Colosas 4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Mga(A) amo, maging mabuti kayo at makatarungan sa mga naglilingkod sa inyo. Alalahanin ninyong kayo man ay may Panginoon sa langit.
Mga Tagubilin
2 Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. 3 Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. 4 Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat.
5 Maging(B) matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Sikapin(C) ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.
Pangwakas na Pagbati
7 Si(D)(E) Tiquico ang magbabalita sa inyo tungkol sa kalagayan ko rito. Siya ay minamahal naming kapatid, tapat na lingkod at kamanggagawa sa Panginoon. 8 Pinapunta ko siya riyan para malaman ninyo ang aming kalagayan, nang sa gayon ay lumakas ang inyong loob. 9 Kasama(F) niya ang tapat at minamahal nating kapatid na si Onesimo, na kasamahan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo ng lahat ng nangyari dito.
10 Kinukumusta(G) kayo ni Aristarco, na bilanggo ring kasama ko, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol naman kay Marcos, mayroon nang bilin sa inyo na malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan. 11 Kinukumusta rin kayo ni Jesus na kilala rin sa pangalang Justo. Silang tatlo lamang ang mga mananampalatayang Judio na kasama ko rito sa pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos, at sila'y malaking tulong sa akin.
12 Kinukumusta(H) rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo'y maging matatag, ganap, at lubos na panatag sa kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa pagsisikap niya para sa inyo at sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14 Nangungumusta(I) rin sa inyo si Demas at ang minamahal nating manggagamot na si Lucas.
15 Ikumusta ninyo ako sa mga kapatid sa Laodicea, gayundin kay Nimfa at sa iglesyang nagtitipon sa kanyang bahay. 16 Pagkabasa ninyo ng sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya sa Laodicea. Basahin din ninyo ang sulat kong manggagaling doon. 17 At(J) pakisabi ninyo kay Arquipo na tapusin ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon.
18 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito. Huwag ninyong kalimutan na ako'y nakabilanggo.
Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng Diyos.
Colosas 4
Ang Biblia, 2001
4 Mga(A) panginoon, pakitunguhan ninyo ang inyong mga alipin nang matuwid at makatarungan, yamang nalalaman ninyo na kayo man ay mayroon ding Panginoon sa langit.
Iba Pang Tagubilin
2 Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.
3 At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,
4 upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.
5 Lumakad(B) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.
6 Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.
Mga Pagbati at Basbas
7 Ang(C) lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.
8 Siya(D) ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;
9 kasama(E) niya si Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyayari dito.
10 Binabati(F) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe—tungkol sa kanya'y tumanggap kayo ng mga utos—kung magpupunta siya sa inyo, siya ay inyong tanggapin,
11 at si Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang sa aking mga kamanggagawa sa kaharian ng Diyos ang kabilang sa pagtutuli at sila'y naging kaaliwan ko.
12 Binabati(G) kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos.
13 Sapagkat nagpapatotoo ako para sa kanya na siya'y labis na nagpagal para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa mga nasa Hierapolis.
14 Binabati(H) kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, at si Nimfa, at ang iglesyang nasa kanyang bahay.
16 At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At(I) sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”
18 Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[a]
Footnotes
- Colosas 4:18 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .
Colosas 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Kayong mga (A) panginoon, ipagkaloob ninyo sa inyong mga alipin kung ano ang makatarungan at nararapat, sapagkat alam ninyo na kayo ay mayroon ding Panginoon sa langit.
Iba Pang Tagubilin
2 Magpatuloy kayo at laging maging handa sa pananalangin, na may pagpapasalamat. 3 Kasabay nito'y ipanalangin din ninyo kami upang magbukas ng pintuan para sa amin ang Diyos, upang aming maipangaral ang salita ni Cristo, na dahil dito'y nabilanggo ako. 4 Ipanalangin ninyo na sa pagsasalita ko ay maipahayag ko ito nang malinaw. 5 Makitungo (B) kayo nang may katalinuhan sa mga tagalabas, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Maging maingat kayo palagi sa inyong pananalita na para bang may timplang asin, upang inyong malaman ang nararapat na pagsagot sa bawat tao.
