magligtas sa iyo!”

17 Dinala ang isang bato at inilagay sa bunganga ng yungib, at tinatakan ng hari ng kanyang sariling pantatak at ng pantatak ng kanyang mga maharlika upang walang anumang bagay na mabago tungkol kay Daniel.

18 Umuwi ang hari sa kanyang palasyo, at pinalipas ang buong magdamag na nag-aayuno. Walang libangang dinala sa kanya at ayaw siyang dalawin ng antok.

19 Nang mag-uumaga na, ang hari ay bumangon at nagmamadaling pumunta sa yungib ng mga leon.

20 Nang siya'y mapalapit sa yungib na kinaroroonan ni Daniel, siya'y sumigaw na may pagdadalamhati at sinabi kay Daniel, “O Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, ang iyo bang Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran ay nakapagligtas sa iyo sa mga leon?”

21 Sinabi naman ni Daniel sa hari, “O hari, mabuhay ka magpakailanman!

22 Isinugo ng aking Diyos ang kanyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon. Hindi nila ako sinaktan sapagkat ako'y natagpuang walang sala sa harap niya at gayundin sa harapan mo. O hari, wala akong ginawang kasalanan.”

23 Nang magkagayo'y tuwang-tuwa ang hari, at ipinag-utos na kanilang iahon si Daniel mula sa yungib. Kaya't iniahon si Daniel mula sa yungib, at walang anumang sugat na natagpuan sa kanya sapagkat siya'y nagtiwala sa kanyang Diyos.

24 Ang hari ay nag-utos, at ang mga lalaking nagparatang kay Daniel ay kanilang hinuli at sila'y inihagis sa yungib ng mga leon—sila, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Hindi pa man sila umaabot sa ibaba ng yungib, ang mga leon ay nanaig sa kanila, at pinagputul-putol ang lahat nilang mga buto.

25 Nang magkagayo'y sumulat ang haring si Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na naninirahan sa buong lupa: “Kapayapaa'y sumagana sa inyo.

26 Ako'y nag-uutos na sa lahat ng sakop ng aking kaharian, ang mga tao ay dapat manginig at matakot sa Diyos ni Daniel:

Sapagkat siya ang buháy na Diyos,
    at nananatili magpakailanman.
Ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak,
    at ang kanyang kapangyarihan ay walang katapusan.
27 Siya'y nagliligtas at nagpapalaya,
    siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa,
sapagkat iniligtas niya si Daniel
    mula sa kapangyarihan ng mga leon.”

28 Kaya't ang Daniel na ito ay umunlad sa panahon ng paghahari ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga-Persia.

'Daniel 6 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Inihulog si Daniel sa Kulungan ng mga Leon

Pumili si Haring Darius ng 120 gobernador para mamahala sa kanyang buong kaharian. Ang mga gobernador na itoʼy nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong administrador, at isa sa kanila ay si Daniel. Ginawa ito para hindi mahirapan sa pamamahala ang hari. Si Daniel ang natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang pambihirang kakayahan, kaya binalak ng hari na siya ang gawing tagapamahala ng buong kaharian. Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel para paratangan siya. Pero wala silang makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan. Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang sa kanya maliban kung hahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa Kautusan ng kanyang Dios.”

Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mahal na Hari! Kaming mga administrador, mayor, gobernador, tagapayo, at mga komisyoner ng inyong kaharian ay nagkasundong hilingin sa inyo na gumawa ng kautusan na sa loob ng 30 araw ay walang mananalangin sa sinumang dios o tao maliban sa inyo. At dapat itong sundin, dahil ang sinumang susuway sa utos na ito ay itatapon sa kulungan ng mga leon. Kaya Mahal na Hari, magpalabas na po kayo ng ganoong kautusan. Ipasulat nʼyo po at lagdaan para hindi na mabago o mapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”

Pumayag si Haring Darius, kaya nilagdaan niya ang kautusang iyon. 10 Nang malaman ni Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Dios, tatlong beses sa isang araw, ayon sa kanyang nakaugalian. 11 Pero sinusubaybayan pala siya ng mga opisyal na kumakalaban sa kanya, at nakita nila siyang nananalangin at nagpupuri sa kanyang Dios. 12 Kaya pumunta sila sa hari at sinabi ang paglabag ni Daniel sa kautusan. Sinabi nila sa hari, “Mahal na Hari, hindi baʼt lumagda kayo ng kautusan na sa loob ng 30 araw ay walang mananalangin sa alin mang dios o tao maliban sa inyo? At ang sinumang lumabag sa kautusang iyon ay ihuhulog sa kulungan ng mga leon?”

