Pahayag 14
Ang Dating Biblia (1905)
14 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.
2 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:
3 At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.
4 Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.
5 At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis.
6 At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan;
7 At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.
8 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
9 At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay,
10 Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:
11 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.
12 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.
13 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.
14 At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.
15 At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na.
16 At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay nagapasan.
17 At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas.
18 At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa; sapagka't ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na.
19 At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.
20 At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo at anim na raang estadio.
Pahayag 14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Awit ng 144,000
14 Pagkatapos ay tumingin (A) ako, at naroon ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion! Kasama niya ang isandaan apatnapu't apat na libo na ang pangalan niya at ng kanyang Ama ay nakasulat sa kanilang mga noo. 2 Isang tinig ang narinig ko mula sa langit na parang ingay ng maraming tubig at parang dagundong ng malakas na kulog. Ang tinig na narinig ko ay parang tugtugan ng mga manunugtog ng mga alpa. 3 Umaawit sila ng isang bagong awitin sa harapan ng apat na buháy na nilalang at ng mga matatanda. Hindi kayang matutuhan ng sinuman ang awiting iyon maliban sa isandaan at apatnapu't apat na libong tinubos mula sa lupa. 4 Sila ay ang hindi dumungis ng kanilang sarili sa mga babae, sapagkat hindi sila nakipagtalik. Sumusunod sila sa Kordero saan man siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang alay sa Diyos at sa Kordero. 5 Walang (B) lumabas na kasinungalingan sa kanilang bibig; walang anumang maipaparatang laban sa kanila.
Ang Mensahe ng Tatlong Anghel
6 Pagkatapos, nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala niya ang walang hanggang ebanghelyo upang ipahayag sa mga naninirahan sa lupa, sa bawat bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Malakas na sinabi niya, “ Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya, sapagkat ang oras ng kanyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin ninyo siya—siyang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig.”
8 At (C) ang pangalawang anghel ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.”
9 At pagkatapos, sumunod sa kanila ang ikatlong anghel na nagsasabi nang malakas, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, 10 ay (D) iinom din sa alak ng poot ng Diyos, na ibubuhos na walang halo sa kopa ng kanyang galit. Ang taong iyon ay pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. 11 Ang (E) usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman. Wala silang kapahingahan araw at gabi, silang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at sinumang tumatanggap ng tanda ng pangalan nito.”
12 Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ng Diyos at patuloy na sumasampalataya kay Jesus.
13 At pagkatapos isang tinig ang narinig ko mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mula ngayon, pinagpala ang mga namatay dahil sa Panginoon.” “Totoo,” sabi ng Espiritu, “magpapahinga sila mula sa kanilang mga pagpapagal, sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa.”
Ang Pag-aani sa Lupa
14 Pagkatapos, (F) tumingin ako, naroon ang isang puting ulap, nakaupo sa ibabaw nito ang isang tulad ng anak ng tao na may koronang ginto sa kanyang ulo, at may hawak na isang matalas na karit! 15 Isa (G) pang anghel ang lumabas mula sa templo, sumisigaw nang malakas sa kanyang nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang iyong karit at gumapas ka, sapagkat ang oras ng paggapas ay dumating na at ang aanihin sa lupa ay handa nang anihin.” 16 Kaya iwinasiwas sa lupa ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapasan ang lupa.
17 Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo sa langit, may dala ring matalas na karit. 18 Pagkatapos ay isa pang anghel ang lumabas mula sa dambana, ang anghel na may kapangyarihan sa apoy. Nagsalita siya nang malakas sa anghel na may matalas na karit, “Gamitin mo ang iyong karit at anihin ang mga kumpol ng ubas sa lupa, sapagkat hinog na ang mga ito.” 19 Kaya iwinasiwas ng anghel ang kanyang karit sa lupa, tinipon ang mga aning ubas at inihagis ang mga ito sa malaking pisaan ng ubas na siyang poot ng Diyos. 20 At (H) pinisa ang mga ubas sa pisaan na nasa labas ng lungsod, at mula sa pisaan ay bumaha ang dugong umabot ang taas hanggang sa renda ng mga kabayo, at ang lawak ay halos tatlong daang kilometro.[a]
Footnotes
- Pahayag 14:20 Sa Griyego, 1,600 estadia.
Revelation 14
King James Version
14 And I looked, and, lo, a Lamb stood on the mount Sion, and with him an hundred forty and four thousand, having his Father's name written in their foreheads.
2 And I heard a voice from heaven, as the voice of many waters, and as the voice of a great thunder: and I heard the voice of harpers harping with their harps:
3 And they sung as it were a new song before the throne, and before the four beasts, and the elders: and no man could learn that song but the hundred and forty and four thousand, which were redeemed from the earth.
4 These are they which were not defiled with women; for they are virgins. These are they which follow the Lamb whithersoever he goeth. These were redeemed from among men, being the firstfruits unto God and to the Lamb.
5 And in their mouth was found no guile: for they are without fault before the throne of God.
6 And I saw another angel fly in the midst of heaven, having the everlasting gospel to preach unto them that dwell on the earth, and to every nation, and kindred, and tongue, and people,
7 Saying with a loud voice, Fear God, and give glory to him; for the hour of his judgment is come: and worship him that made heaven, and earth, and the sea, and the fountains of waters.
8 And there followed another angel, saying, Babylon is fallen, is fallen, that great city, because she made all nations drink of the wine of the wrath of her fornication.
