2 Juan 4-6
Ang Dating Biblia (1905)
4 Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.
5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.
6 At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
Read full chapter
2 Juan 4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Katotohanan at Pag-ibig
4 Labis akong nagalak nang malaman kong ilan sa iyong mga anak ay namumuhay sa katotohanan, tulad ng utos na tinanggap natin mula sa Ama. 5 At ngayon, ginang, ako'y humihiling sa iyo; hindi tulad ng isang bagong utos ang isinusulat ko sa iyo, kundi iyon ding tinanggap natin mula nang simula, na ibigin natin ang isa't isa. 6 At ito ang pag-ibig: tayo'y mamuhay ayon sa kanyang mga utos. At ito ang utos, tulad ng inyong narinig mula pa noong una: mamuhay tayo ayon dito.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.