Add parallel Print Page Options

Ang Aklat at ang Kordero

At(A) nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat[a] na may sulat sa loob at sa likod, na tinatakan ng pitong tatak.

At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpapahayag sa malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?”

At walang sinuman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ang makapagbukas ng aklat o makatingin man sa loob nito.

Ako'y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas ng aklat, o tumingin sa loob nito.

At(B) sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”

Pagkatapos(C) ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig.

Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.

Pagkakuha(D) niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.

At(E) sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,

“Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat
    at magbukas ng mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos
    ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.
10 At(F) sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos;
    at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”

11 Nakita(G) ko at narinig ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng trono at ng mga nilalang na buháy at ng matatanda; at ang bilang nila ay milyun-milyon at libu-libo,

12 na nagsasabi ng may malakas na tinig,

“Ang Kordero na pinaslang ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan.”

13 At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito ay narinig kong nagsasabi,

“Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero
ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan, magpakailanpaman.

14 At ang apat na nilalang na buháy ay nagsabi, “Amen!” At ang matatanda ay nagpatirapa at sumamba.

Footnotes

  1. Apocalipsis 5:1 o balumbon .

At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.

At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?

At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.

At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:

At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.

At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.

At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.

At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.

10 At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.

11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;

12 Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.

13 At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.

14 At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.

Ang Aklat at ang Kordero

At nakita (A) ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang balumbon na may sulat sa harap at likod at sarado ng pitong tatak. Nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na pasigaw na nagpapahayag, “Sino ang karapat-dapat na magbukas ng balumbon at magtanggal ng mga tatak nito?” Ngunit walang sinuman sa langit, sa lupa o sa ilalim man ng lupa ang makapagbukas ng balumbon o kaya'y makatingin sa loob nito. Umiyak ako nang umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas ng balumbon o tumingin sa loob nito. (B) Isa sa matatanda ay nagsabi sa akin, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon ng lipi ni Juda, na ugat ni David, ay nagtagumpay at kaya niyang buksan ang balumbon at tanggalin ang pitong tatak nito.”

At (C) nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na buháy na nilalang at ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad ng isang pinatay na may pitong sungay at pitong mata. Ang mga ito'y ang pitong[a] espiritu ng Diyos na isinugo sa buong daigdig. Lumapit ang Kordero at kinuha ang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono. At nang (D) makuha niya ang balumbon, nagpatirapa sa harap ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na matatanda. Ang bawat isa ay may hawak na alpa at mga gintong mangkok na puno ng insenso, na ang mga ito'y mga panalangin ng mga banal. At umaawit (E) sila ng isang bagong awit:

“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa balumbon
    at magbukas sa mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinaslang at sa pamamagitan ng iyong dugo, tinubos mo para sa Diyos
    ang tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa;
10 at ginawa (F) mo silang isang kaharian at mga paring naglilingkod sa aming Diyos,
    at sila'y maghahari sa daigdig.”

11 (G) Ako'y muling tumingin at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel na nakapaligid sa trono, at ng mga buháy na nilalang, at ng mga matatanda; milyun-milyon at libu-libo ang bilang nila, 12 na malakas na umaawit,

“Ang pinaslang na kordero ay karapat-dapat
na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan,
karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan!”

13 At narinig ko ang bawat nilalang sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat, at maging ang lahat ng bagay na nasa mga ito, na nagsasabi,

“Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero
ay kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan
magpakailanpaman!”

14 Sinabi ng apat na buháy na nilalang, “Amen!” At nagpatirapa ang matatanda at sila'y sumamba.

Footnotes

  1. Pahayag 5:6 Sa ibang manuskrito wala ang salitang ito.

Bokrullen med de sju sigillen

(A) Och jag såg i högra handen på honom som satt på tronen en bokrulle med skrift på både insidan och utsidan, förseglad med sju sigill[a]. (B) Och jag såg en väldig ängel som ropade med stark röst: "Vem är värdig att öppna bokrullen och bryta dess sigill?" Men ingen i himlen eller på jorden eller under jorden kunde öppna bokrullen eller se in i den. Och jag grät bittert över att det inte fanns någon som var värdig att öppna bokrullen eller se in i den.

(C) Men en av de äldste sade till mig: "Gråt inte! Se, Lejonet av Juda stam, Davids rotskott, har segrat. Han kan öppna bokrullen och dess sju sigill."

Lammet inför tronen

(D) Och jag såg: i mitten mellan tronen och de fyra varelserna och de äldste stod ett Lamm[b], som såg ut att ha blivit slaktat. Det hade sju horn[c] och sju ögon, som är Guds sju andar utsända över hela jorden. (E) Och Lammet gick fram och tog bokrullen ur högra handen på honom som satt på tronen.

(F) Och när det tog bokrullen, föll de fyra varelserna och de tjugofyra äldste ner inför Lammet. Var och en hade en harpa och skålar av guld fulla med rökelse, som är de heligas böner.

Den nya sången till Lammet

(G) Och de sjöng en ny sång:

"Du är värdig att ta bokrullen
        och bryta dess sigill,
    för du har blivit slaktad,
        och med ditt blod
    har du friköpt människor åt Gud
        av alla stammar och språk
            och länder och folk.
10 (H) Du har gjort dem
    till ett kungarike
        och till präster åt vår Gud,
    och de ska regera på jorden."

11 (I) Och jag såg, och jag hörde rösten av många änglar runt tronen och varelserna och de äldste. Deras antal var tiotusen gånger tiotusen och tusen gånger tusen, 12 (J) och de sade med stark röst:

"Lammet som blev slaktat
        är värdigt att ta emot
    makten, rikedomen, visheten,
        kraften, äran, härligheten
            och lovsången!"

13 (K) Och allt skapat i himlen och på jorden och under jorden och på havet och allt som finns i dem hörde jag säga:

"Honom som sitter på tronen,
        honom och Lammet
    tillhör lovsången och äran
        och härligheten och makten
            i evigheters evighet!"

14 (L) Och de fyra varelserna sade: "Amen." Och de äldste föll ner och tillbad.

Footnotes

  1. 5:1 sigill   Ett förseglat brev fick endast öppnas och läsas av den rätte mottagaren.
  2. 5:5f Lejonet … ett Lamm   "Lejonet" påminner om de bibelställen i GT som talar om Messias som den segrande kungen (t ex 1 Mos 49:9f), medan "Lammet" (offerlammet) påminner om de ställen som framställer honom som Herrens lidande tjänare (Jes 53:7). Se även not till Joh 1:29.
  3. 5:6 horn   Symbol för höghet och styrka.