Add parallel Print Page Options

Mga(A) panginoon, pakitunguhan ninyo ang inyong mga alipin nang matuwid at makatarungan, yamang nalalaman ninyo na kayo man ay mayroon ding Panginoon sa langit.

Iba Pang Tagubilin

Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.

At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,

upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.

Lumakad(B) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.

Mga Pagbati at Basbas

Ang(C) lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.

Siya(D) ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;

kasama(E) niya si Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyayari dito.

10 Binabati(F) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe—tungkol sa kanya'y tumanggap kayo ng mga utos—kung magpupunta siya sa inyo, siya ay inyong tanggapin,

11 at si Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang sa aking mga kamanggagawa sa kaharian ng Diyos ang kabilang sa pagtutuli at sila'y naging kaaliwan ko.

12 Binabati(G) kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos.

13 Sapagkat nagpapatotoo ako para sa kanya na siya'y labis na nagpagal para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa mga nasa Hierapolis.

14 Binabati(H) kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.

15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, at si Nimfa, at ang iglesyang nasa kanyang bahay.

16 At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.

17 At(I) sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”

18 Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[a]

Footnotes

  1. Colosas 4:18 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .

Mga panginoon, gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.

Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat;

Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito'y may mga tanikala ako;

Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.

Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:

Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso;

Na kasama ni Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini.

10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),

11 At si Jesus na tinatawag na Justo, na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.

12 Binabati kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.

13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.

14 Binabati kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.

15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at ang iglesiang nasa kanilang bahay.

16 At pagkabasa ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.

17 At sabihin ninyo kay Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon.

18 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Ang biyaya'y sumasainyo nawa.

Lời Khuyên Các Chủ Nhân

Hỡi các chủ nhân, xin anh chị em hãy đối xử công bằng và hợp lý với các công nhân của mình, vì biết rằng anh chị em cũng đang có một Chủ trên trời.

Lời Khuyên Nhủ Chung

Xin anh chị em hãy dốc lòng cầu nguyện, hãy thức canh cầu nguyện với lòng biết ơn. Xin cũng cầu nguyện cho chúng tôi, để Ðức Chúa Trời mở cho chúng tôi một cánh cửa giảng đạo, hầu chúng tôi có thể nói ra lẽ huyền nhiệm của Ðấng Christ, vì huyền nhiệm đó mà tôi đang bị giam cầm. Xin cầu nguyện để tôi có thể trình bày huyền nhiệm đó rõ ràng như tôi đáng phải nói.

Xin anh chị em hãy ăn ở khôn ngoan với người ngoài. Hãy tận dụng thì giờ. Lời nói của anh chị em phải luôn có ân hậu và mặn mà, để anh chị em biết phải đối đáp thế nào cho thích hợp với mỗi người.

Giới Thiệu Ty-chi-cơ và Ô-nê-sim

Ty-chi-cơ, người anh em yêu dấu, một người phục vụ trung thành, và một bạn đồng lao trong Chúa, sẽ nói cho anh chị em biết mọi sự về tôi. Tôi nhờ anh ấy đến với anh chị em với mục đích ấy, để anh chị em có thể biết hoàn cảnh của chúng tôi hiện nay ra sao, và cũng để anh ấy có thể khích lệ lòng anh chị em. Cùng đi với anh ấy có Ô-nê-sim, một anh em trung thành và yêu dấu, một người đồng hương của anh chị em. Hai anh em ấy sẽ nói cho anh chị em biết mọi sự ở đây.

Lời Chào Cuối Thư

10 A-ri-tạc bạn đồng tù với tôi và Mác anh em họ của Ba-na-ba gởi lời chào thăm anh chị em; về Mác, anh chị em đã nhận được lời dặn dò rồi: nếu anh ấy đến với anh chị em, hãy ân cần tiếp đón anh ấy. 11 Giê-su, cũng có tên là Giúc-tu, gởi lời chào thăm anh chị em. Trong vòng những người được cắt-bì chỉ có các anh em nầy là bạn đồng lao với tôi cho vương quốc Ðức Chúa Trời, và họ quả là niềm an ủi cho tôi.

