Add parallel Print Page Options

Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.

At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.

Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.

Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.

At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.

Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.

Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.

Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:

Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.

10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.

11 Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:

12 Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:

13 Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.

14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.

15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.

16 Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,

17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto;

18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.

19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.

20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at lupa; at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.

21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.

22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.

23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.

24 At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin,

25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan,

26 At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.

Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus

Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa pamamagitan ng biyaya na nakay Cristo Jesus. Ang mga bagay na narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo sa iba. Makihati ka sa mga paghihirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. Hindi pinag-aabalahan ng isang kawal ang mga bagay na walang kinalaman sa pagiging kawal, upang mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang pinuno. Gayundin naman, hindi magwawagi ang isang manlalaro kung hindi siya susunod sa mga alituntunin. Ang masipag na magsasaka ang siyang dapat unang makinabang sa kanyang ani. Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sapagkat tutulungan ka ng Panginoon na maunawaan ang lahat.

Alalahanin mo si Jesu-Cristo na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David, ayon sa ebanghelyong ipinapangaral ko. Ito ang dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo, na parang ako'y isang kriminal. Ngunit hindi maaaring ibilanggo ang salita ng Diyos. 10 Dahil dito, tinitiis ko ang lahat alang-alang sa mga hinirang, upang makamit nila ang kaligtasan na matatagpuan kay Cristo Jesus na nagdudulot ng kaluwalhatiang walang hanggan. 11 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito:

Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya;
12 kung (A) tayo'y makapagtitiis, maghahari naman tayong kasama niya;
    kapag siya'y ating ikakaila, ikakaila rin niya tayo;
13 kung tayo ma'y hindi nanatiling tapat, siya'y nananatiling tapat;
    sapagkat hindi niya magagawang ikaila ang kanyang sarili.

14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ng Diyos[a] ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.

Ang Manggagawa ng Diyos

15 Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan, sapagkat lalo lang magtutulak ito sa mga tao sa higit pang kasamaan. 17 Ang mga salita ng mga gumagawa nito'y gaya ng kanser na kumakalat sa katawan. Kasama sa mga ito sina Himeneo at Fileto. 18 Lumihis sila sa katotohanan at sinasabing ang muling pagkabuhay ay naganap na. Sinisira nila ang pananampalataya ng iba. 19 Ngunit (B) matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: “Kilala ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at, “Lumayo sa kasamaan ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” 20 Sa isang malaking bahay ay may mga sisidlang yari sa ginto at pilak, ngunit mayroon din namang yari sa kahoy at putik. Ang iba'y para sa marangyang paggagamitan, at ang iba'y para sa karaniwan. 21 Sinumang naglilinis ng kanyang sarili mula sa kasamaan ay tulad ng mga sisidlang natatangi, malinis, at karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabuting gawain. 22 Layuan mo ang masasamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan mong mabuhay ka sa katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong dalisay. 23 Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo. Alam mo namang nagbubunga lang ang mga iyan ng pag-aaway. 24 Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip, dapat siyang mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. 25 Mahinahon niyang pinapangaralan ang mga sumasalungat sa kanya, sa pag-asang pagkakalooban sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan. 26 Sa gayon, matatauhan sila at makakawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban.[b]

Footnotes

  1. 2 Timoteo 2:14 Sa ibang matandang kasulatan, Panginoon.
  2. 2 Timoteo 2:26 upang gawin ang kanyang kalooban o sa pamamagitan niya, upang gawin ang kalooban ng Diyos.

But as for you, my child, be empowered by the grace that is in Jesus, the Anointed One. Whatever you heard me teach before an audience of witnesses, I want you to pass along to trustworthy people who have the ability to teach others too. As a good soldier of Jesus the Anointed, be ready to suffer with me. Remember that soldiers on active duty don’t get wrapped up in civilian matters because they want to satisfy those who recruited them. Look at it another way: if someone competes as an athlete, he won’t win the race and be crowned with the wreath if he breaks the rules. And the farmer who exhausts himself in the field should be the first to taste his harvest. Think about what I am telling you, and let the Lord give you clarity on all of it.

Paul has mentored no one more privately and successfully than Timothy. Now he charges Timothy to pass the faith along to the next generation. Training leaders is priority one.

Remember Jesus the Anointed, raised from the dead, descended from David’s royal line. This is the crux of my good news! This is why I suffer and why I am bound and chained like a lawbreaker. But God’s word is not in chains! 10 That’s why I endure everything for the sake of God’s chosen: so that they might experience salvation with lasting, eternal glory through Jesus the Anointed, our Liberating King. 11 Here’s a statement you can trust:

If we died with Him,
    we will live with Him.
12 If we remain with Him,
    we will reign alongside Him.
If we deny Him,
    we will be denied by Him.
13 If we are unfaithful,
    He remains faithful,
For He is not able to deny Himself.

14 Remind others about these things that I’m telling you. Warn them before God to stop their useless bickering over words. After all, splitting hairs does no good; it only ruins those forced to listen to their meritless arguments. 15 Timothy, do everything you can to present yourself to God as a man who is fully genuine, a worker unashamed of your mission, a guide capable of leading others along the correct path defined by the word of truth. 16 Stay away from ungodly babbling because it will only lead deeper into a godless lifestyle. 17 Once these empty voices start to speak, Timothy, they infect and spread; and soon the body is consumed with its cancer.[a] Hymenaeus and Philetus fell victim to it, 18 and they walked away from the truth by claiming that the day of resurrection has already arrived. They are clearly disrupting the faith of some who are not well grounded. 19 Regardless of what they do or say, God’s foundation is strong and firmly in place, etched with this seal: “The Lord knows the ones who belong to Him,”[b] and, “Everyone who invokes the name of the Lord ought to stop doing what they know to be wrong.”

20 Look, in the mansions of the rich and powerful you will find everything from silver and gold serving bowls to wooden containers and clay jars; some are used for special occasions—where honor is important—others are used for more mundane tasks. 21 So tell them, if they will clean up their lives and purify themselves from dishonorable teachings that lead people astray, then they can become honorable vessels, consecrated and useful to the Master, made ready for every good work He has in store.

22 Timothy, run away from youthful desires. Instead, direct your passion to chasing after righteousness, faithfulness, love, and peace, along with those who call upon the Lord with pure hearts. 23 Excuse yourself from any conversations that turn into foolish and uninformed debates because you know they only provoke fights. 24 As the Lord’s slave, you shouldn’t exhaust yourself in bickering; instead, be gentle—no matter who you are dealing with—ready and able to teach, tolerant without resentment, 25 gently instructing those who stand up against you. Besides, the time may come when God grants them a change of heart[c] so that they can arrive at the full knowledge of truth. 26 And if they come to their senses, they can escape the devil’s snare and walk freed from his captivity and evil bidding.

Footnotes

  1. 2:17 Literally, gangrene
  2. 2:19 Numbers 16:5
  3. 2:25 Literally, repentance