2 Cronica 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Humingi si Solomon ng Karunungan(A)
1 Naging matatag ang paghahari ni Solomon na anak ni David sa kaharian niya dahil kasama niya ang Panginoon na kanyang Dios, at siyaʼy ginawa niyang makapangyarihan. 2 Nakipag-usap si Solomon sa lahat ng mga Israelita – sa mga kumander ng mga libu-libo at daan-daang mga sundalo, sa mga hukom, sa lahat ng pinuno ng Israel, at sa mga pinuno ng mga pamilya. 3 Pagkatapos, umalis si Solomon at ang lahat ng tao papuntang sambahan sa matataas na lugar[a] sa Gibeon, dahil naroon ang Toldang Tipanan ng Dios. Ang toldang ito ay ang ipinagawa ni Moises na lingkod ng Panginoon sa disyerto. 4 Nang panahong iyon, nailipat na ni David ang Kahon ng Kasunduan ng Dios mula sa Kiriat Jearim papunta sa toldang inihanda niya para rito, doon sa Jerusalem. 5 Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng Panginoon. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao para magtanong sa Panginoon. 6 Pagkatapos, umakyat si Solomon sa tansong altar sa presensya ng Panginoon sa Toldang Tipanan, at naghandog siya ng 1,000 handog na sinusunog.
7 Nang gabing iyon, nagpakita ang Dios kay Solomon at sinabi sa kanya, “Humingi ka ng kahit ano at ibibigay ko ito sa iyo” 8 Sumagot si Solomon, “Pinakitaan nʼyo po ng malaking kabutihan ang ama kong si David. At ngayon, ipinalit nʼyo ako sa kanya bilang hari. 9 Kaya ngayon, Panginoong Dios, tuparin nʼyo po ang pangako nʼyo sa aking amang si David, dahil ginawa nʼyo po akong hari ng mga taong kasindami ng buhangin. 10 Bigyan nʼyo po ako ng karunungan at kaalaman para mapamahalaan ko ang mga taong ito. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa mga mamamayan ninyo na napakarami?”
11 Sinabi ng Dios kay Solomon, “Dahil humingi ka ng karunungan at kaalaman sa pamamahala ng aking mga mamamayan na kung saan ginawa kitang hari at hindi ka humingi ng kayamanan, o karangalan, o kamatayan ng iyong mga kalaban, o mahabang buhay, 12 ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi. At hindi lang iyan, bibigyan din kita ng mga kayamanan at karangalan na hindi pa nakamtan ng sinumang hari noon at sa darating na panahon.”
13 Pagkatapos, umalis si Solomon sa Toldang Tipanan doon sa sambahan sa matataas na lugar na nasa Gibeon, at bumalik sa Jerusalem. At naghari siya sa Israel.
Ang mga Kayamanan ni Solomon(B)
14 Nakapagtipon si Solomon ng 1,400 karwahe at 12,000 kabayo.[b] Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem. 15 Nang panahong siya ang hari, ang pilak at ginto sa Jerusalem ay parang ordinaryong mga bato lang, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng ordinaryong mga kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[c] 16 Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula pa sa Egipto[d] at sa Cilicia.[e] Binili ito sa Cilicia ng kanyang mga tagabili sa tamang halaga. 17 Nang panahong iyon, ang halaga ng karwahe na mula sa Egipto ay 600 pirasong pilak at ang kabayo ay 150 pirasong pilak. Ipinagbili rin nila ito sa lahat ng hari ng mga Heteo at mga Arameo.[f]
Footnotes
- 1:3 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
- 1:14 kabayo: o, mangangabayo.
- 1:15 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.
- 1:16 Egipto: o, Muzur. Isang lugar malapit sa Cilicia.
- 1:16 Cilicia: sa Hebreo, Kue. Maaaring isang pangalan ng Cilicia.
- 1:17 Arameo: o, taga-Syria.
2 Cronica 1
Ang Biblia (1978)
Si Salomon ay sumamba sa Gabaon.
1 At si Salomon na (A)anak ni David ay tumibay sa kaniyang kaharian, at ang Panginoon niyang Dios ay sumakaniya, at pinadakila siyang mainam.
2 At si Salomon ay nagsalita sa buong Israel, sa mga (B)pinunong kawal ng lilibuhin at dadaanin, at sa mga hukom, at sa bawa't prinsipe sa buong Israel, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang.
3 Sa gayo'y si Salomon, at ang buong kapisanan na kasama niya, ay naparoon sa (C)mataas na dako na nasa Gabaon; sapagka't nandoon ang tabernakulo ng kapisanan ng Dios, (D)na ginawa sa ilang ni Moises na lingkod ng Panginoon.