Sumagot ang hari, “Totoo iyon, at hindi na iyon mababago o mapapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”

13 Sinabi nila sa hari, “Si Daniel na isa sa mga bihag mula sa Juda ay hindi sumusunod sa inyong utos. Nananalangin siya sa kanyang Dios ng tatlong beses sa isang araw.” 14 Nang marinig ito ng hari, nabalisa siya ng sobra. Nais niyang tulungan si Daniel, kaya buong maghapon siyang nag-isip at naghanap ng paraan para mailigtas si Daniel.

15 Nagtipong muli ang mga opisyal ng hari at sinabi, “Mahal na Hari, alam nʼyo naman na ayon sa kautusan ng Media at Persia, kapag nagpalabas ang hari ng kautusan ay hindi na ito maaaring baguhin.”

16 Kaya iniutos ng hari na hulihin si Daniel at ihulog sa kulungan ng mga leon. Sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Dios na patuloy mong pinaglilingkuran.”

17 Pagkatapos, tinakpan ng isang malaking bato ang kulungan na pinaghulugan kay Daniel, at tinatakan ng singsing ng hari at ng singsing ng mga marangal sa kaharian para walang sinumang magbubukas nito. 18 Pagkatapos ay umuwi si Haring Darius sa palasyo niya. Hindi siya kumain ng gabing iyon at hindi rin humiling na siya ay aliwin. At hindi siya makatulog.

19 Kinaumagahan, nagbubukang-liwayway pa lamang ay nagmamadaling pumunta ang hari sa kulungan ng mga leon. 20 Pagdating niya roon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, lingkod ng buhay na Dios, iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Dios na patuloy mong pinaglilingkuran?” 21 Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari! 22 Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Dios ng kanyang mga anghel para itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Dios dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo.” 23 Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Dios.

24 Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila nakakarating sa ilalim ng kulungan, agad silang sinakmal ng mga leon at nilapa.

25 Pagkatapos ay sumulat si Haring Darius sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat:

“Nawaʼy nasa mabuti kayong kalagayan.

26 “Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Dios ni Daniel.

Sapagkat siya ang buhay na Dios at nabubuhay magpakailanman.
Ang paghahari niya ay walang hanggan,
at walang makakapagbagsak nito.
27 Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa.
    Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”

28 Naging maunlad ang buhay ni Daniel sa panahon ng paghahari ni Darius at sa panahon ng paghahari ni Cyrus na taga-Persia.

Daniel and the Lions

·Darius thought it would be a good idea [L It pleased Darius; 5:30] to ·choose [L set over the kingdom] one hundred twenty ·governors [L satraps] who would ·rule his [L be over the] kingdom. He chose three men as ·supervisors [presidents; heads] over those ·governors [L satraps], and Daniel was one of the ·supervisors [presidents; heads]. The ·supervisors [presidents; heads] were to ensure that the ·governors did not try to cheat the king [L king would not be troubled/disturbed]. Daniel ·showed that he could do the work better than [distinguished himself above] the other ·supervisors [presidents; heads] and ·governors [L satraps] because an ·excellent [extraordinary] spirit was in him, so the king planned to put Daniel in charge of the whole kingdom. Because of this, the other ·supervisors [presidents; heads] and ·governors [L satraps] tried to find reasons to accuse Daniel ·about his work in the government [L in regard to the kingdom]. But they could not find anything ·wrong with him or any reason to accuse him [in regard to complaint or corruption], because he was trustworthy and not lazy or ·dishonest [corrupt]. Finally these men said, “We will never find any reason to accuse Daniel unless it is about the law of his God.”

So the ·supervisors [presidents; heads] and ·governors [L satraps] ·went as a group to [or conspired against] the king and said: “King Darius, live forever! The ·supervisors [presidents; heads], ·assistant governors [prefects], ·governors [L satraps], ·the people who advise you [counselors], and the ·captains of the soldiers [governors] have ·all agreed [taken counsel] that you should ·make a new law [issue a decree] ·for everyone to obey [and enforce an edict]: For the next thirty days no one should pray to any god or human except to you, O king. Anyone who doesn’t obey will be thrown into the lions’ den. Now, O king, ·make the law [enforce the edict] and sign ·your name to it [L the document] so that it cannot be changed, because then it will be a law of the Medes and Persians and cannot be canceled.” So King Darius signed the ·law [L document and edict].

