Colosas 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Nais ko ngang malaman ninyo kung gaano katinding laban ang pinagdaraanan ko para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin nang mukhaan. 2 Ito'y upang lumakas ang kanilang loob, at mabuklod sila sa pag-ibig, nang sa gayon ay makamtan nila ang lahat ng mga kayamanan na nagmumula sa buong katiyakan ng pagkaunawa, upang kanilang makilala ang hiwaga ng Diyos, samakatuwid ay si Cristo. 3 Sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman. 4 Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ng sinuman sa pamamagitan ng mga nakabibighaning pangangatuwiran. 5 Bagama't sa katawan ay wala ako riyan, sa espiritu naman ay kasama ninyo ako, at nagagalak na pagmasdang kayo'y namumuhay nang maayos, at matatag sa inyong pananampalataya kay Cristo.
Mamuhay ayon kay Cristo
6 Kaya't yamang tinanggap ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, patuloy kayong mamuhay ayon sa kanya, 7 na nakaugat at nakatayo dahil sa kanya, matatag sa pananampalataya, kung paanong kayo'y tinuruan, at nag-uumapaw sa pasasalamat. 8 Mag-ingat kayo upang huwag kayong maging bihag ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, batay sa tradisyon ng mga tao, batay sa mga mapamahiing aral ng sanlibutan, at hindi batay kay Cristo. 9 Sapagkat sa kanya ay naninirahan ang kabuuan ng kalikasan ng pagka-Diyos sa anyong katawan. 10 At kayo'y ginawang buung-buo dahil sa pakikipag-isa ninyo na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at pamamahala. 11 Sa kanya ay nakaranas kayo ng pagtutuling hindi ginamitan ng mga kamay, sa pamamagitan ng pagwawaksi sa makasalanang hilig ng laman, sa pagtutuling ayon kay Cristo. 12 Yamang (A) inilibing kayong kasama niya sa bautismo, kayo'y muling binuhay na kasama niya sa bisa ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na muling bumuhay sa kanya mula sa kamatayan. 13 At noong (B) kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at kayo'y nasa di-pagtutuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya. Pinatawad niya tayo sa lahat ng ating mga pagsuway, 14 matapos pawiin ang nakasulat na katibayan laban sa atin na naglalaman ng ating pagkakautang. Pinawalang-bisa niya ito, matapos niyang ipako sa krus. 15 At matapos niyang tanggalan ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga pamamahala, sila'y inilantad niya sa madla upang ipakita ang kanyang pagwawagi laban sa kanila sa pamamagitan ng krus.
16 Kaya't (C) huwag ninyong hayaan ang sinuman na kayo'y hatulan sa mga bagay na may kinalaman sa pagkain at inumin, o sa kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabbath. 17 Ang mga ito ay anino lamang ng mga bagay na darating, ngunit ang totoong bagay ay kay Cristo. 18 Huwag ninyong hayaang mawalan kayo ng gantimpala sa pamamagitan ng huwad na pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel. Pinanghahawakan ng gayong tao ang mga bagay na diumano'y kanyang nakita at nagmamalaki nang walang kadahilanan bunga ng kanyang makamundong pag-iisip. 19 Ang taong iyon ay hindi (D) nakaugnay kay Cristo, na siyang Ulo, na mula sa kanya ang buong katawan, na tinutustusan at pinagsasama-sama sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalaking paglagong naaayon sa Diyos.
Babala Laban sa Maling Turo
20 Kung kayo'y namatay kasama ni Cristo mula sa mga pamahiing aral ng sanlibutan, bakit nabubuhay pa kayo na parang saklaw pa rin ng sanlibutan? Bakit nagpapasakop kayo sa mga tuntuning, 21 “Bawal humipo, bawal tumikim, bawal humawak”? 22 Ang mga ito'y may kinalaman sa lahat ng mga bagay na nasisira pagkatapos gamitin. Ang mga ito'y mga utos ayon sa aral na nagmula sa mga tao. 23 Ang mga ito'y mayroong anyo ng karunungan na nakaugnay sa pagsambang itinakda ng sariling kagustuhan, sa pagpapakababa, at sa pagpapahirap sa katawan, ngunit wala namang halaga sa pagsupil sa hilig ng laman.