4 Nguni't (E)ang kaban ng Dios ay iniahon ni David mula sa (F)Chiriath-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David: sapagka't kaniyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem.
5 Bukod dito'y (G)ang dambanang tanso na ginawa ni (H)Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: at doo'y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan.
6 At si Salomon ay sumampa roon sa dambanang tanso sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at (I)naghandog ng isang libong handog na susunugin doon.
Ang paghingi ng karunungan.
7 (J)Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon, at nagsabi sa kaniya, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.
8 At sinabi ni Salomon sa Dios, Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama, at ginawa mo akong hari na kahalili niya.
9 Ngayon, Oh Panginoong Dios, itatag mo ang iyong pangako kay David na aking ama: sapagka't ginawa mo akong hari sa bayang gaya ng alabok ng lupa sa karamihan.
10 Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman, upang ako'y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito: sapagka't sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki?
11 At sinabi ng Dios kay Salomon, Sapagka't ito ang sumaiyong puso, at hindi ka humingi ng kayamanan, pagaari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo, o humingi ka kaya ng mahabang buhay; kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili, upang iyong mahatulan ang aking bayan, na aking pinaggawan sa iyo na hari:
12 Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo; at bibigyan kita ng kayamanan, at pagaari, at karangalan (K)na walang hari na una sa iyo na nagkaroon ng ganyan, o sinoman ay magkakaroon ng gayong pagkamatay mo.
13 Sa gayo'y dumating si Salomon mula sa (L)mataas na dako na nasa Gabaon, mula sa harap ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa Jerusalem; at siya'y naghari sa Israel.
Ang kaniyang kayamanan.
14 (M)At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo: at siya'y mayroong (N)isang libo at apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa (O)bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.
15 At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.
16 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan, na bawa't kawan ay sa halaga.
17 At kanilang iniaahon at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo sa isang daan at limangpu: at gayon sa lahat na hari ng mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria, kanilang mga inilalabas sa pamamagitan nila.
2 Књига дневника 1
New Serbian Translation
Соломон тражи мудрост
1 Када је Соломон, Давидов син, учврстио своје царство, са њим је био Господ, Бог његов, који га је силно узвисио над свима.
2 Соломон је сазвао сав Израиљ – главаре, хиљаднике и стотнике, судије и све кнезове – све очинске главе. 3 Отишао је са целим збором на узвишицу на Гаваону, јер се тамо налазио Божији Шатор од састанка који је у пустињи направио Мојсије, слуга Господњи. 4 А Давид је пренео Божији Ковчег из Киријат-Јарима и припремио му место у Шатору постављеном у Јерусалиму. 5 Пред Пребивалиштем Господњим се налазио бронзани жртвеник који је направио Веселеило, Уријин син и Оров унук. Ту су Господа тражили Соломон и збор. 6 На бронзаном жртвенику, пред Пребивалиштем Господњим, Соломон је принео хиљаду жртава свеспалница.
7 Те ноћи, у сну, Бог му се указао и рекао: „Тражи шта желиш и ја ћу ти дати.“
8 Соломон рече Богу: „Ти си мом оцу Давиду показао велику милост, и сада си мене зацарио на његово место. 9 Нека се, Господе Боже, обистини твоја реч дана мом оцу Давиду, јер си ме поставио за цара многобројном народу којега има као прашине по земљи. 10 Дај ми сада мудрост и знање да бих могао да га предводим. Јер, ко би могао да суди твом тако бројном народу?“
11 И Бог одговори Соломону: „Зато што ниси срцем затражио обиље, част и богатство, дуговечност, животе оних који те мрзе – већ мудрост и знање – да би судио народу над којим сам те зацарио; 12 даћу ти све то – мудрост и знање, обиље, част и богатство – што нису имали и неће имати цареви пре и после тебе.“
13 Са узвишице у Гаваону и од Шатора од састанка, Соломон се вратио у Јерусалим и владао над Израиљем.
14 Соломон је накупио бојна кола и коње. Имао је хиљаду четири стотине бојних кола и дванаест хиљада коња, које је разместио по градовима за бојна кола, и код цара у Јерусалиму. 15 Цар је учинио да сребра и злата у Јерусалиму буде као камења, а кедровог дрвета много као дивљих смокава у равници. 16 Соломон је увозио коње из Египта и Куе. Цареви трговци су их куповали у Куи по одређеној цени. 17 Бојна кола која су долазила из Египта коштала су шест стотина сребрних шекела, а коњ стотину педесет. Тако су преко царевих трговаца снабдевали све хетитске и арамејске цареве.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Holy Bible, New Serbian Translation Copyright © 2005, 2017 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide. Свето писмо, Нови српски превод Copyright © 2005, 2017 Biblica, Inc.® Користи се уз допуштење. Сва права задржана.