Mga Pagbati at Basbas
7 Si Tiquico (C) ang magbabalita sa inyo ng lahat ng tungkol sa akin. Siya'y isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod, at kapwa manggagawa sa Panginoon. 8 Isinugo ko (D) siya diyan sa inyo dahil dito upang malaman ninyo ang aming kalagayan at upang pasiglahin niya ang inyong mga puso. 9 Kasama (E) niyang darating si Onesimo, isang tapat at minamahal na kapatid, na kasamahan din ninyo. Ibabalita nila sa inyo ang buong pangyayari dito. 10 Binabati (F) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol sa kanya'y nakatanggap kayo ng mga tagubilin—siya'y inyong tanggapin kung magpupunta siya sa inyo. 11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang ang Judiong kasama[a] ko sa gawain sa kaharian ng Diyos at pinalalakas nila ang aking loob. 12 Binabati (G) kayo ni Epafras, na kasamahan ninyo, at alipin ni Cristo Jesus. Palagi siyang nagsisikap na kayo'y ipanalangin upang kayo'y makatayo bilang nasa hustong gulang at lubos na panatag sa buong kalooban ng Diyos. 13 Ako mismo'y makapagpapatunay na matindi ang pagmamalasakit niya para sa inyo, gayundin sa mga nasa Laodicea, at sa Hierapolis. 14 Binabati (H) kayo ng minamahal nating manggagamot na si Lucas, at gayundin ni Demas. 15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, pati si Nimfa, at ang iglesyang nagtitipon sa bahay niya. 16 Pagkabasa ninyo sa sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin din naman ninyo ang sulat ko galing sa Laodicea. 17 At (I) sabihin ninyo kay Arquipo, “Pagsikapan mong gampanan ang katungkulan na iyong tinanggap mula sa Panginoon.”
18 Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito gamit ang sarili kong kamay. Alalahanin ninyong ako'y nakatanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[b]
Footnotes
- Colosas 4:11 kabilang sa pagtutuli.
- Colosas 4:18 Sa ibang mga manuskrito mayroong Amen.
Colossians 4
New International Version
4 Masters, provide your slaves with what is right and fair,(A) because you know that you also have a Master in heaven.
Further Instructions
2 Devote yourselves to prayer,(B) being watchful and thankful. 3 And pray for us, too, that God may open a door(C) for our message, so that we may proclaim the mystery(D) of Christ, for which I am in chains.(E) 4 Pray that I may proclaim it clearly, as I should. 5 Be wise(F) in the way you act toward outsiders;(G) make the most of every opportunity.(H) 6 Let your conversation be always full of grace,(I) seasoned with salt,(J) so that you may know how to answer everyone.(K)
Final Greetings
7 Tychicus(L) will tell you all the news about me. He is a dear brother, a faithful minister and fellow servant[a](M) in the Lord. 8 I am sending him to you for the express purpose that you may know about our[b] circumstances and that he may encourage your hearts.(N) 9 He is coming with Onesimus,(O) our faithful and dear brother, who is one of you.(P) They will tell you everything that is happening here.
10 My fellow prisoner Aristarchus(Q) sends you his greetings, as does Mark,(R) the cousin of Barnabas.(S) (You have received instructions about him; if he comes to you, welcome him.) 11 Jesus, who is called Justus, also sends greetings. These are the only Jews[c] among my co-workers(T) for the kingdom of God, and they have proved a comfort to me. 12 Epaphras,(U) who is one of you(V) and a servant of Christ Jesus, sends greetings. He is always wrestling in prayer for you,(W) that you may stand firm in all the will of God, mature(X) and fully assured. 13 I vouch for him that he is working hard for you and for those at Laodicea(Y) and Hierapolis. 14 Our dear friend Luke,(Z) the doctor, and Demas(AA) send greetings. 15 Give my greetings to the brothers and sisters at Laodicea,(AB) and to Nympha and the church in her house.(AC)
16 After this letter has been read to you, see that it is also read(AD) in the church of the Laodiceans and that you in turn read the letter from Laodicea.
17 Tell Archippus:(AE) “See to it that you complete the ministry you have received in the Lord.”(AF)
18 I, Paul, write this greeting in my own hand.(AG) Remember(AH) my chains.(AI) Grace be with you.(AJ)
Footnotes
- Colossians 4:7 Or slave; also in verse 12
- Colossians 4:8 Some manuscripts that he may know about your
- Colossians 4:11 Greek only ones of the circumcision group
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

