2 Pedro 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagbati
1 Mula kay Simon[a] Pedro, lingkod at apostol ni Jesu-Cristo.
Para sa mga tulad naming tumanggap ng mahalagang pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo: 2 Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus.
Ang Pagtawag at Pagpili ng Diyos
3 Ipinagkaloob niya sa atin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na kailangan natin sa buhay at sa pamumuhay nang tapat sa kanya. Ito'y sa pamamagitan ng ating pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin ayon sa kanyang karangalan at kaluwalhatian. 4 Sa pamamagitan ng mga ito'y ibinigay niya sa atin ang kanyang mga mahahalaga at dakilang pangako upang kayo'y maging kabahagi sa kanyang kalikasan bilang Diyos, yamang nakaiwas na kayo sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa. 5 At dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa kabutihan ang kaalaman; 6 sa kaalaman ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili ang katatagan; sa katatagan ang banal na pamumuhay; 7 sa banal na pamumuhay ang pagmamahalan bilang magkakapatid; at sa pagmamahalan bilang magkakapatid ang pag-ibig. 8 Sapagkat kung taglay ninyo at pinagyayaman ang mga katangiang ito, tutulungan kayo ng mga ito na hindi maging inutil at hindi mawawalan ng silbi sa inyong pagkakilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 9 Sinumang wala ng mga katangiang ito ay sa malapitan lamang nakakakita at mistulang bulag. Nakalimutan niyang nilinis na siya sa kanyang naunang mga kasalanan. 10 Kaya nga, mga kapatid, lalo ninyong pagsikapan na patatagin ang pagkatawag at pagkapili sa inyo. Kung gawin ninyo ang mga ito, hindi kayo madarapa. 11 Sa ganitong paraan, buong luwalhati kayong papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
12 Kaya nga lagi ko kayong pinaaalalahanan tungkol sa mga ito, kahit alam na ninyo ang tungkol dito at matatag na kayo sa mga katotohanang tinanggap ninyo. 13 Katunaya'y iniisip kong lagi kayong paalalahanan hangga't nabubuhay ako. 14 At alam kong hindi na magtatagal at paaalisin na ako sa katawang ito, gaya ng sinabi sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya't ginagawa ko ang lahat upang matiyak ko na kahit nasa kabilang buhay na ako ay maalala pa ninyo ang mga bagay na ito.
Mga Saksi sa Kaluwalhatian ni Cristo
16 Nang ipaalam namin sa inyo ang tungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo, hindi kami gumawa ng mga alamat na katha lamang ng tao. Kami mismo ay saksi sa kanyang kadakilaan. 17 Sapagkat (A) tinanggap niya mula sa Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kanya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak, na siya kong kinalulugdan.” 18 At kami mismo ang nakarinig ng tinig na ito na mula sa langit sapagkat kasama niya kami sa banal na bundok. 19 Ang mga ito ang lalong nagpatibay ng aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta, at makabubuti kung ito'y pag-uukulan ninyo ng pansin, sapagkat ito'y tulad ng isang ilawang tumatanglaw sa dakong madilim hanggang dumating ang bukang-liwayway at sumilang ang tala sa umaga sa inyong mga kalooban. 20 Higit sa lahat, dapat ninyong malaman na walang propesiya ng Kasulatan na nahayag dahil sa pansariling pagpapakahulugan ng sinuman. 21 Sapagkat walang propesiyang dumating kailanman na nagbuhat sa kalooban ng tao; sa halip, nagsalita ang mga tao ng mga bagay na galing sa Diyos nang sila'y magpahayag sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Footnotes
- 2 Pedro 1:1 Sa ibang manuskrito Simeon.
2 Peter 1
New International Version
1 Simon Peter, a servant(A) and apostle of Jesus Christ,(B)
To those who through the righteousness(C) of our God and Savior Jesus Christ(D) have received a faith as precious as ours:
2 Grace and peace be yours in abundance(E) through the knowledge of God and of Jesus our Lord.(F)
Confirming One’s Calling and Election
3 His divine power(G) has given us everything we need for a godly life through our knowledge of him(H) who called us(I) by his own glory and goodness. 4 Through these he has given us his very great and precious promises,(J) so that through them you may participate in the divine nature,(K) having escaped the corruption in the world caused by evil desires.(L)
5 For this very reason, make every effort to add to your faith goodness; and to goodness, knowledge;(M) 6 and to knowledge, self-control;(N) and to self-control, perseverance;(O) and to perseverance, godliness;(P) 7 and to godliness, mutual affection; and to mutual affection, love.(Q) 8 For if you possess these qualities in increasing measure, they will keep you from being ineffective and unproductive(R) in your knowledge of our Lord Jesus Christ.(S) 9 But whoever does not have them is nearsighted and blind,(T) forgetting that they have been cleansed from their past sins.(U)
10 Therefore, my brothers and sisters,[a] make every effort to confirm your calling(V) and election. For if you do these things, you will never stumble,(W) 11 and you will receive a rich welcome into the eternal kingdom(X) of our Lord and Savior Jesus Christ.(Y)
Prophecy of Scripture
12 So I will always remind you of these things,(Z) even though you know them and are firmly established in the truth(AA) you now have. 13 I think it is right to refresh your memory(AB) as long as I live in the tent of this body,(AC) 14 because I know that I will soon put it aside,(AD) as our Lord Jesus Christ has made clear to me.(AE) 15 And I will make every effort to see that after my departure(AF) you will always be able to remember these things.
16 For we did not follow cleverly devised stories when we told you about the coming of our Lord Jesus Christ in power,(AG) but we were eyewitnesses of his majesty.(AH) 17 He received honor and glory from God the Father when the voice came to him from the Majestic Glory, saying, “This is my Son, whom I love; with him I am well pleased.”[b](AI) 18 We ourselves heard this voice that came from heaven when we were with him on the sacred mountain.(AJ)
19 We also have the prophetic message as something completely reliable,(AK) and you will do well to pay attention to it, as to a light(AL) shining in a dark place, until the day dawns(AM) and the morning star(AN) rises in your hearts.(AO) 20 Above all, you must understand(AP) that no prophecy of Scripture came about by the prophet’s own interpretation of things. 21 For prophecy never had its origin in the human will, but prophets, though human, spoke from God(AQ) as they were carried along by the Holy Spirit.(AR)
Footnotes
- 2 Peter 1:10 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family.
- 2 Peter 1:17 Matt. 17:5; Mark 9:7; Luke 9:35
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.