Awit 106
Ang Dating Biblia (1905)
106 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
4 Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
5 Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
6 Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
7 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
8 Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
9 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
15 At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.
17 Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,
19 Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain.
28 Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:
37 Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.
Salmo 106
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Kabutihan ng Dios sa Kanyang mga Mamamayan
106 Purihin nʼyo ang Panginoon!
Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti;
ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
2 Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng Panginoon.
3 Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.
4 Panginoon, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan;
iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,
5 upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang,
at makadama rin ng kanilang kagalakan,
at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
6 Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno;
masama ang aming ginawa.
7 Nang silaʼy nasa Egipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo.
Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila,
at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.
8 Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila,
upang kayo ay maparangalan
at maipakita ang inyong kapangyarihan.
9 Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula na matuyo, at itoʼy natuyo;
pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayan na makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.
10 Iniligtas niya sila sa kanilang mga kaaway.
11 Tinabunan niya ng tubig ang kanilang mga kaaway,
at walang sinumang nakaligtas sa kanila.
12 Kaya naniwala sila sa kanyang mga pangako,
at umawit sila ng mga papuri sa kanya.
13 Ngunit muli nilang kinalimutan ang kanyang mga ginawa,
at hindi na nila hinintay ang kanyang mga payo.
14 Doon sa ilang, sinubok nila ang Dios dahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.
15 Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling,
ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.
16 Sa kanilang kampo, nainggit sila kay Moises at kay Aaron na itinalagang maglingkod sa Panginoon.
17 Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.
18 At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.
19 Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong baka
at sinamba nila ang dios-diosang ito.
Itoʼy ginawa nilang dios at kanilang sinamba.
20 Ang kanilang dakilang Dios ay pinalitan nila ng imahen ng toro na kumakain ng damo.
21-22 Kinalimutan nila ang Dios na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala roon sa Egipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.
23 Nilipol na sana ng Dios ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod.
Pinakiusapan ni Moises ang Panginoon na pigilan niya ang kanyang galit upang hindi sila malipol.
24 Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Dios sa kanila.
25 Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.
26 Kaya sumumpa ang Panginoon na papatayin niya sila doon sa ilang,
27 at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.
28 Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor,
at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.
29 Ginalit nila ang Panginoon dahil sa kanilang masasamang gawa,
kaya dumating sa kanila ang salot.
30 Ngunit namagitan si Finehas,
kaya tumigil ang salot.
31 Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid,
at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.
32 Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon,
kaya sumama ang loob ni Moises sa kanilang ginawa.
33 Dahil nasaktan ang damdamin ni Moises, nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.
34 Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.
35 Sa halip, nakisama pa sila sa kanila at sumunod sa kanilang mga kaugalian.
36 Sinamba rin nila ang kanilang mga dios-diosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.
37 Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo
38 na mga dios-diosan ng Canaan.
Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan
39 pati ang kanilang mga sarili.
Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Dios katulad ng babaeng nakikiapid.
40 Kaya nagalit ang Panginoon sa kanyang mga mamamayan,
at silaʼy kanyang kinasuklaman.
41 Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway,
at sinakop sila ng mga bansang iyon.
42 Inapi sila at inalipin ng kanilang mga kaaway.
43 Maraming beses silang iniligtas ng Dios,
ngunit sinasadya nilang maghimagsik sa kanya,
kaya ibinagsak sila dahil sa kanilang kasalanan.
44 Ngunit kapag silaʼy tumatawag sa Dios, tinutulungan pa rin niya sila sa kanilang mga kahirapan.
45 Inaalaala ng Dios ang kanyang kasunduan sa kanila,
at dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa kanila,
napawi ang kanyang galit.
46 Niloob niya na silaʼy kaawaan ng mga bumihag sa kanila.
47 Panginoon naming Dios iligtas nʼyo kami,
at muling tipunin sa aming lupain mula sa mga bansa,
upang makapagpasalamat kami at makapagbigay-puri sa inyong kabanalan.
48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.
At ang lahat ay magsabing,
“Amen!”
Purihin ang Panginoon!
