2 Timoteo 1:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 Pinili ako ng Dios na maging apostol at guro para ipahayag ang Magandang Balitang ito. 12 Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.[a] 13 Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Cristo Jesus.
Read full chapterFootnotes
- 1:12 ipinagkatiwala ko sa kanya: o, ipinagkatiwala niya sa akin.
2 Timoteo 1:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Dahil (A) sa ebanghelyong ito, ako'y itinalagang tagapangaral, apostol at guro.[a] 12 Ito rin ang dahilan ng aking mga pagdurusa. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan, at ako'y nagtitiwalang maiingatan niya hanggang sa araw na iyon ang aking ipinagkatiwala sa kanya.[b] 13 Gawin mong halimbawa ang mga aral na narinig mo sa akin, at magpatuloy ka sa pamumuhay sa pananampalataya at pag-ibig na bunga ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Read full chapterFootnotes
- 2 Timoteo 1:11 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na ng mga Hentil.
- 2 Timoteo 1:12 aking ipinagkatiwala sa kanya o ipinagkatiwala sa akin.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