10 Even though Daniel knew that the ·new law [document] had been ·written [signed], he went to pray in an upstairs room in his house, which had windows that opened toward Jerusalem. Three times each day Daniel would kneel down to pray and ·thank [praise] God, just as he always had done [1 Kin. 8:35–36; Ps. 55:17].

11 Then those men ·went as a group [conspired] and found Daniel praying and ·asking God for help [seeking mercy from God]. 12 So they ·went to [approached] the king and talked to him about the ·law he had made [edict]. They said, “Didn’t you sign a ·law [edict] that says no one may pray to any god or human except you, O king? Doesn’t it say that anyone who disobeys during the next thirty days will be thrown into the lions’ den?”

The king answered, “Yes, ·that is the law [L the thing is certain], and the laws of the Medes and Persians cannot be canceled.”

13 Then they said to the king, “Daniel, one of the ·captives [exiles] from Judah, ·is not paying attention to [disregards] you, O king, or to the ·law [edict] you signed. Daniel still prays three times every day.” 14 The king ·became very upset [was displeased] when he heard ·this [L the word]. He ·wanted [L set his mind] to ·save [rescue] Daniel, and he worked hard until sunset trying to think of a way to ·save [rescue] him.

15 Then those men ·went as a group to [or conspired against] the king. They said, “·Remember [Know], O king, the law of the Medes and Persians says that no ·law [edict] or command given by the king can be changed.”

16 So King Darius gave the order, and Daniel was brought in and thrown into the lions’ den. The king said to Daniel, “May the God you ·serve [fear; Prov. 1:7] all the time ·save [rescue] you!” 17 A stone was brought and placed over the ·opening [L mouth] of the lions’ den. Then the king used his signet ring and the rings of his ·royal [noble; important] officers to put special seals on the rock [C rings with personal identification symbols that could be pressed into soft clay]. This ensured that ·no one would move the rock and bring Daniel out [L nothing would be changed with Daniel]. 18 Then King Darius went back to his palace. He ·did not eat [fasted] that night, ·he did not have any entertainment [L nothing was; C referring to food and/or women] brought to him, and he could not sleep.

19 The next morning King Darius got up at dawn and ·hurried [or in agitation went] to the lions’ den. 20 As he came near the den, he was worried. He called out to Daniel, “Daniel, servant of the living God! Has your God that you always ·worship [fear; serve; Prov. 1:7] been able to ·save [rescue] you from the lions?”

21 Daniel answered, “O king, live forever! 22 My God sent his ·angel [or messenger] to close the lions’ mouths [Heb. 11:33]. They have not ·hurt [injured] me, because my God knows I am ·innocent [blameless]. I never did anything ·wrong to [to injure] you, O king.”

23 King Darius was very happy and told his servants to lift Daniel out of the lions’ den. So they lifted him out and did not find any injury on him, because Daniel had trusted in his God.

24 Then the king commanded that the men who had ·accused [conspired against; L eaten pieces of] Daniel be brought to the lions’ den. They, their wives, and their children were thrown into the den. The lions ·grabbed [overpowered] them before they ·hit [reached] the floor of the den and ·crushed their bones [or tore their bodies into pieces; Prov. 28:10].

25 Then King Darius wrote a letter to all people and all nations, ·to those who spoke every language [L and tongues] in the world:

I wish you great ·peace and wealth [prosperity].

26 I ·am making a new law [L set a decree] for people in every part of my ·kingdom [kingly dominion]. All of you must ·fear [tremble] and ·respect [fear] the God of Daniel.

For he is the living God;
    he ·lives [endures] forever.
His kingdom will never be destroyed,
    and his ·rule [sovereignty] will never end.
27 God rescues and ·saves [delivers] people
    and does ·mighty miracles [signs and wonders]
    in heaven and on earth.
He is the one who ·saved [rescued] Daniel
    from the ·power [L hand] of the lions.

28 So Daniel was ·successful [prosperous] during the time Darius was king ·and [or even] when Cyrus the Persian was king [C may be two different names for the same king].