2 Juan 8-10
Ang Biblia (1978)
8 Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang (A)huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.
9 Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay (B)hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
10 Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay (C)huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:
Read full chapter
2 Juan 8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Ingatan ninyo ang inyong mga sarili, upang hindi masira ang aming pinagpaguran, kundi tumanggap kayo ng lubos na gantimpala. 9 Ang sinumang lumalampas at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo, wala sa kanya ang Diyos. Subalit ang sinumang nananatili sa katuruan, nasa kanya ang Ama at ang Anak. 10 Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.