9 And the third angel followed them, saying with a loud voice, If any man worship the beast and his image, and receive his mark in his forehead, or in his hand,
10 The same shall drink of the wine of the wrath of God, which is poured out without mixture into the cup of his indignation; and he shall be tormented with fire and brimstone in the presence of the holy angels, and in the presence of the Lamb:
11 And the smoke of their torment ascendeth up for ever and ever: and they have no rest day nor night, who worship the beast and his image, and whosoever receiveth the mark of his name.
12 Here is the patience of the saints: here are they that keep the commandments of God, and the faith of Jesus.
13 And I heard a voice from heaven saying unto me, Write, Blessed are the dead which die in the Lord from henceforth: Yea, saith the Spirit, that they may rest from their labours; and their works do follow them.
14 And I looked, and behold a white cloud, and upon the cloud one sat like unto the Son of man, having on his head a golden crown, and in his hand a sharp sickle.
15 And another angel came out of the temple, crying with a loud voice to him that sat on the cloud, Thrust in thy sickle, and reap: for the time is come for thee to reap; for the harvest of the earth is ripe.
16 And he that sat on the cloud thrust in his sickle on the earth; and the earth was reaped.
17 And another angel came out of the temple which is in heaven, he also having a sharp sickle.
18 And another angel came out from the altar, which had power over fire; and cried with a loud cry to him that had the sharp sickle, saying, Thrust in thy sharp sickle, and gather the clusters of the vine of the earth; for her grapes are fully ripe.
19 And the angel thrust in his sickle into the earth, and gathered the vine of the earth, and cast it into the great winepress of the wrath of God.
20 And the winepress was trodden without the city, and blood came out of the winepress, even unto the horse bridles, by the space of a thousand and six hundred furlongs.
Revelation 14
New King James Version
The Lamb and the 144,000
14 Then I looked, and behold, [a]a (A)Lamb standing on Mount Zion, and with Him (B)one hundred and forty-four thousand, [b]having His Father’s name (C)written on their foreheads. 2 And I heard a voice from heaven, (D)like the voice of many waters, and like the voice of loud thunder. And I heard the sound of (E)harpists playing their harps. 3 They sang as it were a new song before the throne, before the four living creatures, and the elders; and no one could learn that song (F)except the hundred and forty-four thousand who were redeemed from the earth. 4 These are the ones who were not defiled with women, (G)for they are virgins. These are the ones (H)who follow the Lamb wherever He goes. These (I)were [c]redeemed from among men, (J)being firstfruits to God and to the Lamb. 5 And (K)in their mouth was found no [d]deceit, for (L)they are without fault [e]before the throne of God.
The Proclamations of Three Angels
6 Then I saw another angel (M)flying in the midst of heaven, (N)having the everlasting gospel to preach to those who dwell on the earth—(O)to every nation, tribe, tongue, and people— 7 saying with a loud voice, (P)“Fear God and give glory to Him, for the hour of His judgment has come; (Q)and worship Him who made heaven and earth, the sea and springs of water.”
8 And another angel followed, saying, (R)“Babylon[f] is fallen, is fallen, that great city, because (S)she has made all nations drink of the wine of the wrath of her fornication.”
9 Then a third angel followed them, saying with a loud voice, (T)“If anyone worships the beast and his image, and receives his (U)mark on his forehead or on his hand, 10 he himself (V)shall also drink of the wine of the wrath of God, which is (W)poured out full strength into (X)the cup of His indignation. (Y)He shall be tormented with (Z)fire and brimstone in the presence of the holy angels and in the presence of the Lamb. 11 And (AA)the smoke of their torment ascends forever and ever; and they have no rest day or night, who worship the beast and his image, and whoever receives the mark of his name.”
12 (AB)Here is the [g]patience of the saints; (AC)here[h] are those who keep the commandments of God and the faith of Jesus.
13 Then I heard a voice from heaven saying [i]to me, “Write: (AD)‘Blessed are the dead (AE)who die in the Lord from now on.’ ”
“Yes,” says the Spirit, (AF)“that they may rest from their labors, and their works follow (AG)them.”
Reaping the Earth’s Harvest
14 Then I looked, and behold, a white cloud, and on the cloud sat One like the Son of Man, having on His head a golden crown, and in His hand a sharp sickle. 15 And another angel (AH)came out of the temple, crying with a loud voice to Him who sat on the cloud, (AI)“Thrust in Your sickle and reap, for the time has come [j]for You to reap, for the harvest (AJ)of the earth is ripe.” 16 So He who sat on the cloud thrust in His sickle on the earth, and the earth was reaped.
Reaping the Grapes of Wrath
17 Then another angel came out of the temple which is in heaven, he also having a sharp sickle.
18 And another angel came out from the altar, (AK)who had power over fire, and he cried with a loud cry to him who had the sharp sickle, saying, (AL)“Thrust in your sharp sickle and gather the clusters of the vine of the earth, for her grapes are fully ripe.” 19 So the angel thrust his sickle into the earth and gathered the vine of the earth, and threw it into (AM)the great winepress of the wrath of God. 20 And (AN)the winepress was trampled (AO)outside the city, and blood came out of the winepress, (AP)up to the horses’ bridles, for one thousand six hundred [k]furlongs.
Footnotes
- Revelation 14:1 NU, M the
- Revelation 14:1 NU, M add His name and
- Revelation 14:4 M adds by Jesus
- Revelation 14:5 NU, M falsehood
- Revelation 14:5 NU, M omit the rest of v. 5.
- Revelation 14:8 NU Babylon the great is fallen, is fallen, which has made; M Babylon the great is fallen. She has made
- Revelation 14:12 steadfastness, perseverance
- Revelation 14:12 NU, M omit here are those
- Revelation 14:13 NU, M omit to me
- Revelation 14:15 NU, M omit for You
- Revelation 14:20 Lit. stadia, about 184 miles in all
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

