Add parallel Print Page Options

Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Dios ng pagkakataon na maihayag ang mensahe tungkol kay Cristo na inilihim noon. Ang pangangaral ko tungkol dito ang dahilan ng pagkabilanggo ko. Ipanalangin nʼyo na maipangaral ko ito nang mabuti, gaya nang nararapat.

Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin nʼyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo.

Read full chapter

Kasabay nito'y ipanalangin din ninyo kami upang magbukas ng pintuan para sa amin ang Diyos, upang aming maipangaral ang salita ni Cristo, na dahil dito'y nabilanggo ako. Ipanalangin ninyo na sa pagsasalita ko ay maipahayag ko ito nang malinaw. Makitungo (A) kayo nang may katalinuhan sa mga tagalabas, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon.

Read full chapter