Add parallel Print Page Options

Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran; inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan: maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.

Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)

Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal: didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.

Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala: mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.

Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.

Marami ang mangagsasabi, sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.

Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.

Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.

Panalangin ng Saklolo

Sa Punong Mang-aawit: sa Saliw ng Instrumentong may Kuwerdas. Awit ni David.

Sagutin mo ako kapag tumatawag ako,
O Diyos na tagapagtanggol ko!
    Binigyan mo ako ng silid nang ako'y nasa kagipitan.
    Maawa ka sa akin, at dalangin ko'y iyong pakinggan.

O tao, hanggang kailan magdaranas ng kahihiyan ang aking karangalan?
    Gaano katagal mo iibigin ang mga salitang walang kabuluhan, at hahanapin ang kabulaanan? (Selah)

Ngunit alamin ninyo na ibinukod ng Panginoon para sa kanyang sarili ang banal;
    ang Panginoon ay nakikinig kapag sa kanya ako'y nagdarasal.

Magalit(A) ka, subalit huwag kang magkakasala;
    magbulay-bulay ka ng iyong puso sa iyong higaan, at tumahimik ka. (Selah)
Maghandog kayo ng matuwid na mga alay,
    at ang inyong pagtitiwala sa Panginoon ilagay.
Marami ang nagsasabi, “Sana'y makakita kami ng ilang kabutihan!
    O Panginoon, ang liwanag ng iyong mukha sa amin ay isilay!”
Ikaw ay naglagay ng kagalakan sa aking puso,
    kaysa nang ang kanilang butil at alak ay sagana.

Payapa akong hihiga at gayundin ay matutulog;
    sapagkat ikaw lamang, O Panginoon, ang gumagawa upang mamuhay ako sa katiwasayan.

'Awit 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Panalangin sa Gabi

O Dios na aking Tagapagtanggol, sagutin nʼyo po ako kapag akoʼy tumatawag sa inyo.
    Hindi ba noon tinulungan nʼyo ako nang akoʼy nasa kagipitan?
    Kaya ngayon, maawa kayo sa akin at pakinggan ang dalangin ko.

Kayong mga kumakalaban sa akin,
    kailan kayo titigil sa inyong paninirang puri sa akin?
    Hanggang kailan ninyo iibigin ang mga bagay na walang kabuluhan at magpapatuloy sa kasinungalingan?[a]
Dapat ninyong malaman na ibinukod ng Panginoon ang mga banal para sa kanyang sarili.
    Kaya kung tatawag ako sa Panginoon, pakikinggan niya ako.
Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala.
    Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay.
Magtiwala kayo sa Panginoon at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog.

Marami ang nagsasabi,
    “Sino ang magpapala sa amin?”
    Panginoon, kaawaan nʼyo po kami!
Pinaliligaya nʼyo ako,
    higit pa kaysa sa mga taong sagana sa pagkain at inumin.
Kaya nakakatulog ako ng mapayapa,
    dahil binabantayan nʼyo ako, O Panginoon.

Footnotes

  1. 4:2 iibigin … kasinungalingan: Maaaring ang ibig sabihin ay pagsamba sa dios-diosan.