歌 羅 西 書 2
Chinese New Testament: Easy-to-Read Version
2 我想让你们知道,为了你们、为了老底嘉人和那些我从未见过的人们,我竭尽全力地工作, 2 为的是要使大家受到鼓舞,使大家友爱团结,让大家通过理解充满信仰,能够充分认识上帝的奥秘,也就是基督。 3 所有智慧和知识的宝藏都蕴藏在他之中。
4 我说这些,免得让人用花言巧语欺骗你们。 5 尽管我的肉体不与你们在一起,但是精神上却和你们同在。当我看到你们生活井然有序,对基督的信仰坚定不移时,感到非常高兴。
继续跟随基督耶稣
6 所以,正如你们接受了耶稣为基督和主一样,你们应该继续生活在他之中。 7 扎根于他,让他成为你们的基石。要像教导你们的那样,加强信仰,对上帝洋溢着感激之情。
8 要当心,不要让凡人的哲学和空洞的谎话迷惑了你们。它们来自凡人的传统和世俗的基本原理,而非来自基督。 9 由于上帝完整的神性活在基督凡人的形体里, 10 所以你们在他之中也变得完整了。基督是一切统治者和权威人士的首脑。
11 在他之中,你们受到了不是由人类双手所施的割礼 [a]。通过基督所施的割礼,你们从罪恶的自我中摆脱出来。 12 在接受洗礼 [b]的过程中,你们旧的自我已和他葬在一起了;同时,因为你们对上帝力量的信仰,又得以和他一同复活。上帝在使基督从死里复活时,展示了他的大能。 13 因为你们的罪和你们没有摆脱罪恶自我的力量,你们在精神上死去了,但是,上帝使你们与基督一起复活,他赦免了我们所有的罪孽。 14 他取消了对我们不利和反对我们的记录,把它钉在十字架上毁掉了它。 15 上帝用十字架打败了一切精神统治者和权势,带领这些俘虏走在胜利的行列里,向世人显示出他们的无能。
不要遵循凡人制定的规则
16 所以,没有人有权在你们的吃喝、节日、新月仪式和安息日 [c]等事上指责你们。 17 以前这些事情只是一个要来临的影子,但是投出这影子的实体却是基督。 18 不要让故作谦卑、崇拜天使的人使你们失去得奖的资格。这种人总是谈论自己的所见,他们受非属灵的心灵支配,毫无理由地骄傲。 19 他们没有让自己受到头脑(基督)的支配,而这整个的身体都是依赖着基督的。由于基督,身体的各部分才互相关心、帮助,使整个身体强壮起来,并且使它结合在一起。所以,这个身体是按着上帝的意愿成长着的。
20 既然你们和基督一同死了,并摆脱了这个世上的基本原则,那么你们为什么好像还属于这个世界一样,屈从 21 “别吃这个!”“别尝那个!”“别碰这个!”之类的规矩呢? 22 所有这些事情一经使用就会消失的而你们还在遵守这些人类的条例和教导。 23 的确,从人造的宗教、自我贬低、苦待自己身体方面来说,它们享有智慧的名声。但是,在反对耽于罪恶的自我的斗争中,它们却毫无价值。
Footnotes
- 歌 羅 西 書 2:11 割礼: 割去包皮。犹太男婴那时都要受割礼。那是上帝和亚伯拉罕所立的契约的标记。
- 歌 羅 西 書 2:12 礼或浸礼: 希腊语。短暂地浸泡或没入水里。
- 歌 羅 西 書 2:16 安息日: 每周的第七天,是犹太人的圣日。
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center