Psalm 106
Authorized (King James) Version
Psalm 106
1 Praise ye the Lord.
O give thanks unto the Lord;
for he is good: for his mercy endureth for ever.
2 Who can utter the mighty acts of the Lord?
who can shew forth all his praise?
3 Blessed are they that keep judgment,
and he that doeth righteousness at all times.
4 Remember me, O Lord, with the favour that thou bearest unto thy people:
O visit me with thy salvation;
5 that I may see the good of thy chosen,
that I may rejoice in the gladness of thy nation,
that I may glory with thine inheritance.
6 We have sinned with our fathers,
we have committed iniquity, we have done wickedly.
7 Our fathers understood not thy wonders in Egypt;
they remembered not the multitude of thy mercies;
but provoked him at the sea, even at the Red sea.
8 Nevertheless he saved them for his name’s sake,
that he might make his mighty power to be known.
9 He rebuked the Red sea also, and it was dried up:
so he led them through the depths, as through the wilderness.
10 And he saved them from the hand of him that hated them,
and redeemed them from the hand of the enemy.
11 And the waters covered their enemies:
there was not one of them left.
12 Then believed they his words;
they sang his praise.
13 They soon forgat his works;
they waited not for his counsel:
14 but lusted exceedingly in the wilderness,
and tempted God in the desert.
15 And he gave them their request;
but sent leanness into their soul.
16 They envied Moses also in the camp,
and Aaron the saint of the Lord.
17 The earth opened and swallowed up Dathan,
and covered the company of Abiram.
18 And a fire was kindled in their company;
the flame burned up the wicked.
19 They made a calf in Horeb,
and worshipped the molten image.
20 Thus they changed their glory
into the similitude of an ox that eateth grass.
21 They forgat God their saviour,
which had done great things in Egypt;
22 wondrous works in the land of Ham,
and terrible things by the Red sea.
23 Therefore he said that he would destroy them,
had not Moses his chosen stood before him in the breach,
to turn away his wrath, lest he should destroy them.
24 Yea, they despised the pleasant land,
they believed not his word:
25 but murmured in their tents,
and hearkened not unto the voice of the Lord.
26 Therefore he lifted up his hand against them,
to overthrow them in the wilderness:
27 to overthrow their seed also among the nations,
and to scatter them in the lands.
28 They joined themselves also unto Baal-peor,
and ate the sacrifices of the dead.
29 Thus they provoked him to anger with their inventions:
and the plague brake in upon them.
30 Then stood up Phinehas, and executed judgment:
and so the plague was stayed.
31 And that was counted unto him for righteousness
unto all generations for evermore.
32 They angered him also at the waters of strife,
so that it went ill with Moses for their sakes:
33 because they provoked his spirit,
so that he spake unadvisedly with his lips.
34 They did not destroy the nations,
concerning whom the Lord commanded them:
35 but were mingled among the heathen,
and learned their works.
36 And they served their idols:
which were a snare unto them.
37 Yea, they sacrificed their sons and their daughters unto devils,
38 and shed innocent blood, even the blood of their sons and of their daughters,
whom they sacrificed unto the idols of Canaan:
and the land was polluted with blood.
39 Thus were they defiled with their own works,
and went a whoring with their own inventions.
40 Therefore was the wrath of the Lord kindled against his people,
insomuch that he abhorred his own inheritance.
41 And he gave them into the hand of the heathen;
and they that hated them ruled over them.
42 Their enemies also oppressed them,
and they were brought into subjection under their hand.
43 Many times did he deliver them;
but they provoked him with their counsel,
and were brought low for their iniquity.
44 Nevertheless he regarded their affliction,
when he heard their cry:
45 and he remembered for them his covenant,
and repented according to the multitude of his mercies.
46 He made them also to be pitied of all those that carried them captives.
47 Save us, O Lord our God,
and gather us from among the heathen,
to give thanks unto thy holy name,
and to triumph in thy praise.
48 Blessed be the Lord God of Israel from everlasting to everlasting:
and let all the people say, Amen.
Praise ye the Lord.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
KJV reproduced by permission of Cambridge University Press, the Crown’s patentee in the UK.