Greeting

The elder:(A)

To my dear friend Gaius, whom I love in the truth.(B)

Dear friend, I pray that you are prospering in every way and are in good health,(C) just as your whole life is going well.[a] For I was very glad when fellow believers came and testified(D) to your fidelity to the truth—how you are walking in truth.(E) I have no greater joy(F) than this: to hear that my children(G) are walking in truth.

Gaius Commended

Dear friend, you are acting faithfully in whatever you do for the brothers and sisters, especially when they are strangers. They have testified to your love before the church.(H) You will do well to send them on their journey(I) in a manner worthy of God,(J) since they set out for the sake of the Name,(K) accepting nothing from pagans.[b](L) Therefore, we ought to support such people so that we can be coworkers with the truth.

Diotrephes and Demetrius

I wrote something to the church, but Diotrephes, who loves to have first place among them,(M) does not receive our authority.(N) 10 This is why, if I come, I will remind him of the works he is doing, slandering(O) us with malicious words. And he is not satisfied with that! He not only refuses to welcome fellow believers, but he even stops those who want to do so and expels them from the church.

11 Dear friend, do not imitate what is evil,(P) but what is good. The one who does good is of God;(Q) the one who does evil has not seen God.(R) 12 Everyone speaks well of Demetrius—even the truth itself. And we also speak well of him, and you know(S) that our testimony is true.(T)

Farewell

13 I have many things to write you, but I don’t want to write to you with pen and ink. 14 I hope to see you soon, and we will talk face to face.

15 Peace to you. The friends send you greetings. Greet the friends by name.

Footnotes

  1. 2 Or as your soul prospers
  2. 7 Or Gentiles

Panimula

Mula sa matanda, para sa minamahal kong Gayo, na aking minamahal ayon sa katotohanan.

Mahal kong kapatid, dalangin ko nawa'y nasa mabuti kang kalagayan at malusog ang iyong pangangatawan, kung paanong mabuti rin ang kalagayan ng iyong kaluluwa. Galak na galak ako nang dumating ang ilan sa mga kapatid at nagpatotoo sa iyong katapatan sa katotohanan, tulad ng iyong pamumuhay ayon sa katotohanan. Wala nang hihigit pa sa kagalakan kong ito, na mabalitaang ang mga anak ko ay namumuhay sa katotohanan.

Mga Katuwang at mga Kalaban

Minamahal, tapat ang anumang ginagawa mo para sa iyong mga kapatid, maging sa mga dayuhan. Nagpatotoo sa iglesya ang mga kapatid tungkol sa iyong pag-ibig. Makabubuti kung matutulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, na siya namang kalugud-lugod sa Diyos. Sapagkat sila ay nagsimula nang maglakbay alang-alang kay Cristo.[a] Ginawa nila ito nang hindi tumatanggap ng anumang tulong mula sa mga di-mananampalataya. Kaya nga, nararapat nating tulungan ang mga taong tulad nila, upang tayo'y maging kamanggagawa para sa katotohanan.

Sumulat ako ng ilang bagay sa iglesya, subalit hindi kami tinanggap ni Diotrefes, na naghahangad na maging pangunahin. 10 Dahil dito, pagdating ko riyan ay ilalantad ko ang kanyang mga gawa, at ang mga paninirang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan sa mga iyon; ayaw pa niyang tanggapin ang mga kapatid, at pinipigilan pa niya ang mga nagnanais tumanggap sa mga ito at pinapalayas sa iglesya.

11 Minamahal, huwag mong tularan ang masama kundi ang mabuti. Ang sinumang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang sinumang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakita sa Diyos. 12 Nagpatotoo ang lahat tungkol kay Demetrio, pati na rin ang katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo tungkol sa kanya, at alam mong totoo ang aming patotoo.

Mga Huling Pagbati

13 Marami pa akong isusulat sa iyo, subalit hindi ko nais gawin ito gamit ang panulat at tinta; 14 sa halip, hangad kong makita ka agad, at makapag-usap tayo nang harapan. 15 Sumaiyo ang kapayapaan. Binabati ka ng mga kaibigan. Ipaabot mo ang aking pagbati sa bawat isang[b] kaibigan natin diyan.

Footnotes

  1. 3 Juan 1:7 Cristo: Sa Griyego, Pangalan.
  2. 3 Juan 1:15 bawat isa: Sa Griyego, ayon sa pangalan.