12 Ê-pháp-ra, người đồng hương của anh chị em, một đầy tớ của Ðức Chúa Jesus Christ, gởi lời chào thăm anh chị em. Anh ấy luôn chiến đấu cho anh chị em trong khi cầu nguyện để anh chị em được đứng vững, trưởng thành, và hoàn toàn vâng theo mọi ý muốn của Ðức Chúa Trời. 13 Tôi xin làm chứng cho anh ấy rằng anh ấy đã làm việc khó nhọc vì anh chị em và vì các anh chị em ở Lao-đi-xê và Hi-ê-ra-pô-li.

14 Lu-ca người y sĩ yêu dấu và Ðê-ma gởi lời chào thăm anh chị em.

15 Xin cho tôi kính lời chào thăm các anh chị em ở Lao-đi-xê và bà Nim-pha, cùng hội thánh nhóm họp trong nhà bà ấy.

16 Sau khi anh chị em nghe đọc bức thư nầy, xin hãy đọc nó cho anh chị em ở Hội Thánh Lao-đi-xê nghe nữa, và anh chị em cũng hãy đọc thư tôi đã gởi cho Hội Thánh Lao-đi-xê. 17 Xin anh chị em nhắn giùm với Ạc-khíp-pu rằng, “Xin hãy chú tâm vào chức vụ anh đã lãnh nhận nơi Chúa, mà chu toàn nó.”

18 Tôi, Phao-lô, viết lời chào thăm nầy bằng chính tay tôi. Xin anh chị em nhớ rằng tôi vẫn còn mang xiềng xích. Nguyện xin ân sủng ở cùng anh chị em. A-men.

Kayong mga (A) panginoon, ipagkaloob ninyo sa inyong mga alipin kung ano ang makatarungan at nararapat, sapagkat alam ninyo na kayo ay mayroon ding Panginoon sa langit.

Iba Pang Tagubilin

Magpatuloy kayo at laging maging handa sa pananalangin, na may pagpapasalamat. Kasabay nito'y ipanalangin din ninyo kami upang magbukas ng pintuan para sa amin ang Diyos, upang aming maipangaral ang salita ni Cristo, na dahil dito'y nabilanggo ako. Ipanalangin ninyo na sa pagsasalita ko ay maipahayag ko ito nang malinaw. Makitungo (B) kayo nang may katalinuhan sa mga tagalabas, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. Maging maingat kayo palagi sa inyong pananalita na para bang may timplang asin, upang inyong malaman ang nararapat na pagsagot sa bawat tao.

Mga Pagbati at Basbas

Si Tiquico (C) ang magbabalita sa inyo ng lahat ng tungkol sa akin. Siya'y isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod, at kapwa manggagawa sa Panginoon. Isinugo ko (D) siya diyan sa inyo dahil dito upang malaman ninyo ang aming kalagayan at upang pasiglahin niya ang inyong mga puso. Kasama (E) niyang darating si Onesimo, isang tapat at minamahal na kapatid, na kasamahan din ninyo. Ibabalita nila sa inyo ang buong pangyayari dito. 10 Binabati (F) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol sa kanya'y nakatanggap kayo ng mga tagubilin—siya'y inyong tanggapin kung magpupunta siya sa inyo. 11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang ang Judiong kasama[a] ko sa gawain sa kaharian ng Diyos at pinalalakas nila ang aking loob. 12 Binabati (G) kayo ni Epafras, na kasamahan ninyo, at alipin ni Cristo Jesus. Palagi siyang nagsisikap na kayo'y ipanalangin upang kayo'y makatayo bilang nasa hustong gulang at lubos na panatag sa buong kalooban ng Diyos. 13 Ako mismo'y makapagpapatunay na matindi ang pagmamalasakit niya para sa inyo, gayundin sa mga nasa Laodicea, at sa Hierapolis. 14 Binabati (H) kayo ng minamahal nating manggagamot na si Lucas, at gayundin ni Demas. 15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, pati si Nimfa, at ang iglesyang nagtitipon sa bahay niya. 16 Pagkabasa ninyo sa sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin din naman ninyo ang sulat ko galing sa Laodicea. 17 At (I) sabihin ninyo kay Arquipo, “Pagsikapan mong gampanan ang katungkulan na iyong tinanggap mula sa Panginoon.”

18 Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito gamit ang sarili kong kamay. Alalahanin ninyong ako'y nakatanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[b]

Footnotes

  1. Colosas 4:11 kabilang sa pagtutuli.
  2. Colosas 4:18 Sa ibang mga manuskrito mayroong Amen.